Part 4
"Oo nga pala. May gf ka." All this time ngayon ko lang naalala. Amazing hindi ho ba? Mygad. Hindi siya sumagot. At dahil sa realization kong yun ay gusto kong humiwalay sa kanya para hindi na ko mahulog pa dahil nahe-hurt ako pero in some point, mas lalo kong hinigpitan ang yakap dahil hindi ito forever. Kaya sinulit ko na. Sayang naman! Di naman ako luge dito kay Jomer. Jackpot nga! Gwapo, maputi, maganda ang katawan at malaki ang kayamanan. Ow yes!
Ilang beses din naulit ang nangyare samin ni Jomer at ine-enjoy ko nalang dahil masarap naman at masaya naman talaga! Pero this past few days ay parang hindi ko na nasisikmura dahil nanliliit na ko sa sarili ko dahil nagiging isang parausan na lamang ako at natatakot din akong malaman ito ng girlfriend niya at maiskandalo pa ko kaya bago pa man mangyare yun ay nagdesisyon na ko. Itatanan ko na siya! Charot. Ititigil ko na itong kahibangan ko. Ano ba?! Kahit papaano, I know my worth.
"Ayoko na Jomer. Hindi ko na kaya. Itigil na natin to." Yun yung nasabi ko nang minsang mangailangan na naman siya.
"Bakit? Hindi kanaba masaya?"
Hindi ako sumagot. Ayokong magsalita dahil feeling ko maiiyak na ko.
"Sige, kung yan yung gusto mo." Hinawakan niya ko sa pisngi. "Anyway, I want to say thank you, I had so much fun and thanks to you because everytime you hugged me, I feel loved." Ngumiti pa siya at ramdam ko sa mga salitang yung yung sincerity niya.
Tuluyan na kong naiyak at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Alam ko sa sarili kong mamimiss ko siya at parang nagba-back out na ang aking konsensya pero kailangan kong itama ang buhay ko at kasama nun ang pagputol sa kung ano mang namamagitan saming dalawa.
"Thank you din Jomer." Yun nalang yung nasabi ko at tuluyan na siyang umalis ng bahay na ito at paalis sa buhay ko. Masakit. Parang nahati ang puso ko sa desisyon kong ito pero tinatagan ko nalang ang sarili ko.
Nagsimula akong ayusin ang sarili ko. Bakit ba hinahanap ko lagi ang pagmamahal na yan sa ibang tao imbis na asikasuhin ang buhay ko? Kaya agad agad ay nag enroll ako para may bago naman akong pagkaabalahan sa buhay ko. Natuwa naman ang parents ko at doon ko narealize na sila pala talaga ang ng una kong pag ibig. Na dapat sila ang inaatupag ko at hindi kung anu ano at kung sinu sino.
Natawa ako sa realization kong yun. Anyway, sabi nga nila, huwag hanapin ang pag ibig, ito ay darating sayo diba diba?
Papunta na ko sa school noon ng makita ko ang isang lalaking nagpupulot ng librong nalaglag niya ata, agad agad ay tinulungan at napagsino ko ito. "Lorenzo?" Kaklase ko.
"Oh, Jhay ikaw pala. Kamusta?"
"Ikaw ang kamusta? Parang wala ka sa sarili. What's bothering you?"
"Wala. Madami lang akong iniisip."
"Like what?" Usisa ko habang papunta na kami sa classroom namin.
"Ahm. Ano eh?! Baka mawirduhan ka sakin pagsinabi ko. Huwag nalang kaya?"
"Sapak gusto mo? Ano nga?! Pabitin naman. Sasakalin na kita eh." Hindi na ko makapaghintay.
"Iniisip ko kase yung lalaki sa panaginip ko. Hindi ko makita yung mukha niya pero parang kilalang kilala ko siya. Ahhh! Ewan."
"Man of your dreams? So romantic. Haha. Baka soulmate mo yun?! Ahii." Tapos tumawa pa ko ng malakas at tinusok tusok siya sa tagaliran.
"Gago." Pagsaway niya saken. Sweet din! Ang galing.
"Sus. Alam ko naman eh! Naaamoy kita." Tunog beki ko pang sinabing, "ganern karin. Petmalu mo lodi. Werpa pak!" Nagpakatotoo na ko dahil kami lang naman ang nandito sa stairway to heaven papuntang classroom. Halos mangiyak ngiyak kame katatawa. Kabulastugan ko talaga.
"Di ko pa iniisip yan. Ikaw ba?"
"Wala pa. Naghihintay pa ako ng aking one and only My Forever pero sa ngayon, sarili ko muna ang mamahalin ko para masabi ko namang kamahal mahal ako because that's what I deserved." Sabay ngiti ko sa kanya at napatingin ako sa kalangitan, sa veranda, sabay sabi sa sarili kong, God's plan is better than mine. Kaya, tiwala lang. Lalim ng hugot ko! Nasaktan eh. Hahaha.
The end. 💕
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.