CHAPTER 27-THE CULPRIT

262 30 1
                                    


Sinimulan na ni Chan ang pag manipula ng computers. Nasa tabi n'ya lang ako habang pinanuod ang ginagawa n'ya. Ang bilis ng kamay n'ya na nagtatype sa may keyboard.

"Twin brother, nagawa mo na? " tanong ni Channyl na kararating lang at may dalang tray na may mga pagkain.

"Hindi pa. Pero malapit na." sagot naman ni Chan na ang maya ay nasa screen kung saan may mga data na nag-aapear doon, habang ang kamay ay nagmanipula sa keyboard.

"Sa lahat ng paaralan, alam mo bang ang BLyth University ang may pinakasecure na system, at pumapangalawa doon ang EIS." sabi ulit ni Chan habang pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ris kumain ka muna" Baling sa 'kin ni Channyl. Nakahanda na ang mga pagkaing dala n'ya sa may table.

"Kukuha lang ako ng tubig. Take your time Chan." Paalam ni Channyl saka umalis.

Nang bumalik si Channyl ay sabay na kaming kumain habang si Chan ay nagpatuloy sa ginagawa.

"I am just confused, Why are you interested about this,, hmm Megan's Death.?" napatigil ako sa pagsubo ng nagtanong si Channyl. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag sa kanila. Alam ko kasing mahirap paniwalan kung sasabihin ko ang totoo pero kung magsisinungalin ako ay mahuhuli rin nila ako dahil sa matalino sila.

"I saw her." tipid kong sagot habang pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

"You saw her ?? You mean you can see souls?? That's absurd." Ang dali n'yang makaisip tungkol sa sinasabi ko. Kaya tumango nalang ako.

"Reall..."

"Yes!! Got it."

Hindi na natuloy ni Channyl ang sasabihin ng nagsalita si Chan kaya agad kaming napatayo ni Channyl saka pumunta sa kinaroroonan ni Chan. At isa isa naming tiningnan ang screen. 'Yong mga screen kanina na ang nandoon ay ang CCTV camera sa paligid ng bahay nila. Ngunit nag-iba ito. Napalitan ito, at Mukhang CCTVs ng EIS ang makikita. Nahack na ni Chan.

"Ang galing mo talaga Chan." puri ni Channyl sa kambal.

Busy pa rin ang mga kamay ni Chan sa pag manipula sa Keyboard ang mga mata ay nasa screen. Napatingin ako sa screen na kung saan s'ya nakafocus ng tingin.

"Nakuha ko na ang files Ris." nakangiting tugon ni Chan. Napatingin ako sa screen. At sinimulang basahin ang nakaprivate files ni Cassandra.

'I AM CASSANDRA MADRIGAL. 15 YEARS OLD. I HAVE A PERFECT FAMILY. KAYA NGA ANG BORING NG BUHAY KO. SO I MADE IT EXCITING. I BECOME A BULLY QUEEN IN EIS. ANG SAYA NG BUHAY, NA MAY PINAGTITRIPAN AKONG ESTUDYANTE. AND TO MAKE IT MORE EXCITING, I BULLIED ONE OF MY FRIENDS. SHE'S WEAK, SO I CAN MAKE ANYTHING TO HER. I HURT HER BUT SHE DIDN'T COMPLAINED. NAKAKAINIS AT NAKAKAIRITA S'YA. FEELING MAGANDA LALO NA NO'NG SINAGOT N'YA ANG GWAPONG FRESHMEN NA NANLILIGAW SA KANYA. SO I DECIDED TO END HER LIFE. KAWAWANG MEGAN."

Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko pagkatapos basahin 'yon. Cassandra. S'ya ang pumatay kay Megan. At mas lalong nanigas PA ako ng naiplay ang video na nandoon. Si Megan Samonte na nakaupo sa isang silya habang nakagapos. Halata sa medyo na gabi na dahil sa madilim at may isang bulb na nagbibigay ilaw sa silid. may nakabonnet na lalaking lumapit sa kanya at pilit s'yang hinalikan. Nagpupumiglas pa s'ya pero
nahihirapan s'yang manlaban.
Sumisigaw s'ya ng "Tulong!!!!" pero walang sumaklolo sa kanya. Hanggang sa may dumating na babaeng naka uniporme pa, at huminto ang lAlaki sa ginagawa.

"Fuck si Cassey ngA." usal ni Channyl ng lumapit ang babae kay Megan na umiiyak. At nakita namin ang hitsura nito. Si Cassandra nga.

Naputol ang video. At may pinindot na namang files si Chan at ng mabuksan ito ay larawan ni Megan na duguan.Nakahandusay ang walang buhay n'yang katawan sa sahig. Nabalutan ang buong katawan ng dugo, maraming saksak ang katawan. Pakiramdam ko mas sumikip ang dibdib ko habang pinagmasdan ang larawan na iyon.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon