CHAPTER 37

251 18 0
                                    

IRIS ELAINE'S POINT OF VIEW

Yumanig ang mundo ko ng hinubad niya ang kanyang maskara. Nanginig ang buong sistema ko at hindi makapaniwala sa natuklasan. Nakakapanghina, na isa sa itinuri kong kaibigan, isa sa napakaimportanteng tao sa buhay ko ang may kagagawan ng lahat ng misteryo.

   "B-Ba-k-kit? Ba-bakit m-mo ginagawa 'to?" nauutal kong tanong.

"Bakit? Dahil gusto ko. Gusto kong paglaruan ang buhay ninyo.?Ang saya-sayang paglaruan kayo. " muntik na akong matumba at buti nalang nakaalalay sa likod ko si Tracer.  

"Hindi.. hindi totoo 'to." umiiling-iling kong usal na hindi parin makapaniwala. 


"Ikaw ba ang pumatay kay Megan?" tanong ni Tracer.


Alam kong sa tono ng tanong niya ay hindi rin makapaniwala.  Isang mapanganib na ngiti ang pinakawalan nito. Hindi siya ang kaibigang kilala ko. 

"Yes, I killed her. Not only because  I hate her for being a girlfriend of Rebel, but also I hate her because she wanted to ruin my plan."

'Yong nangyari sa akin sa B.U kasalukuyang kasama siya ni Rebel noon. Noong namatay si Mang Dante, kasama namin siya sa Canteen noong nakatanggap ako ng mensahe. Pero no'ng namatay si Mommy, wala siya. Hindi siya umattend ng party. No'ng nasunog ang silid-aklatan, possibleng siya ang nagkulong kay Maureen at siya din ang nagsunog.  



"At ako ang pumatay sa mommy mo. Then I know who killed your hopeless driver. Hahahaha" 


Hindi! Napaupo nalang ako sa sahig habang nabitiwan ang bitbit kong tubo at kusang tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Siya nga, siya ang pumatay kay Mommy. 


"At senet up ko lang si Cassandra para siya ang maturong suspect. Ina-upload ko sa computer niya ang mga files na iyon. Kailangan niyang umamin, dahil hawak ko ang perpekto niyang pamilya. Hahahaha!! At ako ang may pakana sa Arson sa library, syempre kinulong ko si Maureen pero masyado siyang maswerte dahil hindi ko siya napatay noon."  Ang malaanghel na ngiti ni Yanna noon ay demonyo na Ang tingin ko ngayon.


"Hindi ka sana kasali sa larong ito, Iris. Pero pakialamera ka. But when I found out that you are a daughter of Jisoon Park, mas nagkaroon ako ng rason para isali ka. " Anito na may malademonyong ngiti.



" Hayop ka! Anong motibo mo para gawin sa amin ito?" Tiim-bagang na tanong ni Tracer Kay Yanna.

"Because of your family. I suffered too much because of your family. Anyway, it's a long long story. Kung ikukwento ko pa sa inyo baka maabutan tayo Ng bukas. Bakit hindi ninyo tatanungin ang mga  magulang ninyo tungkol Kay Elyanna Samonte. Oppsss, sorry! Hindi na pala kayo makakalabas dito Ng buhay. " Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Who is Elyanna Samonte?

"Gabriel Rivera, Jisoon Park, Milton De Vega. Peter. Falcon and Anthon Gomez. " Habang binanggit ni Yanna ang mga pangalang iyon ay may mademonyong ngiti sa kanyang mga labi.

"Sila dapat Ang sisihin ninyo kung bakit nandito kayo ngayon. Dahil sila Ang ugat Ng lahat. Hindi nila alam Kung ano ang paghihirap na dinanas ko dahil sa kanila. Hindi nila alam ang paghihirap Ng nanay ko dahil sa kanila."

Nanay? Ibig sabihin si Elyanna Samonte na binanggit niya kanina ay Ang nanay niya? Pero ano ang kasalanan ng mga magulang namin sa nanay niya?

"Yann, Kung ano man Ang kasalanan Ng daddy namin sa inyo, I know, we can fix it." Ani ni Tracer. Alam Kong pareho kaming maraming tanong. Bakit kailangan umabot sa ganito? Gaano kalaki Ang kasalanan Ng daddy namin sa pamilya ni Yanna?

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon