CHAPTER 35- WHO AM I?

219 22 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Patakbong lumayo sana si Rebel palayo sa demonyong pumatay kay Maureen. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ay binaril siya at natamaan sa may binti at sa may dibdib.

"I'm sorry, De Vega Kung binaril kita sa binti." Aniya ng killer at pinulot ang kutsilyo na s'yang pumatay kay Maureen. Kampate siyang bumaba ng hagdan at lihim nalang s'yang napangiti nang nakita ang silhouette ng lalaking nakatayo sa may pader at mukhang nagtatago ito. Dahan dahan s'yang lumapit sa lalaki, nakatalikod ito sa kanya kaya 'di s'ya napansin. Itinutok n'ya ang matulis na punyal sa batok ng lalaki kaya agad naman itong naestatwa ng naramdaman ang matulis na bagay sa batok na unti unting binaon Nanginginig na ang tuhod nito ng naramdaman ang mainit na likidong nagsimulang dumaloy.

"W-Wh-who a-a-are y-y-you?" takot na takot nitong tanong sa kanya.

Lihim s'yang napangiti nang nakitang takot na takot ito sa kanya.

"Some try to hide,  some try to cheat,
but time will show we will always meet,
try as you might to guess my name,
but I m sure you ll know when its you I claim. WHO AM I?"

Hindi nakapagsalita ang lalaki dahil sa tinding kabang nararamdaman nito. Nasa isip nito na hanggang dito na lang ang buhay nito.

Balak sanang manlaban ni Bryle ngunit naramdaman niyang may isang bagay pang nakatutok sa likuran .

"Oooppss!!! Don't try to move or else I'll shoot you." The scary voice whispered into his ears.

"Bakit? Anong kasalanan namin sa 'yo? " Lakas na loob na tanong ni Bryle kahit nakaramdam siya Ng matinding takot.

"Kasalanan mo lang Naman na Isa Kang Gomez." Pagkasabi nito'y  naramdaman nalang ni Bryle Ang matinding sakit dulot Ng saksak sa kanyang leeg.

"REST IN PEACE, GOMEZ" Ani Ng killer na nakangiti.

Samantalang si Tracer naman ay sinuyod ang buong ikatlong palapag kasama si Channyl para hanapin ang mga kaibigan at hindi s'ya nabigo dahil nakita n'ya si Pierce na nakagapos.

"Zeus, where's Iris.?" nag-aalalang tanong ni Tracer sa kaibigan.

"Napahiwalay s'ya sa amin." sagot naman ni Zeus.

"Let's go, we need to hurry. kailangan nating makalabas dito. Kailangan Kong hanapin si Chan." singit naman ni Channyl.

Nagmadali silang bumaba sa may hagdan hanggang sa nakarating sa baba. May kadiliman ang paligid  pero sa isip nila kailangan nilang makalabas. Pumunta sila sa may main door, pero bigo sila dahil naka lock ang pinto.

"Nakalock." Ani ni Zeus.

"kukuha tayo ng bagay na pwedeng ihampas dito." suhestyon ni Channyl kaya naman agad kumilos si Ice, at nang kukuha sana s'ya Ng silya para ihampas sa pinto ay nagtaka nalang siyang may nasagi siyang paa. Nang tingnan n'ya ito ng maigi ay roon n'ya nakita ang walang buhay at duguang kaibigan.

"FUCK!!!Bryle..." nangangatal na boses ni Tracer na napaluhod. Nagtakbuhan naman ang dalawa at lumapit sa kanya.

" Bryle, Wake up." yugyug ni Zeus na napaluhod narin.

"Fuck it!!! Gomez!!! Wake up." Napaiyak nalang si Zeus at hindi makapaniwala sa nakita.
Pinulsuhan ni Channyl si Bryle at umiiling iling nalang ito.

"wala na s'ya " She stated in low tone.

"Fuck No!!!!!" Napayakap nalang si Zeus sa walang buhay na matalik na kaibigan.

"We need to find them. Zeus,Channyl d'yan lang kayo."

"Ice, sasamahan kita. " Ani Naman ni Zeus at Hindi na pumalag pa si Ice. Kahit nahihirapan siya ang nasa isip niya ay ang hanapin ang mga kaibigan at maligtas Ang mga ito.

"Hahanapin ko Ang generator. Hindi tayo mahirapang gumalaw kung may ilaw." Singit Naman ni Channyl. May punto naman ito kaya tumango ang dalawa.

*****"*

Samantalang si Iris naman ay kanina pang palibot-libot sa ikalawang palapag. Malawak at madilim ang lugar kaya nahihirapan s'yang hanapin si Maureen. Mabuti nalang  ay gawa sa grills ang mga bintana sa mansyon kaya Ang liwanag Ng buwan ang kanyang nahsisilbing ilaw.  Nagkahiwahiwalay sila kanina nang may nakita silang nakaitim na may dalang kutsilyo.
Mabilis kumabog ang dibdib ni Iris nang may nakita s'yang katawan na nakahandusay sa sahig. Dahan-dahan n'ya itong nilapitan. Nanlaki nalang ang kanyang mga mata ng namukhaan kung sino ito.

"M-Mau" halos pumiyok na ang boses n'ya. Nagsimulang nagpatakan ang butil ng luha sa kanyang mga mata kasabay ng panghihina ng tuhod n'ya dahilan para mapaluhod s'ya.

"M-Mau-re-reen.. P-Pls... w-wake up." sabay yugyug n'ya sa kaibigan. Nanginginig pa ang kamay n'ya nang pulsuhan n'ya ito. At mas lalong napahagulhul nalang s'ya nang makumpirmang wala na itong buhay.

"Maureen... A- I'm s-s-sorry. Hindi kita naligtas." humihikbi na n'yang usal habang nakayakap sa bangkay na kaibigan.
Napabitiw s'ya sa pagkayakap sa bangkay at napatakip nalang sa tainga n'ya nang narinig ang malakas na kulog. Kasabay ng sakit at pagdadalamhati na nararamdaman n'ya ay ang malakas na sigaw ng kalikasan.
Napatayo nalang s'ya ng may naaninagan s'yang silhouette na nakatayo sa may bitana. Kasabay ng malakas na kulog ay ang pagkabog ng dibdib n'yA at nang kumidlat ay mas naaninagan n'ya ito. Nakita n'yang may dala itong punyal at humakbang ito papalapit sa kanya. S'ya naman ay humakbang paatras. Pakiramdam n'ya ay mawawalan na ng lakas ang mga tuhod n'ya. Takot at kaba ang naghari sa buong sistema n'ya. Bawat hakbang nito ay paatras din s'ya. Hanggang sa napasandal na s'ya sa pader at mabilis na nakalapit sa kanya ang nakaitim na hood at may mask na nakatakip sa mukha.

"Sino ka.. Ang duwag mo." sigaw niya. Hindi n'ya alam kung saan s'ya humugot ng lakas para makapagsalita pa.

"sino ako?? Ako si KA.MA.TA.YAN." isang nakakatakot na boses na na narinig n'ya. Akma s'ya nitong susunggaban ng kutsilyo ngunit nasangga n'ya ito sa pamamagitan ng braso n'ya. Mas malakas ito sa kanya kaya nadaplisan ang braso n'ya. Ininda n'ya ang hapdi ng sugat na iyon saka buong pwersang tinulak ito. Napahandusay ito sa sahig kaya pagkakataon na n'yang tumakbo ngunit sa kasamaang palad ay nahawakan nito ang paa n'ya kaya natumba narin s'ya.

"Ahhhh bitiwAn mo ako hayop kahh!!!" sigaw n'ya habang pilit nagpupumiglas.

"Wala ka nang kawala, hahaha.. Alam mo bang isa isa ko ng pinatay ang kaibigan mo? Una si Maureen... Ang kawawang Maureen."

"Hayop ka.. demonyo ka!!!." nanggagalaiting sigaw niya. Pakiramdam n'ya nanghihina na s'ya dahil sa narinig. Hinawakan nito ang buhok n'ya habang pilit na pinatayo.

"Ahhhhhhrrgg." impit niya

"Paalam Iris, mukhang hanggang dito ka na lang. HAHAHAHAHA " bulong nito saka humahalakhak.

Nakakakilabot ang halakhak nito, at mas kinikilabutan s'ya nang naamoy n'ya ang pamilyar napabango.
Nag-ipon siya Ng malakas na puwersa at siniko Ang sikmura nito dahilan para bumitiw ito sa kanya at nakahanap siya Ng pagkataong tumakbo.

Patakbo niyang tinungo Ang madilim na pasilyo ngunit nadapa siya nang may napatid siya. Madalim Ang paligid kaya Hindi niya ito agad naaninagan kaagad.  Ngunit dahil sa siwang Ng sirang pader ay may kakaunting liwanag kaya namukhaan niya ang Katawan Ng isang lalaki.
Pamilyar na pigura Ng lalaki na nakahandusay sa may sahig.

"No!!" Pabulong niyang bigkas habang  Hindi napigilan Ang paghikbi.

"Reb, Rebel!!!" Humihikbing usal Niya sa pangalan Ng nobyo habang yakap-yakap Ang katawan nito.

"Rebel, please gumising ka. " Humihikbing bulong niya.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon