CHAPTER 4- TRAUMA

362 51 15
                                    


  REBEL'S POV

Nandito pa ako sa SSG office, may tinapos lang akong paperworks ngunit 'di ko matapos- tapos dahil ang iniisip ko ay si Iris. Isang oras Ang detention niya. Hindi ako mapakali  habang iniisip na napakadilim Ang silid na kinalalagyan niya. Pagtingin ko sa relos ko ay 6:30 pm na pala.
Fuck! kung may nangyari sa kaniya kasalanan ko talaga. Ini-lock ko ang SSG office at tumakbo ako papuntang Detention Room, pagkarating ko roon ay binuksan ko kaagad ang pinto.

Ang dilim dito!
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at nang nahawakan ko ito ay pinindot ko  ngunit hindi pala ito gumagana.

"Iris?" Tawag ko sa pangalan Niya ngunit Wala akong sagot na narinig na siyang nagpakaba pa lalo sa dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone at ini-on Ang flashlight dahilan para maaninag ko Ang silid.

"IRIS!!" Nag-aalalang tawag ko sa pangalan niya at patakbong nilapitan siya. Nakasandal siya sa pader at walang malay.

"Iris!!!" sambit ko ulit sa pangalan niya saka  niyugyog ang balikat niya.
At nang nakita ko ang unti -unting pagbukas ng kaniyang mga mata ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya yakapin. Hanggang sa naramdaman ko ang ganti ng yakap niya.

"Iris, sorry" mahinang usal ko saka kusang humiwalay sa yakap.
" Ano ka ba! Okay lang naman ako Rebel. Nakatulog nga ako dito." Nakangiti niyang sabi.

Her innocent smile made my heart beats fast. Her angelic eyes.. it's a mystery for me. There's something on her eyes, yet I can't read it. Sa ikli na panahong nakilala ko siya parang ang gaan na ng loob ko sa kaniya. That's the reason why I approached her with a deal.

"Let's go!" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Isang oras na ba?"Tanong niya.

"Okay na. "

Lumabas na kami ng detention room saka sabay na naglakad papuntang parking area. Tahimik lamang siya. Parang may malalim na iniisip. Minsan din bigla nalang magpout at kukunot ang noo saka pinipigilang ngumiti. Ang weird niya talaga.
Nang malapit na kami sa parking may narinig na lang kaming mga boses Kaya pareho kaming napahinto.

" Ano na naman ba ang pakay ninyo dito?"

'Teka boses 'yon ni Zeus ah?" Tanong ni Iris. Ngunit hindi ko siya pinansin. Pinagmasdan ko lang si Zeus sa may hindi kalayuan habang kausap Ang pamilyar na mga lalaki.

"Ikaw, 'kala mo ba 'di na kami gaganti sa 'yo.?"

"Tsk! Naisipan mo pang gumanti? Akala ko pa naman may utak kayo." Natatawang sabi ni Zeus.

"Hindi kami natatakot sa 'yo Falcon!" Mayabang na sabi ng isa sa mga lalaki.

Pito sila, may mga dala pa itong kutsilyo at mga baseball bat. Madilim ang paligid ngunit dahil sa isang poste ng ilaw malapit sa parte nila kaya nakikita ko sila.

" 'Di ba si Pierce 'yon? Mukhang may kaaway siya, tumawag tayo ng guard."  Natarantang reaksyon ni Iris na balak umalis ngunit hinawakan ko Ang wrist niya.

"Alam mo Martinez kung anong kaya kong gawin. Kung ayaw mong baliin ko 'yang mga buto mo.Tsk. Umalis na kayo"

Kilala ko si Zeus. Totohanin niya ang mga sinasabi.

Si Luke Martinez, taga ibang school siya. Captain ball siya sa basketball. Natalo namin sila noong nakaraang taon, marumi maglaro ngunit mas magaling si Zeus at Ice na lumabanan sa karumihan ng laro nila.
Natalo sila, at ang team namin ang naging kampyon ngunit hanggang ngayon pala ay gaganti sila sa labas ng court pero wala parin silang mai-ibuga sa pakipagpatayan dahil mas magaling si Zeus sa kanila.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon