CHAPTER 26- Gut feel

256 29 0
                                    

"Yeodongsaeng, about what happened last night. Wala ba akong karapatan para malaman kung ano ang nangyari sa'yo?" seryosong tanong ni Kuya Jin.

Papunta na kami ngayon ng school, mula noong namatay si Mommy s'ya na ang naghatid sundo sa 'kin pero kagabi sobra din s'yang nag-alala noong nawala ako kagabi, Pumunta pa s'ya ng police station para ireport ang pagkawala ko.

"Sorry kuya. Sinundan ko 'yong possibleng pumatay kay mommy. Ang taong may kagagawan ng lahat." nakayukong tugon ko.

"What? Are you out of your mind Elaine?? Paano kung napahamak ka? Pa'no kung may nangyaring masama sa'yo at ikaw naman ang patayin?" Galit na tanong ni Kuya. Sa buong buhay ko ngayon lang n'ya ako nasigawan. Kasalanan ko naman kasi.

"Paano kung ikaw ang mapapahamak kuya? Paano isa sa mga kaibigan ko? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa 'yon. Kuya kung ako talaga ang target ng killer, pinatay na n'ya ako kagabi. Pagkakataon na n'yang patayin ako kagabi. Pero hindi n'ya ginawa dahil kayong mga taong mahalaga sa 'kin ang puntirya n'ya." hindi ko alam kung saan ako humugot ng mga salitang iyon. Pero iyon ang kutob ko.

"Sa susunod huwag kang gagawa ng hakbang na ikakapahamak ko."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Dapat intindihin ko siya, natatakot lamang s'ya na may mangyaring masama sa 'kin katulad ng takot ko na may mangyaring masama sa kanya at sa mga kaibigan ko.

Nakarating ako sa school na wala kaming kibuan ni Kuya. Galit s'ya sa 'kin.

Natapos ang dalawang subject at breaktime na at wala parin si Rebel.

"Peirce, si Rebel?"tanong ko ng papunta na kami sa canteen.

"Ahm kasi, hindi s'ya okay kaya hindi muna pumasok." Nag-aalangang sagot pa ni Peirce.

"Anong hindi okay?" kunot noong tanong ko.

"May sakit s'ya." singit naman ni Bryle.
Napayuko nalang ako. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nagkasakit s'ya.

Kinahapunan ng makauwi sa bahay ay nagpahatid ako ni kuya na pupunta sa bahay ni Rebel para dalawin ito. Mabuti naman ay pumayag s'ya.

Nang makarating sa mansion ng mga De Vega ay agad kaming nagdoorbell. At agad namang bumukas ang gate at si Christina 'yon.

"Iris. Ikaw pala." nakangiting salubong n'ya saka binaling ang tingin sa likuran ko.

"Jin?" tanong n'ya na nakatingin kay kuya.

"Chris?" takang tanong nito. Mukhang magkakilala yata sila.

"She's my sister. " sabay akbay ni kuya sa 'kin.

"Wow. What a small world. Naku! pasok pala kayo." Nakangiting tugon n'ya saka pinapasok kami ni Kuya.

"Iris, Are you here to visit Jacob?" tanong n'ya sa 'kin.

"Ah Oo, sabi kasi ni Peirce may sakit s'ya. "tango ko naman.

"Yes. Pasukin mo nalang sa room n'ya. " sabi n'ya at saka napatingin ako kay kuya. At ngumiti nalang ito bilang tugon.

"Pag-akyat mo sa hagdan. Nasa may left side." Nakangiting tugon ni Christina.

Nang makaakyat ako sa hagdan ay agad kong hinanap ang silid ni Rebel. left side raw kaya agad ko naman itong nakita ang pinto. Kumatok pa ako ngunit walang nagbukas ng pinto. Pangatlong katok pero wala pa rin, kaya dahan dahan kong pinihit ang seradura at hindi naman ito nakalock.

Nang makapasok sa silid at doon ko lang napagtanto na mali ang silid na napasukan ko. Medyo malawak na silid na may mga wine at makakalasing na alak. Mukhang mini bar yata 'to. Pumasok ako sa silid at nilibot ang paningin sa silid. May piano rin doon. Lumapit ako sa may Piano at nakita ko doon ang mga picture frame na nasa ibabaw do'n. Tiningnan ko ang isang picture frame, si Rebel na mukhang nasa 4years old pa lang. Nakasimangot s'ya habang karga ng Daddy n'yang nakangiti. Isa ko ding tiningnan ang isa pang picture frame. Si Rebel at Christina. Halos magkasingtangkad lang sila, parehong nakauniporme na mukhang nasa elementarya pa at pareho silang nakangiti. Napangiti nalang din ako habang nakatitig sa larawang 'yon. Mukhang close silang tingnan. Kinuha ko ang isang picture frame na wala sa ayos. Nakatalikod kasi ito. Nang tingnan ko ang larawang iyon ay napakunot ang noo ko. Tinitigan ko itong mabuti. Pamilyar sa 'kin ang babae. Isang babaeng nakangiti habang karga ang nakangiting batang si Rebel.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon