CHAPTER 2- THE DEAL

579 55 36
                                    

  
Nagising ako sa ingay ng Alarm clock. Nag-alarm na ako para 'di na ma-abala si mommy sa kakagising sa 'kin. Matapos maligo at magbihis ay inayos ko na ang gamit ko ng may biglang kumatok sa may pinto.

"Can I come in?" si kuya Jin.

"Pasok kuya." sabi ko nalang habang nagsusuklay ng buhok.

"Good morning kuya!" masayang bati
ko sa kanya saka niyakap s'ya.

"Good morning!" nakangising bati niya sa 'kin na kinurot pa ang tungki ng ilong ko.

Napansin ko 'yong first aid kit na dala niya. Siya siguro ang naglinis ng sugat ko kagabi. Umupo ako sa kama at siya naman ay paluhod na umupo sa sahig.

"Dapat palagi 'tong nililinis para hindi magka-infection." malumanay pang sabi ni kuya habang dahan-dahang nililinis ang sugat ko sa tuhod. Ang swerte  ko sa Kuya ko. Malambing, maalaga at over protective. Sobrang close kami ni Kuya Jin.

"Ano bang nangyari at nagkasugat ka sa dalawang tuhod mo?" Tanong niya na nilagyan ng betadine ang sugat. Tiniis ko nalang ang hapdi.

"Nadapa ho kasi ako kuya." pagsisinungalin ko na nakapout

"Huh? Ikaw madapa? Alam mo.  Ellaine,kilala kita." natawa pang
react ni kuya. Kilala talaga niya ako. Kung nagsinungalin ba ako o hindi.

" Eh kasi kuya, may tumisod sa 'kin kaya nadapa ako sa stairs. 'Di ko nga alam kung bakit galit sila sa 'kin"
pagsusumbong ko kay kuya. Nagiging childish ako 'pag siya ang kaharap ko.

"Basta iwasan mo sila. At ingatan mo palagi sarili mo." Paalala naman niya nang matapos gamutin ang sugat ko.

"Opo Doc." nakangiti kong tugon
saka ginulo niya ang buhok ko.
Doctor si kuya. Specifically, he's a surgeon. May sarili kaming hospital na pag- aari ng mga magulang ko. Si mommy naman ang namahala ng
hospital, kaya minsan busy 'yon at 'di  ko maabutan tuwing umaga tulad ngayon. Maaga siyang umalis, ngunit may inihanda siyang pagkain sa mesa.

"I can't eat breakfast with you, I need to sleep again. May surgery ako mamaya." Paalam ni kuya sa 'kin.

"Okay lang kuya, kaya ko na sarili ko."

*Pagkatapos kong kumain ay umalis
na ako papuntang school.
At kung mamalasin nga naman ako ang aga-aga akong kinulit ng kaluluwa na palaging nakasakay sa kotse ko.

"Tama nga ang hinala ko. Nakikita at naririnig mo parin kami." bungad niya sa  'kin  I mean Cecile, 'yan
daw kasi ang pangalan niya. magkasing edad kami no'ng namatay siya. Hindi pa daw siya handang umalis sa lupa hangga't 'di niya makikita ang anak niya. 15 years ng gumagala ang kaluluwa niya sa lupa.
20 years old na daw ang edad ng anak niya ngayon. 3years mula n'ong nakita ko ang kaluluwa niya ngunit hindi ko alam kung paano siya tutulungan. Ikinuwento niya sa akin noon ang tungkol sa unaccomplished mission niya.

"Iris, kausapin mo naman ako." ang kulit niya talaga.

"Cecile,wala akong magagawa. Isang hamak na estudyante lang ako at hindi ako detective." Sarkastiko kong tugon ko sa kaniya.

"May magagawa ka."

"H'wag mo na akong kulitin. Kun'di ihuhulog kita sa kotse" seryosong
sabi ko sa kaniya na siyang kinatigil niya. Kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Iris ihinto mo!!" sigaw niya at
dahil sa pagkabigla ay napreno ko kaagad ang kotse.
At si Cecile ay lumusot siya sa harap ng salamin ng kotse ko naman pagulong-gulong 'yong kaluluwa niya sa kalsada.

"Patay!!" 'yon lang ang naibulalas ko nang nakita ko kung anong nagawa ko. Ang kotse na sinusundan ko ay
nabangga ko ang likod na parte.  At mas lalong kinabahan ako no'ng
nakita ko ang driver ng sasakyan na bumaba at sobrang galit ang aura
nitong nakatingin sa kotse. Tinted 'yong Car ko kaya 'di pa niya
ako nakita, ngunit kitang-kita ko ang mukha niya.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon