Nakatayo sa harap ng isang mall. Magta tatlong oras na ko dito at kumakalam na ang tiyan ko kasabay ang umiinit kong ulo dahil sa tagal ng gagong yun.
Hindi ko ugaling maghintay pero tama nga sila, nagagawa mo yung mga hindi mo inaakalang magagawa mo pag nagmamahal ka.
Sumilong ako dahil nagsimula nang umambon.
Nauubos na talaga ang pasensya ko sa taong yun.
Hays! Aalis na talaga ako. Bwiset siya! Asar na asar na ko. Ang ayus ayus ng usapan namen kagabe! Ang klaro pa ng pagkakasabe ko ng Don't be late! Pero heto pinaasa na naman ako ng gagong yun.
Aware naman ako na palagi siyang late pero... very good siya ngayon huh? Hindi lang late. Sobrang late! Siraulong yun.
Nag aalburutong akong sumakay ng taxi papuntang ortigas kung saan ang condo niya.
Dali dali akong pumunta sa unit niya. Makakatikim talaga sakin ang lokong yun ng mag asawa at may tatlong anak na sapak eh. Bwiset!
Paglabas ko ng elevator ay bumungad sakin ang kapatid niya. Nagulat ito ng makita ako, nakita ko ang namumulang mata niya at tubig na lumalabas dito.
"What happened maikee?" i asked her.
"Naaksidente si kuya terrence, kuya vin." in between sobs she said.
Kusang pumatak ang luha sa mata ko. Nawala lahat ng galit ko at napalitan ng pag alala dahil sa narinig ko. Nagsimulang mangatog ang tuhod ko at bigla akong nanghina.
Inalalayan ako ni maikee sa pagtayo.
"Saang... Saang ospital siya nandun?" wala sa sariling sabi ko.
"St. Catherine!" nang marinig ko yun ay agad kong hinatak papasok ng elevator si maikee at pinindot ang button ng ground floor.
Wala na kaming sinayang na oras.
Bawat segundo, mahalaga.
Lulan kami ng taxi papuntang ospital, iyak kame nang iyak.
Parang milya milya ang layo ng ospital mula sa condo ni terrence kahit 4 kilometers lang naman ito.
Yakap yakap ko sa maikee at pinipigialan kong hindi umiyak, ayoko panghinaan siya ng loob pag nagpakita ako ng kahinaan dahil sa pag iyak.
Hinimas himas ko ang likod niya. "Shh. He'll be fine! Malakas si kuya terr mo." sabi ko sa kanya ng hindi umiiyak kahit sa loob loob ko, makakapuno na ko ng balde dahil sa pag aalala ko.
"Pero kuya vin." sobs.
"Maikee, he'll be alright. Okay?" then i faint a smile in my face, i saw her smile at me.
Dumiretso kame ng emergency room.
I asked the nurse immediately.
Pumunta ako sa tinurong kurtina nung nurse.
Binuksan ko ito at nakita ang nakakumot na katawan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napayakap ako dun. "Terrenceeeeeee!" nagsimula ng magpatuloy ang luha ko.
Yumakap din dun si maikeee. "Kuyaaaaa."
Wala na kong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Parang nadudurog ang puso ko. Mamamatay na ata ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Pinaghintay hintay mo ko ng tatlong oras tapos dito kita madadatnan! Terrence naman. Gising! Gisinggggg!" hindi na ko makahinga sa kaiiyak.
"Terrenceeee! Wake up. Mahal na mahal kita. Anniversary natin ngayon! Terrence naman. Terrenceeee!" Pinagsusuntok ko na ito, kahit sa panaginip hindi ko inexpect yung ganitong pangyayare. Ang sakit sakit.
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.