CHAPTER 36- BEHIND THE MASK

218 20 1
                                    

IRIS ELAINE'S POV

"Rebel Reb.. pakiusap gumising ka. Reb.. plsss wake up.!!!" Kssabay Ng pag-iyak ko ay Ang pagkidlat at pagkulog mula sa labas. kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan sa labas ng mansyon.
Ang sakit. Ang sakit dahil wala akong nagawa. Ang sakit nang makita ang lalaking mahalaga sa buhay ko na duguan. Bakit nangyayari 'to. Nandito ako para iligtas s'ya pero bigo ako, nabigo akong iligtas siya. Nabigo akong iligtas sila.
"R-Reb." sambit ko na humahagulhul habang nakayakap sa duguan n'yang katawan. Pakiramdam ko pipiyok na ang boses ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Naagaw ang atensyon ko sa pinanggalingan ng halakhak. Nakakatakot na halakhak. Napatayo ako ng nakita kong papalapit s'ya sa kinaroroonan ko. Huminto s'ya sa paglakad at humahalakhak parin.

"HAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHA. IRISSS... IRISSS. NATATAKOT KA BANG MAMATAY??" Kahit anong tono pa ang pagkasabi n'ya, malumanay man pero nanindig ang balahibo ko sa batok hanggang sa buong katawan ko. Nakakatakot. Nakakatakot, ang tanging diskripsyon sa boses n'ya na maihahambing kay Satanas.

"GUSTO MO BANG MALAMAN KUNG SINO AKO??"

Nagpaltik ang tenga ko dahil sa narinig. Sino siya?? 'Yon ang gusto kong malaman kung sino s'ya. At malaman kung ano ang dahilan niya kung bakit pinatay niya ang mahal ko sa buhay.

"ALAM MO BA AY ANG KAPALIT KUNG SAKALING MALAMAN MO KUNG SINO AKO? KAMATAYAN."

KAMATAYAN.?

Kung 'yon man ang kapalit na makita ko kung sino siya ay tatanggapin ko ngunit isasama ko siya sa aking hukay.

"PERO BAGO 'YON, MAGLARO MUNA TAYO NG TAGO-TAGUAN. TAKBO IRIS... TAKBO!!! HAHAHA"

Pagkasabi niyang iyon ay tumakbo na ako. Kahit madilim ay nagawa ko paring tumakbo. Sina Tracer, Yanna,, Peirce, Bryle, ang kambal. Nasaan na kaya sila?

"TAKBO IRIS TAKBO. HAHAHAHA"
Naririnig ko parin ang boses niya at pakiramdam ko ay nasa likuran ko lang siya. Kahit nanghihina na ako ay nagawa ko paring tumakbo.  Ang sakit ng binti ko dahil sa sugat at ang mga tuhod ko ay nanginginig sa takot. Bakit ba kasi ang laki at ang lawak ng gusaling 'to?

Nang nakakita ako ng silid ay agad akong pumasok doon at nilock ang pinto. Hingal na hingal pa akong sumandal sa pader. Wala na sa akin ang dala kong kutsilyo. Siguro kinuha sa akin noong nawalan ako ng malay. Mula sa labas, rinig na rinig ko ang isang hakbang patungo sa silid na ito. Nagpipigil hininga pa ako maiwasan ang makalikha ng ingay. Hanggang sa huminto ito. Kalaunan ay wala na akong narinig na ingay sa labas ng silid. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nasa silid hanggang sa bumilis ang kabog ng dibdib ko ng nakarinig ako ng magkasunod na putok ng baril.

"Tracer." Tanging nasambit ko lang nang maalalang may dala siyang baril.
Agad akong lumabas ng silid at palingon-lingon sa aking dinaanan. Baka may nangyaring masama sa kanila. Wala na si Mau, si Rebel at ayokong may mawawala na namang isa sa mga kaibigan ko. Hanggang sa narating ko ang isang hagdanan pababa. Habang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ay may narinig akong pamilyar na boses.

"Sino ka?Bakit mo ginagawa 'to?Wala kaming ginawa sa'yo!!" may diin ang bawat salitang binibigkas niya. Dahan dahan pa akong humakbang pababa. Hanggang sa nakita ko si Tracer na may dalang baril na nakatutok sa nakaitim na pigura na may dalang punyal.

"HAHHAHHAHAHA!!! Tracer Ice Rivera. A son of Gabriel Rivera and Tracey Rivera. Tsk. Tsk. poor guy. Mukhang dito na magtatapos ang iyong buhay.!!"
Halos nanindig lahat ng balahibo ko dahil sa aking narinig. Papatayin n'ya si Tracer. Kailangan kong makaisip ng paraan. Wala ng mamamatay, wala na. Namataan ko ang isang tubo sa may baba ng hagdan kaya dahan dahan ko itong kinuha.

"I Will kill you!!!!" Nag-uumapaw sa galit na sigaw ni Tracer habang dahan dahang kinalabit ang gatilyo ng baril ngunit...

"Damn it!!!" mura niya habang kinalabit pa ang gatilyo ng maraming beses ngunit wala na talagang bala.

"HAHAHAHAHAHAHA"
Ayan na naman ang maala demonyong tawa ni Kamatayan habang papalapit kay tracer. Dahil sa nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya ako nakikita. 'I need to save Tracer.'

Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila, nakita kong pasimpleng napatingin si tracer sa 'kin ngunit hindi siya nagpapahalata. Inangat ko ang tubo saka buong pwersang hinataw ito sa kanyang likuran dahilan na napatumba siya sa sahig at dahil doon ay natanggal.ang hood na nakatakip sa ulo.

"Ris. Thank God, You're safe." sabay yakap sa akin ni Tracer. Nilakasan ko ang aking loob na hindi umiyak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol kay Rebel. Kusa siyang bumitiw sa pagkayakap sa akin saka pareho kaming napatingin sa unti-unting tumayo Ang killer  at unti-unti nitong tinanggal ang Maskara sa mukha. Dahil sa kadiliman Hindi namin maaninag Ang kanyang mukha.

"Now, you will know who I am."

Shit!! Halos nawalan Ng lakas Ang mga tuhod ko nang narinig Ang boses niya. Ang pamilyar na boses na halos araw-araw Kong naririnig. At mas lalong nanlaki Ang mga Mata nang bumukas Ang ilaw dahilan para maaninag ko Ang kanyang mukha.
Halos nagimbal ang mundo ko nang nakita ko ang ngiti niya. Nanlaki ang mga mata ko at para na akong yelo na naninigas. Halos paghinga ko ay parang tumigil din pati pagtibok ng puso.

'hindi. Hindi totoo Ang nakikita ko ngayon.'

'Hindi.' Walang lumalabas na boses sa bibig ko. Gusto kong magsalita at sabihing hindi siya 'yan ngunit parang nanigas pati dila ko. Alam kong pati si Tracer ay pareha kaming nararamdaman.

"Pa-pa-ano?" garalgal na tanong na narinig ko galing kay Tracer. Pareho kaming hindi makapaniwala.

"I used voice changer device to freaked you" Isang ngisi at malumanay na boses na dati'y para sa akin ay boses Ng isang anghel ngunit boses pala Ng demonyo.

"HAHAHAHAHHAHA "saka ito tumawa.

"Hindi" pagsasaboses ko sabay iling at nagsimulang bumuo ang butil ng luha sa aking mga mata hanggang sa ito'y kumawala na.

"You're only playing us. You're not the killer." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na magawa niya sa amin ito. Na isa sa mga kaibigan pa namin. Sa lahat ng tao bakit siya pa? Sadyang mapaglaro ang tadhana. Pero umaasa akong sabihin niyang. Hindi talaga siya ang tunay na serial killer.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon