Van

1.7K 33 2
                                    

"It's not working and it's never gonna work." Jhay said then he left. I run towards him pero tinabig niya ang kamay ko sa braso niya.

"Jhay no, please. Don't do this to me." Iyak lang ako ng iyak pero hindi man lang siya lumingon para tignan ako. Ibang iba na siya sa jhay na kilala ko. Yung jhay na minahal ko. Yung jhay na minahal ako!

"Sa tatlong buwan na pinagsamahan namin bigla siyang nagbago. Ang init ay biglang nagyelo na siyang sobrang nakakasakit sa puso at damdamin ko." Text ko sa kaibigan.

"Baka may pinag iinitang bago?"

Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. Si van, yung kaibigan ko. Hindi ko napigilan ang luha ko, bumagsak na ito ng tuluyan sa lamesa kung saan ako ngayon naroon sa bar na ito. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.

"Wag kana umiyak adam. He's not worth it!"

"Ang sakit palang maiwan ng walang dahilan." Sabay lagok ko ng alak na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagbagsak nito.

"Okay lang yan. Kasi kung hindi masakit, hindi totoo. Nagmahal ka lang."

Lalo akong naiyak at niyakap ko ang kaibigan ko.

May mali ba sakin?

Nagkulang ba ako?

Ano ba?!

Inubob ko ang mukha ko sa braso kong nakapatong sa lamesa habang patuloy sa paghagod ng likod ko si van.

"Aray naman!!" Pagmamaktol ko ng binatukan niya ko. "Bakit ba?!"

"Tinuktukan lang kita para magising ka sa katotohanang, hindi kana niya mahal!"

Sinapok ko nga ang gago. Tang inang to! Kaibigan ko ba talaga ko. "Salamat ha?! Ang laki mong tulong." Tapos ay tumayo na ko at lumabas. Uuwi na ko!

Hinabol niya ko na siya namang pagtakbo ko.

"Gago ka adam! Bakit kaba natakbo?" Sigaw niya.

Humarap ako. "Bleeeee!" At takbo ko ulit.

"Gago ka. Pagnahabol kita tatamaan ka saking hayup ka!"

Tawa lang ako ng tawa at minsan ay humaharap ako sa kanya para asarin siya. Lalo akong natawa ng makitang badtrip na badtrip na ang mokong kong kaibigan.

"Tarantado ka talaga!" Sigaw niya. "Hindi pa tayo nagbabayad!"

Napatigil ako sa pagtakbo at lumapit sa kanya. "Talaga?"

Bigla niya kong sinuntok sa balikat. Ang lakas lakas! At syempre, ang sakit sakit.

"Joke lang!" Sabay hagalpak niya ng tawa. Napaka tarantado talaga.

Sinapak ko siya sa mukha. "Gago ka talaga."

Napaupo siya sa kalsada at nakita kong dumugo ang ilong niya. Nagpanic ako at umupo sa harap niya. "Hala. Sorry van, im really sorry." Kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ko at pinunas ito sa nagdudugo niyang ilong. Naramdaman ko ang paglapat ang kamay niya sa kamay ko, bigla akong kinabahan kasabay ng pagdugdug ng puso ko. Pinahawak ko sa kanya ang panyo at tumayo ako. "Uwi na tayo."

Mula sa likod ay niyakap niya ko. "Kailan mo ba ko mapapansin? Nasasaktan ako pagbinabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko."

Natigilan ako at kumalas sa yakap niya.

Madaling mahalin si van pero ayokong magtake advantage dahil lang sa mahal niya ko. Van, deserves someone better than me. Kahit ang totoo, ay gustong gusto ko siya kaya lang mas pinili kong maging kaibigan niya, i know in that way, dun kami mas magtatagal.

Sa isang Sulok ng Mundo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon