CHAPTER 33 --NEVER GIVE UP

232 23 1
                                    

Nalampasan namin ni Tracer ang mataas na cliff. Tama nga kami na may ilog sa may di kalayuan. Gabi narin kaya nagpahinga kami sa may ilalim ng malaking puno. Magkatabi kami habang nakasandal sa puno, hindi masyadong madilim ang paligid dahil sa liwanag ng buwan. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakiramdaman ang paligid hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising ako at medyo makulimlim pa, tulog pa si Tracer kaya naisipan kong maligo sa ilog. Pagkatapos naligo nakapagbihis ay bumalik na ako malaking puno, tulog parin s'ya at napansin ko ang namamaga n'yang paa at naging kulay violet pa ito.

"Tracer wake up." pag- gising ko sa kanya at unti -unti namang binuksan ang mga mata n'ya.
' May lagnat s'ya.'

"Ris" pati boses n'ya ay pumiyok narin.

" You're sick." Nag-aalalang tugon ko saka dalidaling kinuha ang first aid kit na dala ko. Kumuha ako ng gamot para sa lagnat at pinainum sa kanya. Ang paa n'ya ang problema. Napatayo ako ng maalala na May nakita akong halamang gamot kanina malapit sa may ilog.

"Where are you going?" tanong n'ya.

"may kukunin lang ako." sabi ko nalang saka umalis na.

Kumuha ako mga iilang dahon, saka ako pumunta sa ilog para kumuha ng tubig.Habang naglalakad ay may napansin akong lubid na kulay tuyong dahon ngunut huli bago maialis ang paa ...

"AHHHHHRRRGGGG!!!!!" malakas na impit ko. Sobrang sakit. Napabulagta nalang ako sa mga tuyong dahon.

"Ahhhhhhhh damn it " impit ko ulit. Nang tingnan ko ang binti ko nakabaon doon ang matulis na sanga ng kahoy na isang dangkal ang haba. Parang sinadya talaga itong gawin matulis. Ang daming dugo na.

Tiniis ko ang sobrang sakit, naluluha at pinagpawisan na ako. Dahan dahan kong hinawakan ang sangang nakabaon sa binti ko at.....

"Ahhhhh Dammmnn ittt!!!" sigaw ko nang bigla kong hablutin ang matulis na sanga sabay no'n ang paglabas ng maraming dugo galing sa sugat ko.

Napahiga nalang ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan sa sakit ng binti ko.

Pinilit kong tumayo at maglakad kAhit sobrang sakit ng binti ko hanggang sa nakarating ako sa puno.

"Ris, anong nangyari?? Fuck!! you're wounded." nag aalalang tugon ni Tracer. Hindi ko nalang s'ya pinansin , kinuha ko nalang ang kit at nilapatan ng pangunang lunas ang sugat at benendahan ko ito para tumigil sa pagdurugo.

Pareho na kami ni Tracer. Kaya pa ba namin eh, hindi na nga siguro kami makakalakad.

"kaya mo pa bang maglakad?" tanong ni Tracer.

"Siguro. Ikaw?"

"kaya pa siguro Ris." nag-aalangan n'yang sagot. Hindi na ako nagsalita pa, pareho naman kaming hindi sigurado.

Napagpasyahan namin na magpapalipas muna kami ng gabi. Kailangan namin ng pahinga dahil baka mas matindi pa ang kakaharapin namin sa susunod na araw.
Sobra pang sama ng pakiramdam ko at palagay ko lalagnatin ako.

(*Time: 6:00am Time left: 55 hours and 24 minutes. )

Nagising ako dahil sa narinig kong putok ng baril sa may 'di kalayuan. Akala ko panaginip lang 'yon pero pati si Tracer nagising din. Totoo. Nagsimulang nanginig ang sistema ko.

"Ris, Kaya mo na bang maglakad?" tanong ni Tracer. Napatingim ako sa paa n'ya, hindi masyadong namamaga.

"I can walk."sagot ko. Kaya kong tiisin ang sakit.

Nagsimula kaming naglakad, pareho kaming paika-ika sa paglalakad. Binaybay namin ang tabing ilog dahil doon namin banda narinig ang pinanggalingan ng putok. Ito yung pinakamatagal naming paglalakad. Pinakanakakapagod na lakad, dahil na siguro sa sugat ko sa binti at sa sprained n'ya sa paa.

"C-can we....take a rest for a while?" Tanong ko habang nakahawak sa katawan ng puno at hingal na hingal.

"Sige. I'm tired too."

Habang nakaupo sa malaking ugat ng sanga ay kumain kami ng biscuits, huling kain na yata namin 'to dahil wala naring natira sa pagkaing dala ni Tracer.Makakasurvive kaya kami nito? Alam kong pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon ngayon.

"Magagawa ba natin silang iligtas? Kakayanin ba natin? nahihirapan na nga tayong maglakad , kaya ba nating makipaghabulan kay kamatayan? Ang dami kong tanong Ris." pinanghihinaan din s'ya. Isang Tracer Ice Rivera, pinanghihinaan ng loob.

"Sabi nila..."sabi ko na nginitian s'ya. Sa tuwing ako ang nanghihina nandoon s'ya para palakasin ang loob ko. Kaya responsibilidad ko ring palakasin ang loob n'ya sa t'wing nanghihina s'ya.

"Never give Up" he uttered with a smile. Mas nakilala ko s'ya lalo ng makasama ko s'ya dito sa gubat. S'ya 'yong kaluluwang Tracer, na nagpapagaan ng loob ko.

"Thanks PIE" nakangiting tugon n'ya ulit sabay pa kindat.

"PIE?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

" PIE.. Park, Iris Elaine, or P'wede ding Princess Iris Elaine."

"Sus, iibahin mo naman ang pangalan ko eh. Hahaha" Nagtawanan nalang kami, unang tawa namin 'to mula noong nakarating kami dito sa gubat.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad, nawala ang pagod namin dahil sa pagpagaan ng loob namin sa isa't isa. Medyo namamaga pa ang paa n'ya at itong binti ko naman sobrang kirot parin ngunit pinilit ko lang na maglakad

4:00pm nang may napansin kaming isang bahay. No. It's a very big mansion. Lumang mansyon. Nagtinginan kami ni Tracer, siguro pareho kami ng iniisip na posibleng nandyan ang mga kaibigan namin. Pareho kaming nagkaroon ng pag-asa.

"Let's go."

"Ris wait. We need to make a plan before entering that...Hell" Napatigil nalang ako, may point s'ya.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Just stay here. Babalik ako after 5 minutes"

"Tracer no!! We need to do this together, please! Hindi rin ako matatahimik dito sa labas." pakiusap ko sa kanya. At mabuti narin at pumayag s'ya. Iniwan namin ang dalang bag at ang tanging dinala namin ay ang flashlight. Itinago ko rin ang kutsilyo ko at inipit sa may belt.

Gawa sa kahoy ang mansyon. At halatang luma na rin ito at may tatlong palapag. Kung nandito nga ang mga kaibigan namin ay hindi pa kami nahuli sa oras. Kung kailangang magkamatayan kami sa taong gumawa nito ay gagawin ko.

'Nandito na kami Yann, Mau, Rebel, Peirce, Bryle, Chan, Channyl. Ililigtas namin kayo.'

Pagtapak ko pa lang sa harap ng malaking pinto ng mansyon ay kinikilabutan na ako, nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Hindi nakAlock ang pinto kaya naman pumasok nalang kami.. Nang tuluyang makapasok ay lalong tumindi ang kabA ng dibdib ko. Creepy ang ambiance ng lugar. At may mga blood stains sa may sahig. Sana walang nangyayaring masama sa mga kaibigan. At sana nandito lang sila sa loob ng mansyon. Naramdaman ko ang malamig na kamay ni tracer na humawak sa kamay. Naramdaman ko rin ang takot n'ya. Dahan dahan kaming naglakad, maalikabok ang paligid at mukhang matagal ng naabandona ang lugar na ito. Hanggang sa may isang can na hinagis malapit sa paanan namin ni Tracer na nagbuga Ng makapal na usok.

"Ris, takpan mo Ang ilong mo." Narinig Kong Sabi ni Tracer ngunit Huli na dahil nakaramdam na ako Ng pagkahilo.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon