EPILOGUE

309 22 1
                                    

Isang buwan ng nakalipas mula noong nangyari ang napakapait at napakasakit na yugto sa aming buhay. Nawala sa amin si Maureen at si Bryle. Si Rebel ay nakaratay pa rin sa hospital, walang malay. Na-coma ito dahil daw sa Tama Ng balay sa ulo. Successful nga Ang operasyon ngunit hindi pa rin Alam Kung kailan magigising. Hindi namin inakala na si Yanna ang may gawa ng kriming 'yon. Ang dahilan ng kadiliman sa buhay ko. Napatay ni Chan si Yanna, hindi ko alam kung sapat na ba ang buhay niya sa maraming buhay na kinitil niya, katumbas no'n ay ang pagkitil niya sa buhay ko.

Para akong buhay na patay, hindi ko kayang mabuhay sa isang kadiliman. Ang daming nagbuwis ng buhay dahil lang sa walang kwentang laro ni kamatayan. Nakipaghabulan kami kay kamatayan pero talo parin kami. Natalo ako, at ang patunay ng pagkatalo ko ay ang pagkawala ng liwanag sa buhay ko. Na mukhang habang buhay akong mamuhay sa kadiliman. Hindi ko kaya ngunit kailangan Kong kayanin. Tulad ni Rebel kailangan ko ring lumaban.

"Yeodongsaeng, mamayang alas tres ng hapon ang flight natin." Paalala sa akin ni Kuya Jin. Siguro ito ang tama,ang magpakalayo-layo na muna. Pupunta muna kami ng Korea para Doon muna manirahan.

"Sige oppa." Mapait na tugon ko.

"Kuya, maari bang dalawin muna si Mommy at daddy bago tayo umalis?" mapait na tonong pakiusap ko.

" Sige." naramdaman ko nalang na yumakap siya sa akin.

"Aalis muna ako saglit, may aayusin lang ako." bulong niya. Alam kong nahihirapan din siya tulad ko. Alam kong nasasaktan siyang nakikita akong ganito.

"Salamat kuya." bulong ko nalang.

Naiwan ako sa madilim na silid na luhaan. Hindi ko alam kung paano ipagpatuloy ang buhay ko. I am totally destroyed. Sana namatay nalang din ako, kasama ko na sana sina mommy at daddy. Masayang kasama sila sa paraiso. Hanggang sa narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto. At ang mga hakbang papalapit. Isang mabigat na presensya. Isang buntong hininga ang narinig ko kasabay ang pagtunog ng strum ng gitara.

"OOHHH OHH WOOHH. It's a beautiful life I will stay by your side. It's a beautiful life I will be right just behind you. Beautiful love If we're standing under the same sky I'm happy just to know you're in my life" simulang pagkanta niya. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi kasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Alam kong nandiyan lang siya para sa akin. Beautiful life, maganda nga ba Ang buhay? Paano ba gaganda Ang buhay ko Kung nawalan na Ng kulay Ang paligid ko ?

"It's a beautiful life, Beautiful day I will be living in memories of you Beautiful life.. Beautiful day Will you please by my side Beautiful my love Beautiful your heart It's a beautiful life."

'Yes, Tracer, You'll remain in my memories but I can't stay by your side. Kailangan Kong lumayo. Kalimutan Ang masalimuot na nakaraan. ' Sunod-sunod na luhang pumatak sa aking pisngi.

" It's beautiful life I know that I can lean on you, It's a beautiful life I know that I am safe with you, Beautiful love Every teardrop and the way we laugh Are precious moments that I shared with you."

'I will treasure those moments that we have. 'Yong mga masasayang alaala natin, hinding hindi ko makakalimutan 'yon. 'Yon lang ang masayang alaalang pinanghahawakan ko.

"It's a beautiful life Beautiful day Coz girl,I love you and miss you like crazy Beautiful life Beautiful day Baby don't ever leave my side. Beautiful my love Beautiful your heart It's a beautiful life. "

Bawat lirikong binibigkas niya ay mapait sa aking pandinig. Naramdaman ko ang kalungkutan niya. 'Kailangan ko ng umalis, hindi ko kayang mananatili pa, I'm sorry.

"Memories that resemble you Remain with me In this world of loneliness Memories of you .Memories of us. A sorrowful life Sorrowful day I can't believe that you're gone and it's over Sorrowful life.Sorrowful day Baby don't ever leave my side I don't wanna live,Just in your memory. it's a beautiful life."

Iyak at hikbi ang narinig ko galing sa kanya, pati narin sa sarili ko. Ayokong mabuhay sa kalungkutan na kasama ka. Mabubuhay akong mag-isa sa kadiliman, at ayokong idamay ka. I'm sorry Tracer. Naramdaman ko nalang ang mga daliri niyang pinunasan ang mga luha ko.

"Ris." Alam ko, sa pagbanggit palang niya sa pangalan ko ay nahihirapan na siya. Nasasaktan din siya tulad ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ris. Patawad kung hindi kita naprotektahan. Patawad kung hindi ko nailigtis ang mga kaibigan natin. Ris, patawad."

Ang hikbi niya ay umalingawngaw sa buong silid. Bakit ang sakit na parang sinaksak ang puso ko ng napakaraming beses sa tuwing naririnig ko ang boses niyang ganyan. Bakit pakiramdam ko ay sinisisi niya ang sarili niya. Wala siyang kasalanan. Lahat kami ay naging biktima sa mapaglarong tadhana, mapaglarong kamatayan.

"Hindi mo kasalanan Tracer." sagot ko. Hinawakan ko ang pisngi niya. Basa narin ito ng kanyang mga luha. Nanginginig pa ang kamay ko habang sinuri ang mukha niya. Hindi ko na ulit siya makikita. Kailan ko pa kaya siya ulit makikita? Kailan ko pa kaya ulit makikita ang mga ngiti niya. Ngiti niyang minsa'y nagbibigay saya sa buhay ko.

"Ang hirap, ang hirap Tracer. Hindi ko alam kong kaya ko bang mamuhay sa kadilimang ito. Para narin akong pinatay sa pagkawala ng paningin ko."

Ang sakit narin ng dibdib ko sa kakaiyak hanggang sa naramdaman ko ang yakap niya. Kung dati ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing niyayakap niya ako, bakit ngayon ay ang bigat bigat sa pakiramdam?

. "Hihintayin kita, Ris." Isang mapait na tono na nagbibigay pag-asa sa namatay kong mundo.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo." bulong niya sabay kalas sa pagkayakap at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko. Walang katapusang luha at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko bago siya umalis. Hihintayin niya ako? Makikita ko pa kaya siya? makikita ko pa kaya ang liwanag? o Habang buhay na akong mabuhay sa kadilimang ito. Ito ang kapalit ng pakipaghabulan ko kay kamatayan, ang mawala ang aking paningin. Ang aking pagkabulag. Ganito kalupit ang tadhana sa akin. Hindi man ako Namatay sa kamay ni kamatayan ngunit panghabang- buhay na parusa sa kadiliman ang aking mararanasan.

Hanggang ngayon Hindi parin mawala sa isip ko si Yanna. Her angelic face, her angelic smile but deep inside there's an evil hiding within herself. Hanggang ngayon Ang hirap paniwalaan, Ang tinurin Kong kaibigan isang psychotic killer. She even killed her cousin, Megan. She killed Cassandra, Maureen and Bryle. She almost killed us and she also killed me.

An angelic face, smile with an angelic voice. That was the first description when I first saw Yanna. But she's one of the LOST SOULS who's trying to get revenge for the past of her mother- ELYANNA SAMONTE.
The past that still a mystery for us.


WAKAS.......

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon