Carson's POV
"Bes, gala tayo" pag aaya ko kay Mishka over the phone
"Gaga, busy ako sa preparations ng kasal namin ni Harry. Tsaka alam mo namang sa bar lang din tayo dederecho kung ako ang kasama mo. Alang naman isama mo yang di Zeus" She said.
Oo nga no.
Ibinaba ko na ang tawag at tumawag kay Erin pero cannot be reached. Siguro gumagawa na naman ng another set of triplets yun. Manyak pa naman yun, siya kaya nag iinitiate ng move.
"Ah, alam ko na. Si Tita Olga mo na lang. I'm sure pag siya kasama natin ililibre niya tayo" I talked to Zeus and dialled Olga.
"Oh, Carson? Bat ka napatawag?" she asked
"Gala tayoooo, pleeeease" I said and hoped she would say yes.
"Naku, pasensya ka na, Car. Busy kami ngayon ni Jerome sa Happy Bee eh. Alam mo namang pasukan na, maraming customers dito ngayon" ngumuso ako, Oo nga pala. May jowa na pala si Olga at may ari sila ng isang sikat na kainan.
Ibinaba ko na rin ang tawag. Hmp, sino pa kaya tatawagan ko. Si Ella kasi nasa ibang bansa, ganun din si Gemini.
Mga rich kids talaga yun..I mean rich wives. Pa country hopping ang mga puthang ina. Porket nakapag asawa ng mayaman at wala pang anak eh. Di man lang nanlilibre. Tss
Sumalumbaba ako at tinitigan si Zeus.
"Ang boring dito sa bahay ano, Zeus? Date tayo? Tayo na nga lang." pagkakausap ko sa bunso namin na tila bang nakakaintindi na.
He gave me a smile and some babbling sounds.
"Is that a yes? Hmm? Tara, bihisan kita." I said at kinuha na siya sa crib niya.
It's been 3 months and almost 9months na itong si baby.
He can stand on his own by holding on the the crib's grills.
"Ang pogi pogi naman ng baby ko. Gala tayo ha? Then punta tayo maya maya kay Dada" I said at nilagyan na ito ng diaper.
Medyo malikot na dahil nakaka crawl na siya and sit.
After ko siyang mabihisan, tinext ko muna si Zeke para naman masundo niya kami mamaya sa mall.
Almost 4 na rin kasi, maya maya susunduin na niya si Zac at ihahatid dito sa Condo kaya magpapasundo na lang din kami.
Okay. We're good to go.
Nilagay ko na lang sa carrier na strap on si Zeus sakin.
Pagdating sa mall, kumain na muna kami sa Jollibee..Since paborito ito ng dalawang bata.
Kinakausap ko pa si Zeus habang pinapakain ng mag ring ang telephone ko.
"Oh, baby. Tumatawag si Dada oh" I showed the screen to Zeus as if mababasa niya.
He just smiled at me. Napakamasayahing bata.
"Oh, Namu?"
"Tch, bat kayo lumabas ni Zeus? Alam mo namang wala kayong kasama tapos-" heto na naman siya, napaka over protective.
"Teka nga. Namu, alam mo namang bored na bored na ako dun sa condo tsaka we're safe naman and tinext naman kitang sunduin mo kami mamaya dito ah." I said a bit pissed too
"Oo nga, pero dapat sinabihan mo ako para naman makalabas ako dito at masamahan ko kayo" he said
Daig pa may mens ah. Napakasuplado
BINABASA MO ANG
An Agent's Love Story [COMPLETED]
FanfictionThis is the continuations of Carson Elizabeth Valdez's adventure in the company owned by her ex lover, Zeke Xavier Hefflington. Can they still continue their unfinished love story now that Carson is working at their company but what if she's alread...