CHAPTER 30- ABDUCTION

252 26 0
                                    



TRACER' S POINT OF VIEW

Ang saya ko ngayon, kasama ko s'ya. Mahal ko s'ya pero girlfriend s'ya ng bestfriend ko, kaya hindi kami pwede.Pero sapat ng nakasama ko s'ya at naparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko. Pauwi kami ngayon,samantalang s'ya ay nakatulog na nasa may shotgun seat. Kanina pa s'ya inaatok.

"Masakit man pero dapat kong tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa, dahil iba ang mahal mo." Usal ko saka bumuntong hininga nalang.

Sinadya kong bagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan at exact 3:00 am ay nakarating na kami sa bahay. Hindi ko na s'ya ginising. Ako nalang ang kukuha ng regalo n'yang natanggap na naiwan sa loob ng bahay tapos ihahatid ko na sila sa kanila.

Bumaba ako ng kotse ngunit nagtaka pa ako ng nakita ko si Manong Cezar, ang security guard namin na nakahandusay sa may tabi ng gate. Agad akong lumapit doon at pinulsuhan ito.

"Manong, manong gising." nag-aalalang tinapik-tapik ko pa ang mukha n'ya. Buhay pa s'ya para lang itong nahimatay o nakatulog. Kahit anong gising ko ay hindi parin ito nagising. Fuck.. sobrang lakas ng kaba ko.

Patakbo kong tinungo ang loob ng mansyon at lahat sila walang malay na nakasandal sila sa may sofa habang si tito Peter at tita Corine ay nakahandusay sa may sahig.Taranta akong lumapit sa kinaroroonan nina Mommy at Daddy. Pinulsuhan ko sila at normal naman ang pulso nila.

"Mom, dad gising. Mom, mom. Dad." kahit anong yugyog ko hindi parin sila nagising, pati sina tita Corine, tita Zen, tita Betina, Pati sila tito ay wala ding malay. Si Lola Felicity ay ganoon rin.

"Damn it."

Agad kong tinakbo ang dining, ngunit wala sila doon. Pati sa may kitchen. Tinakbo ko ang hagdan paakyat at tiningnan ang lahat ng silid ngunit walang tao. Saan sina Rebel, Zeus, Si Yanna at ang kambal.? Tinawagan ko ang number ni Zeus, unattended ito, pati narin kay Rebel at Yanna,Pati rin ang kambal hindi ko macontact.

Patakbo ulit akong bumaba sa hagdan at nakita ko doon si Iris na namumutla.

"Ice, anong nangyari dito." kunot noo n'yang tanong.

"I don't know. Ginising ko sila pero ayaw magising. "

"Sila Yanna? ang kambal? Si Rebel, si Peirce." puno ng pag-aalala ang mukha n'ya.

"Hindi ko mahanap. Unattended ang number nila." umiiling kong sagot.

"Tawagan mo ang kuya mo, Tatawagan ko si Bryle." Patuloy kong sabi. Kinuha n'ya ang phone sa pink sling bag n'ya. At ako naman dinial ang number ni Bryle ngunit hindi ko din macontact. Paulit ulit kong tinawagan pero wala parin.

"Papunta na si kuya JIn at si Christina dito. Nacontact mo ba si Bryle?"

"Hindi" sabay iling ko.

"Tatawagan ko si Mau."

'Fuck. Ano na naman 'to.' lumapit ako kina Mommy at Daddy, Mahimbing ang tulog nila.

"Nagring lang pero walang Mau na sumagot." nanlulumong sabi ni Iris. Alam kong mas matindi ang pag-aalala n'ya ngayon. Balisa s'ya habang pabalik balik sa nilalakaran. Hanggang sa dumating ang kuya n'ya at si Christina.

"What happened here?" alalang tanong ni Christina saka lumapit sa kinaroroonan ng ina at ama.

"Mom. Dad . wake up."
"Dongsaeng, Are you fine?" alalang tanong agad ni Jin sa kapatid. Saka umilng s'ya.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon