Sa isang All Boys School nag aaral si Sherwin. Sa age niyang 19 alam niya sa sarili niya ang pagkakaiba niya sa mga tao sa paligid niya. Sa school niya rather. Alam niyang iba siya na hindi angkop sa iba. Hindi niya alam kung saan nagsimula o kung paano. The moment he knew, he's inlove with his bestfriend, gelo.
His bestfriend, before! Nung nasa grade school palang sila. Nag iba na kase si gelo ngayon, isa na siyang sanggano. Well, siya lang naman yung leader ng mga pasaway na estudyante. Takaw gulo! Away dito, away doon. Mga bully. Mga sakit ng ulo ng teachers.
Siya ang kusang umiwas saken at hindi ko na din pinagsiksikan ang sarili ko. Pero syempre he used to be my bestfriend at hindi naman siguro sakin mawawala ang mag alala sa kanya. More often i sneak out in safest way. Kaya kahit paano ay alam ko ang nangyayare sa buhay niya.
Bigla akong natawa.
Kaya siguro ganito yung nararamdaman ko. Naattach na ako sa bestfriend ko.
Nagsimula siyang magbago nung nakulong ang papa niya dahil tumalbog ang mga cheque na inissue nito sa mga kasamahan nito sa networking at dahil dun, parang nasira na din ang buhay ni gelo.
Nawala siya sa landas.
Gusto ko siyang kausapin that time pero wala akong chance dahil kasama niya palage yung mga bago niyang barkada.
Hanggang sa lumipas nalang taon at nauwi na nga siya sa pagiging leader ng barkadahan ito.
Malaki ang naging tulong ng barkadang iyon kay gelo but in illegal way.
They robbed money from other students, nangingikil sila pero kahit ganun si gelo, isa din siyang crew sa isang fast food. Yun siguro yung way niya para matustusan ang pag aaral niya.
"Uyy sherwin. Sher!" tawag sakin ni gelo pero hindi ko siya pinapansin at parang wala akong naririnig at nagpatuloy lang ako sa paglakad at nilampasan siya.
Hinawakan niya ko sa braso. "Tapatin mo nga ko! Problema mo?!" tumataas na ang boses niya. Galit na siya.
Tinabig ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap siya. "Ikaw! Ikaw ang problema ko. Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita gelo!" naluha na ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko.
Nagulat siya sa sinabi ko. Natulala.
"Matagal na, simula pa nung mga bata tayo. I thought we have an mutual understanding. I thought we are more than friends. Oo, i fell inlove with my bestfriend, i fell inlove with you at ngayon unti unti akong namamatay kase nakita ko kung gaano ka kamiserable. Im sorry gelo. Hindi ko sinasadyang mahulog sayo, pinigilan ko pero hindi ko nagawa. Im sorry!" patuloy lang sa pagbagsak ang luha ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita, tumakbo na ko palayo sa lugar na ito. Palayo sa taong mahal na mahal ko.
Napahawak ako sa poste dahil parang nanghihina na ang tuhod ko. Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit sakit.
"Bakit kaba kase tumatakbo?"
Napalingon ako pero agad ko ding iniwas ang mata ko.
Nagulat ako ng bigla niya kong hinatak palapit sa kanya. "Mahal din kita sherwin."
Unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko, napapikit nalang ako at hinihintay ang labi niyang dumampi sa labi ko ng biglang ...
Kring ring ringggggg ...
Bigla akong napabalikwas ng gising.
Putcha!
Badtrip!
Andun na eh! Maghahalikan na kami ni gelo eh. Putcha talaga! Bigla akong nagising at naputol ang masaya kong panaginip kasama si gelo.
And .. how will it happen naman? Eh, hindi naman alam ni gelo na kasali ako sa federasyon. Haha. Tsaka feeling ko, hindi nun magugustuhan ang idea na yun. Lalayuan ako nun kahit magkababata pa kame. Whatever!
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomansaIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.