Part 1
HUMANTONG na ako sa desisyong masakit pero alam kong tama. Ayokong manakit at makasakit kaya handa na kong panindigan ang nararamdaman ko at ayaw ko ng lokohin pa si Adam.
"It's not working and it's never gonna work." Hinawakan niya ko sa braso pero tinabig ko din ito.
"Jhay no, please. Don't do this to me." Hindi ko na kaya yung guilt na nararamdaman ko kaya umalis na ko at hindi ko na siya tiningnan pa. Masakit pero ayoko nang mas masaktan pa siya at ito na ata ang pinakatamang desisyon ko. Ang palayain siya.
Parang pinaglaruan ako ng tadhana ng makita ko si Toffee, ang dati kong inibig.
Mula noon na hindi na siya nawaglit sa aking isipan maging sa aking puso. Minahal ko siya. Sobra! Kaya nagi-guilty ako kasi minamahal ako ni Adam, although mahal ko na ito pero nagbago na ang lahat. Kahit kami pa ni Adam ay narealize kong iba naman ang tinitibok ng aking dibdib. Oo, mahal ko parin siya. - Si Toffee Rodriguez.
At ngayon ngang hiwalay na kami ni Adam nais kong sundin ang aking puso. Ang piliin ang taong itinitibok nito.
Pumunta ako sa bahay nila ngunit wala siya. Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Nang magsimulang umulan ay naghanap ako ng masisilungan at ilang minuto pa ang lumipas ay may sumilong din sa aking kinaroroonan.
"Toffee...?"
"Jhay!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ay niyakap ko siya at nagsimulang umiyak.
"Shh.. tahan na." At hinagod pa niya ang likod ko.
"Kamusta kana? Ang tagal mong nawala. Ni hindi mo man lang sakin sinabi na aalis ka kaya mo ko iniwan. Kamusta ang Nanay mo sa probinsya? Galing ako sa inyo sabi ng kaboardmate mo, umalis ka daw. Mabuti nalang bumalik ka agad. Ang tagal kitang hinintay eh." Pupunas punas pa ko ng nagpapaunahan kong luha.
Hinawakan niya ko sa pisngi. "Okay naman na si Nanay. Pasensya kana kung umalis ako. Marami lang akong iniisip noon simula ng mamatay si Papa kaya hinanap ko muna ang sarili ko. Patawarin mo ako." Nagsimula narin siyang maiyak.
Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Okay lang yun. Ngayon, bumalik kana maaari bang sabay nating tuparin ang mga pangarap natin?"
Tumango lang siya bilang pagsang ayon. Pareho kaming napangiti, bumalik na siya. Si Toffee na minahal ko. Si Toffee na minahal ako.
Sa mga oras na to ay wala akong ibang nararamdaman kundi saya. Magkahawak kamay naming tinungo ang boarding house nila at naligo kami sa ulan. Hindi ko na naalintana ang malakas na hangin na nagpapanginig ng aming katawan. Sa totoo nga niyan, feeling ko ang romantic ng eksenang ito. Yung para bang sa mga pelikula pagpatapos na ang istorya.
Nawala ako sa pagmuni muni ng bigla niya kong hawakan sa magkabilang pisngi and the moment i knew, his lips met mine.
Ang sarap ng halik niyang iyon. Kasing tamis ng aming unang pag ibig.
Ngunit akala ko lang pala yun dapat dumating na ang "bago" niya.
"Seryoso ba to? Toffee, ano? Totoo ba to?" Kaharap ko ang kumag na nagsasabi na siya ang bagong partner nitong mokong na to.
Kumamot lang ng ulo si Toffee at litong lito.
"Ako ng partner niya sa Manila." Dagdag pa nito.
"Pwes bumalik ka ng Manila!!" Halos magtatalsik talsik na ang laway ko sa galit na nararamdaman ko. Agad naman itong umalis!
"Ikaw namang mokong ka, hindi mo man lang sakin sinabing may jowa ka pala." Pinagpupukpok ko pa siya sa dibdib niya at nag iiyak na parang bata.
"Siya kasi yung nasandalan ko nung lugmok na lugmok ako sa kalungkutan eh. Hindi ko intensyon pero nahulog na pala siya at naobsess. Nakipaghiwalay na ko dun maniwala ka pero ayaw niya parin akong tantanan."
"Ayusin mo to! Sinasabi ko sayo." Magwo walk out na sana ako ng bigla siyang yumakap sa likod ko.
"Mahal kita Jhay."
"Mahal din kita Toffee at nasasaktan ako."
"Im sorry."
"The damage has been done."
"HINDI mo ba talaga kami lulubayan? Jusko. Pagod na pagod na ko sayong kumag ka." Ang aga aga binibwisit ako. Nasalubong ko siya habang papunta ako kela Toffee. "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga ng Manila. Diba, hiniwalayan kana ni Toffee. Tapos na kayo! TAPOS NA! Gusto mo bang sampalin pa kita?"
Tbc. 🍏
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.