CHAPTER 7- TRACER'S BODY

310 44 2
                                    

Kung p'wede ko lang takbuhin ang hospital galing dito sa school ay ginawa ko na. Sa tindi ba naman ng traffic, kakainis talaga!  'Di ko na tinapos ang pag-aayos ng mga newspaper na inutos sa 'kin. Kailangan kong pumunta sa hospital para kumpirmahin kung Si Tracer at Ice ba ay iisa.  Kung ang kaluluwang 'yon ay si Ice Rivera ba talaga. Kung siya 'yon, ibig sabihin buhay siya. Buhay pa Ang katawan ng kaluluwang iyon.

Isang oras ako sa daan bago nakarating sa hospital, gumagabi na rin.

Nasa parking lot pa man ako papuntang entrance ng hospital ay ang bigat na ng mga hakbang ko. Maraming buntong-hininga ang pinakawalan ko at mas lalong bumibigat pa ito no'ng nakarating ako sa may entrance malapit sa may E.R. Tanging salamin lang ang pagitan ng E.R sa information desk. Habang nasa entrance ay bumung-hininga naman ako habang nakapikit ang mga mata.  Nanginginig na ang mga tuhod ko habang humakbang papasok at patungo sa Information desk. Nangtuluyang nakalapit ay doon ay napakapit ako sa p'wedeng kapitan dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako.

"Ma'am, what can I help you?" tanong ng babae sa 'kin.

Bumuntong hinga ako saka ito sinagot.

"M-m-ay I know t-the r-r-room of T-tra-c-cer I-ice Rivera?" pati boses ko ay garalgal na rin.

Nang sabihin sa 'kin ng babae na nasa info. desk ang room ni Tracer ay nahihirapan parin akong maglakad.
Habang nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kong humakbang. Ngunit mas papalapit ako sa hospital bed na 'yon. Mas natingnan ko siyang mabuti ang pigura ng isang sanggol na duguan ang katawan.  Halos magkarera ang pagpatak ng mga luha ko, wala akong pakialam sa paligid na pinagtitinginan ako.  Ang tanging naririnig ko lang ang tunog ng malakas na pagtibok ng puso ko. Parang nagflashback lahat sa utak ko ang nangyari noong Bata pa ako. Seeing an innocent and dying angel, I can't hear her Noise because of pain, I can't hear her cry.  but it seems that I heard the beat from her heart just like asking for help but I can't do nothing. Witnessing a death of an angel was so terrific than watching the death of my father. Hindi naman sinadyang madamay sila sa aksidente, lalo na ang sanggol. Hindi sinasadya ni daddy 'yon. Parang sinaksak ng napakaraming beses ang puso ko. Sobrang sakit.  Pinilit akong humakbang, kahit kanina nangangatog na ang mga tuhod ko.  Pilit kong pinakalma ang sarili ko, kahit sa kaloob-loob ko ay nagwawala na ito.

Hindi ko alam, basta dinala nalang ako sa isang silid kung nasaan si Tracer. Deretso ko pang binuksan ang silid at hindi tiningnan ang mga taong nasa silid na 'yon at ang tanging tiningnan ko ay ang lalaking payapang nakahiga sa hospital bed.
Pakiramdam ko kumalma ang buong sistema ko nang nakita ko siya.

Tracer. Ikaw nga.

Kahit may maraming tubo Ang nakakabit sa kanyang katawan ay nakilala ko pa rin siya.

"Iris?"

"Iris, what are you doing here?" Map pag-aalang boses na lumapit sa 'kin si Rebel, kahit kumalma na ang puso ko, nanlalambot parin ang mga tuhod ko na anumang oras ay matutumba na ako.

"Iris, why are you here?" tanong ulit ni Rebel na nakaalalay na sa 'kin.  Nakita ko rin sina Bryle at Peirce na nag-aalala.  Pinaupo nila ako sa malabot na sofa,ngunit si Rebel ay nanatiling nakaalalay sa 'kin sa tabi ko. Pakiramdam ko hinang-hina ako. Bago pinikit ang mga mata ko ay may nakita akong dalawang pigura na nasa tabi ni Tracer.
Kahawig si Tracer sa kanila.

"Take a rest,Iris. "

"Nandito lang ako,hindi kita iiwan" 'Yon ang narinig kong bulong ni Rebel , bago tuluyang makatulog.

REBEL'S POINT OF VIEW.

"Iris"sabay-sabay pa naming banggit sa pangalan nang makitang may biglang bumukas ang pinto sa silid ni Ice.

Ang katabi kong sina Brylle at Zeus at napatayo at ako naman ay agad na lumapit kay Iris.

"Iris,what are doing here?" nag-aalalang tanong ko habang papalapit sa kanya. Ngunit parang 'di niya narinig 'yon dahil ang atensyon niya ay nasa kay Ice.

"Iris,why are you here?" pag-uulit ko na nasa tono ng pag-aalala, sobrang bilis ng kabog ng puso ko na umalalay sa kanya. 
Alam kong mahirap ang napagdaanan niya bago makarating sa silid na ito. Alam ko na nahihirapan s'ya at nakita ko ang panginginig ng tuhod niya na parang mawawalan ng lakas.  At tama nga ako, halos mawawalan na siya ng malay habang naka-alaalay sa kanya. Umalalay si Zeus at Brylle at pinaupo siya sa sofa. Nanatili ako sa tabi niya, Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko habang nakaalalay parin ang braso ko sa likod niya.

"Take a rest, Iris. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan" mahinang bulong ko sa kanya saka siya tuluyang nakatulog.

Napatingin ako kina tito at tito,ang mommy at daddy ni Ice, na nagtataka.

"Who is she Rebel?" kunot noong tanong ni tita Tracy.

"Kaibigan namin tita." sagot ko.

"Is she a friend of Tracer too?" tanong naman ni tito Gabriel.

"No! tito. She's a transferee from other school, so 'di pa sila magkakilala ni Ice" si Zeus naman ang sumagot.

"Why she looked at Tracer like she knew him?" si tita.

"Hindi namin alam tita." tipid na sagot ko.

"Zeus, pakitawagan si tita Erin." Utos ko kay Zeus.

"At Brylle hanapin mo si Doc. Jin, papuntahin mo dito." baling ko kay Brylle at kaagad namang kumilos 'yong dalawa. Inayos ko ang pagpahiga kay Iris sa sofa.  Ang himbing ng tulog niya.

'tssss sobrang pinag-alala mo ako.'

"What's her name,hijo?" tanong ulit ni tita Tracey

"Iris, Iris Elaine Park"

Nawala sa isip ko, Park nga pala siya.

"Park?" takang tanong ni Tito.
Coincident ang pagkakilala namin sa pamilya niya. Magkaibigan ang daddy namin pati na ang daddy ni Ice.

"Yes tito, She's a daughter of Erinela Santillan Park and Jisoon Park. "

Halos 'di pa makapiniwala si tito sa narinig. Bestfriend niya rin 'yong Daddy ni Iris.

"Kaya pala, kaya pala ang laki ng pagkapareha nila ng Ama maya" napangiting tugon ni tito Gabriel na lumapit sa kinatayuan ko at pinagmasdang mabuti si Iris?

"You know her family, hon?" tanong naman ni tita Tracy kay tito.

"Yes, her father is a close friend of mine, since highschool"

"Is she Okay?Rebel. Dalhin kaya natin siya sa E.R. She looks
pale." nag-aalang suhestyon ni tito at umiling kaagad ako.

"No tito, she can't stay here long" pagkasabi ko ay bumukas ulit ang pinto.

Si Brylle at kasama na niya si Doc Park.

Walang sali-salita ay lumapit ito kay Iris, kinuha niya ang Stethoscope niya and he check Iris.

"Okay lang ba siya?" tanong ko kay Doctor Park.

"Yes, Rebel Can you bring her home, may operation ako ngayon."  Kaagad naman akong tumango, Kitang kita ko naman ang pag-aala niya sa kapatid.

"Paki-hintay nalang si mommy, papunta siya dito."

Pagkatapos sabihin 'yon ay lumabas na si Doc park ng silid.

Pinaliwanag naman kaagad ni Brylle na kapatid ni Doc Park si Iris, nagulat pa nga si tito sa nalaman. Matagal na daw kasi silang walang balita sa pamilya ng kaibigan nila na si Jisoon Park pagkatapos daw ng libing nito.

Pero Ang nagpapagulo ng isip ko ay bakit narito si Iris?  

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon