"Mahal, samahan mo ko." Sabay punas ko sa basa kong pisngi dahil sa luha.
"Saan?"
Hindi ako nagsalita, nagsimula akong maglakad pabalik sa nadaanan naming simbahan.
Nakasunod lang siya sakin.
Tumungo ako sa unang row and bend my knees and pray.
Iyak lang ako ng iyak. Hinayaan ko lang ang sarili ko. Sabi nila, gumagaan daw yung pakiramdam mo pag naiiyak mo yung nararamdaman mo.
Pagmulat ko, nakita ko ang panyong nakalahad. "Gamitin mo." Hindi ko ito kinuha. Ngumiti lang ako at nagsimula na kaming maglakad palabas.
Hinila niya ko at niyakap habang hinahagod ang likod ko. "Okay lang yan. Everything will be alright duke."
"Thank you for always be with me argus. No matter what." Napahagulgol na ko sa balikat niya.
"Shh. Boyfriend mo ko and soon i'll be your husband. I'll always be with you. I want to."
Natawa ako at pinukpok ko siya sa balikat. "Haha. Husband agad?"
Hinila niya ulit ako at this time, lumapat ang labi niya sa labi ko. "Your smile is my life."
Lalo akong naiyak. "Thank you for loving me argus."
"No. Thank YOU for loving me." And he hugged me tight.
Hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagbagsak nito. "Itigil na natin to argus."
"Ano?!" Nagulat siya sa sinabe ko.
Hindi ako makatingin sa kanya, nakayuko lang ako. "Lalo lang natin masasaktan ang isa't isa pag pinatagal pa natin ito."
"Hindi! Hindi ako papayag." Nakita ko ang pagpula ng mata niya at pagbagsak ng tubig mula dito.
"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Hindi tayo matanggap ng papa mo. Tapos pinakilala pa niya ko sa babaeng gusto niya para sayo, si rica. Alam mo ba, ang ganda ganda niya and i know she'll be a good wife and a mother to your children." Ang sakit.
"Yun ba yung iniiyak mo kanina pa?! Bakit hindi mo sakin sinabe?!" Hiniwakan niya ko sa magkabilang balikat, hindi ko talaga siya matignan ng matagal. Pero nakikita ko ang pag agos ng kanyang luha. "No duke! Hindi. Hindi ako papayag. Please don't! Don't do this to me."
"Argus listen to me. Naiintindihan ko yung pinaghuhugutan ng papa mo. Ikaw ang nag iisang anak na lalaki at gusto niyang magka apo dahil gusto niyang maipasa mo ang apelyido niyo at kahit kailan hindi niya tayo matatanggap. Huwag mo ng pahirapan yung sarili mo."
"Sa palagay mo ba duke, sa ginagawa mo ngayon hindi ako nahihirapan?"
"Please! Don't make this any harder."
"Yan ba?! Yan ba yung hiniling mo? Ang palayain kita? Pwes! Hindi. Hinding hindi tangina. Mahal na mahal kita." Niyakap niya ko ng mahigpit.
"Mahal na mahal din kita argus."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko ng dalawang kamay niya at hinalik halikan ito habang nakatingin sa mata ko. "Please duke. Lumaban tayo!"
Gamit ang free hand ko ay pinupunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Paano tayo lalaban kung sa umpisa palang, talo na tayo."
"Kaya gusto mo, itigil nalang natin to? Bakit kaba ganyan? Bakit sila yung iniisip mo? Diba dapat, ikaw at ako, tayo yung iniisip mo?"
"Kasi kahit sabihin kong okay lang, hindi eh. Ang sakit sakit lalo na pag sinasabi nilang hindi tayo para sa isa't isa. Dahil lalaki ka at lalaki din ako. Na dapat ang lalaki ay para sa babae."
"Putang ina naman duke! No one has the right to dictate and govern anyone! We're just ordinary people who found love because we understand each other better. Love is about fidelity, acceptance and contentment." Lumapit siya sakin and he caress my cheek. "Huwag kang makinig sa kanila. Okay?" And hugged me. "I love you."
"I love you too."
"Kahit isang libong rason pa ang meron sila, ipaglalaban ko parin ang kaisa isang rason na meron ako! Yung ay yung pangarap kong tumanda, kasama mo. Kaya please duke, lumaban tayo. Please?!"
Hindi ako makapagsalita ang alam ko lang, lalong lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng loob ko para ipaglaban ang meron kami, kahit paulit ulit akong pinanghihinaan ng loob dahil sa mga taong hindi matanggap tanggap ang relasyon namin.
Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya.
"Duke, you listen to me. Kahit kapalaran pa mismo ang maglayo satin, lagi mong hahawakan ang kamay ko. Kapalaran lang yan, lalaban tayo!"
- End -
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.