33

172 10 0
                                    

Carson's POV

About almost 3 weeks later nakalabas na kami ng baby.

I was packing my things dahil aalis na kami ngayon sa mansion.

Nag usap lang saglit si Zeke at ang Dad niya.

Si Penny naman katabi ng baby ko at ni Zac. Parehong tulog ang dalawa.

Someone knocked at the door at maya maya pa ay pumasok na si tita Rochelle.

She looks sad.

"Car, hija. Hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Oh, I'm going to miss my Zacky and my little Zeus" she said emotionally

I stood up and hugged her.

She's been nothing but nice to us.

"Tita-"

"Call me Mom, hija" pagko-correct niya.

Medyo na awkwardan ako dahil dati tita naman ang tawag ko sakanya

"M-mom, we'll be back po. I just need some time to unwind. Malapit lang naman kami. You're free to visit" I said

She knows what happened between us.

Kaya tumango na lang siya

"I understand..but I hope tawagan mo kami ha? I wanna talk to my lil Zacky paminsan minsan and I hope magkaayos na kayo ni Zeke. Lahat maayos ng masinsinang pag uusap" she said and hugged me once more then lumapit na siya sa dalawang apo,niya at pinagmasdan ito.

She was brushing Zac's hair with her hands.

Mahal niya talaga ang dalawa.

After packing, saktong pumasok si Zeke at ang Dad niya.

"Carson, you take care of my grandchildren, okay? And ingatan mo rin ang sarili mo." tsaka ito lumingon kay Zeke "You. Ingatan mo ang mag ina mo and remember everything that we have talked about, okay?" he said pointing to Zeke.

Tumango lang ito.

Hinatid na nila kami hanggang sa labas.

Karga ni Zeke si Zac at si Zeus naman ang karga karga ko.

Ang mga alalay na ang nag lagay ng mga gamit sa sasakyan.

Zeke strapped Zac on his mini Car seat behind us.

Ako naman pinasuotan ko ng onesies na batman itong si Zeus, kumpleto with socks, gloves at bonet. Baka lamigin si baby. Binalot ko rin siya ng lampin niya

Everyone waves goodbye to us and I even saw Tita Rochelle sobbing.

Zeke and I waved at them.

Nagbyahe na kami.

Hindi kami nag imikan ni Zeke but I can feel from time to time he's cheking on us and at Zac on the rearview mirror.

Hindi na ako natulog dahil karga ko si Zeus.

Nakita ni Zeke na medyo nilalamog na ako as I was rubbing my arms.

"Nilalamig ka ba?" he said at hininaan ang aircon ng sasakyan.

Tumango na lang ako sa kanya at nagpasalamat.

After 5 hours of travel nagising si Zac at nagreklamong nagugutom na.

I volunteered na ako na ang bibili ng pagkain sa dinaanan naming bakery.

Zeke stopped the Car, I told them to wait for me na lang sa sasakyan.

An Agent's Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon