CHAPTER 19-DEATH

294 30 0
                                    

  IRIS ELAINE'S POV

TANG'INANG YELO.!!!!

Nangtritrip ba siya? letse siya!! Kumusta na kaya siya? Nakwento sa 'kin ng mga kaibigan niya na sprain daw ang paa n'ya. Ang boring, umalis si mommy at kuya kaya wala akong makakausap dito. Kumikirot pa nga 'tong sugat ko sa braso. Pati ang paa ko,masakit pang nilakad ko.

Tatawagan ko kaya ulit s'ya? Kilala ko ang yelong 'yon. Napakabipolar n'on.

Ringing.......

"hello" sagot sa kabilang linya.

"Ahm.. Yelo.. Kumusta na 'yong paa mo" direktang tanong.

"Hindi pa okay." bored niyang sagot sa kabilang linya. Ang sungit talaga niya.

"Bakit mo natanong? concerned ka sa 'kin nuh?"

"Anong concern? Hindi nga ikaw ang kinumusta ko 'di ba? Ang paa mo ang kinumusta ko." SarkAstikong tugon ko nalang.

"Bakit ba napaka indenial mo? Aminin mo lang na concern ka, 'yon lang." Sagot niya.

"Sinabi ko ngang sa paa mo ako concern eh. Pakisabi nalang sa paa mo na concern ako sa kanya. Sana habang buhay ng pilay siya"

"Hoy.. nagsalita ang hindi Pilay. Hoi sana ikaw din."

Tang'inang yelo ka.

"Aminin mo na kasing concern ka. Indenial. "giit ulit niya.

"Eh ikaw ang indenial. May patext text ka pang 'hi miss na kita.' wrong sent daw. Amin amin din kapag may time." Inis kong sabi.

"Ikaw rin. Amin-amin din kapag may time."

Tang'ina.. Ginaya pa ang linya ko.

"Oo na concern ako sa 'yo."

"Oo na Miss na kita"

sabay pang sabi namin na kinatigil naming dalawa.

"ANO?"
" ANO?"

SAbay ulit naming tanong.

"Ah wala bye//ah wala bye"

tot tot tot..
call.ended.
ganun pa din?? gaya-gaya lang ang yelong yon.

Pero ano daw?

"Oo na miss na kita"

"Oo na miss na kita"

"Oo na miss na kita"

Nagpaulit ulit pa sa utak ko ang narinig ko kanina sa kabilang linya. Pakiramdam ko naman namumula ako.

Aiiisshhh.. Yelo, anubey!.

**Monday morning. Start na naman ng Regular classes. Magaling na ang paa ko. Pero ang sugat ko sa braso, medyo kumikirot parin. Dumalaw sa 'kin kahapon sina Mau at Yanna, ayon todo kwento tungkol sa sportfest. Halos lahat daw ng game, EIS daw ang champion. Ang malas ko lang at hindi ako nakalaro sa game ko. Hindi nakadalaw sila Rebel at mga kaibigan niya. Natalo sila dahil ang daya raw ng kalaban at dahil din sa kawalan ni Yelo. Sayang nga eh. Pero Okay lang, ganyan talaga ang laro, may mananalo at may matatalo. Ang mahalaga walang nangyaring masama sa kanila.

Malapit na pala ako sa school, wala talaga ako sa mood ngayon. Eh pa'no, nangrecruit pa talaga si mommy ng driver at dalawang body guards. Para daw safe ako, at wala nang masamang mangyari sa 'kin. Kahit ayaw ko ng ganitong set up. Wala akong nagawa. Nang makarating sa parking lot ay pinagbuksan agad ako ng pinto ni kuya body guard at hinatid pa ako sa may gate, pinagtitinginan pa nga ako ng ibang estudyante. Deretso na rin ako sa claasroom, 7:30am na kasi at malapit ng magsimula ang 1st subject. Mabuti nalang available ang elevator at hindi na kailangang sa stairs dumaan baka sasakit pa ang paa ko do'n.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon