Nakita kong nagki kwentuhan ang mga katrabaho kong lalaki. Narinig ko pang sabi ni Eli na hindi siya nakakota at may tinanong siya. Narinig ko ang boses ng mokong na RC, "Si Enzo pa? King inang yan. Lagi naman!" tapos nagtawanan sila dahilan para mapagtinginan sila ng mga tao dito sa canteen.
Nakita kong tinitigan ako ni RC, alam ko ang tingin na yun. Nangmamata tapos ay bigla siyang tumango at may binulong sa mga kausap niya.
Ayaw ko ng mga ganun eksena, alam ko pinagtsi tsismisan na naman nila ako. Malamang ang topic nila ay ang gender preference ko. Sanay naman na ko pero kahit ganun, nasasaktan parin ako.
Tumayo ako, hindi ko natapos yung kinakain ko. Palagi nalang ganito, iiwas ng iiwas. Minsan napapagod na ko, gusto ko nalang magresign pero kailangan ko tong trabaho.
Dumiretso ako sa rooftop ng building. Uupo at sasandal sa wall. Heto na naman ako, loner. Mag iisip isip ng kung anu ano. Magpapatay ng oras. Sana magtimes up na ang break. Pinikit ko ang mata ko baka pagmulat ko, times up na.
"Bat ka laging nandito?"
Napatingin ako pinanggalingan ng boses. Nakita kong nakasandal sa gilid ng pinto at naka cross arms pang si Enzo.
Ang pogi talaga ng hayop na tong laging nagta top sa Quota.
Hindi ko siya pinansin, pumikit ako ulit.
Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin sa pagkakaupo. Napatayo ako.
Tumayo din ang ugok pero hindi ko siya pinansin, aalis na ko dito pero bago pa man ako makalayo ay nakaramdam ako ng paghawak sa braso ko. Nakita ko ang kanang kamay niya. Tinabig ko ito at nagpatuloy sa paglakad.
"Bakla kaba Migs?"
Napatigil ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasaktan ako. Pero bat ba ko nasasaktan? Alam ko naman sa sarili kong bakla ako. Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng mata ko at pagbagkas ng tubig sa pisngi ko.
"Masama ba? Lisensya ba para lagi niyo kong pag usapan ng mga kaibigan mo. Oo, alam ko. Naririnig ko kung paano niyo ko nilalait lait! Probably you never know how it hurts to be pretentiously straight just to be presentable. Just to avoid catching negative attention!"
"Whoo! I didn't mean to offend you im just asking. Im sorry."
Hindi ko napansin na nakalapit na siya sakin, he caress my cheeks and the moment i knew is he hugged me tight.
Sa pagkabigla ko, natulak ko siya. Napaupo siya sa sahig at tumakbo na ko papuntang department.
Hindi ako mapakali ng araw na yun, natataranta ako na ewan. Nabibwiset na ko sa sarili ko, hindi ako makapag trabaho ng maayos.
At last, makakauwi naren. Palabas na ko ng building ng bigla akong "Ayy tang ina!" napahawak pa ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito dahil may isang lalaking bigla nalang lumitaw sa harap ko.
"There you are!" nakangiting sabi ni Enzo.
Napasimangot ako. Ang sarap niyang hambalusin ng tubo.
Dinaanan ko lang siya at magpapara na ko ng taxi.
"Uyy migs. Uyy!"
May taxi huminto sa harap ko at sasakay na ko pero hawak hawak ni Enzo ang pinto at hindi ko masara.
"Ano yun?!" sabi ko sabay tingin sa langit. Nang mapatingin siya ay agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa pinto ng taxi kaya naman nasara ko na ito.
"Blee!" binelatan ko siya.
"Kuya, sa makati po." sabi ko kay manong.
Bago pa man makaandar ang taxi ay humarang na si Enzo sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.