LYLS Final Chapter

3.1K 48 3
                                    

IVO:

Nakatulala sa bintana. Nakatingin sa maliwanag na ningning ng mga bituin, humihiling na sana siya'y magising.

Pinunasan ko agad ang luhang pumatak sa aking pisngi.

Napatingin ako sa relo ko. 10:51 PM

Nakaramdam na ko ng antok pero hindi ako makatulog.

Naupo ako sa upuan sa gilid ng kama, kung saan nakahiga si lancer sa ospital na ito.

Oo, naka-confine siya. At pangatlong gabi ko na dito pero hindi parin siya nagigising.

Hinawakan ko ang mainit niyang kamay, iniisip ko na baka bumabawe lang to ng tulog. "I miss you. Please, wake up." Hindi ko na napigilan ang luha kong nagpatuloy na sa pagbagsak. Nilagay ko ang palad niya sa pisngi ko at inalala ang mga nakaraang araw kung saan palagi kaming magkasama. Masaya. Nakangiti siya na parang walang nararamdaman.

"Lancer .. Please .." Hanggang sa nakatulog nalang ako.

Nagising akong may humahawi sa buhok ko. Napatingin ako kay lancer. Nakangiti siya saken. "Goodmorning ivo."

Niyakap ko agad siya. "Thanks god, gising kana." Naiyak ako sa sobrang tuwa. "Kamusta ang pakiramdam mo? Okay kanaba?"

"Hindi pa. Pero huwag ka ng mag alala! Kaya ko to." Tapos ay ngumiti pa siya.

"Mahal kita. Hindi ko kakayanin pag nawala ka lancer!" Napahagulgol na ko at niyakap siya.

"Hindi naman ako mawawala. Alagaan mo ang sarili mo huh? Because loving ... "

"Loving yourself is loving safe." Sinabayan ko na siya sa sasabihin niya at nagngitian kaming dalawa.

"Thank you for everything that you've done to me." Pinunasan niya agad ang luhang pumatak sa gilid ng mata niya. "In short period of time na nakilala kita, it feels like .. Forever! Thank you ivo."

"Tumigil ka nga! Ayoko ng mga ganyan!" Pagpigil ko sa kanya. Alam ko na to eh! Punas ako ng punas ng luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Ivo, promise me that you'll take good care of yourself. Lived happy, okay? Salam -- " kasabay ng pagbagsak ng luha niya ang pagpikit ng mata niya.

"Lancer please!!! Lancerrrr." Niyakap ko siya at napasigaw ng pangalan niya. Ang bigat bigat na ni lancer at lumalamig na ang katawan niya. "Nurseeee! Nurseee." Pagsigaw ko.

Pinalabas na ko ng kwarto at sinubukan ng i-revived si lancer habang nakatingala lang ako sa bintana, humihiling. Hirap na hirap na si lancer at sobrang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko pero ayaw kong bumitaw si lancer. Hindi ko kaya!

"Ivo.." Niyakap kaagad ako ni gio.

"Gio, si lancer. Hindi ko kaya eh! Giooo." Tapos ay nawalan na ko ng malay.

"Ivo." nakita ko ang mukha ni lancer na nakangiti sakin. Niyakap ko agad siya.

"Nasaan tayo?" Tanong ko habang nililibot ng mata ko ang loob ng bahay na ito.

"Andito tayo sa bahay ko." Nakangiting sagot niya.

Sa loob ng isang cabinet ay may kinuha siya at inabot sa akin. Isang notebook. Binuksan ko agad ito at binasa.

How can i reduce my risk of becoming infected with HIV through sexual contact?

- ABSTINENCE. Not having sex is always the best option. Ngunit, kung ikaw ay sexually active, pwede mong protectahan ang sarili mo sa HIV by PRACTICING SAFE SEX. Whenever you have sex, laging gumamit ng condom. When used properly and consistent, condoms are very effective in preventing HIV.

Are some people at greater risk of HIV infection than others? (HIV does not discriminate)

- Ang HIV ay pwedeng mapasa kahit kanino ng kahit na sino. Lalaki man o babae, bata o matanda. It is not who are but what you do that determines whether you can become infected with HIV. Samantala, the fastest rising infection rates are new found among men who have sex with men, who comprised 53% of those newly infected with HIV in 2006; a third of those men were perhaps like you who is under 30 years of age.

"Ano to?" Tanong ko kay lancer.

"It will help you and gio to educate everyone, to help them rather." He answered.

"Pero lancer?"

"Help them ivo. It's relevant nowadays lalo na sa mga katulad nating attracted sa same sex tsaka ivo, salamat." Tapos ay niyakap niya ko. "Sa lahat lahat tsaka mauuna na ko." Tapos ay lumakad siya hanggang sa hindi ko na siya nakita.

"Ivo. Ivo!" Paggising sakin ni gio.

Niyakap ko kaagad siya habang umiiyak. "Gio. Si lancer .. Iniwan niya na ko!" Napahagulgol na ko.

"Shh .. isipin nalang natin na nasa mas mabuti siyang kalagayan. Tahan na bes." Umiiyak si gio.

"Gio .. Ano nang gagawin ko?" Iyak lang ako ng iyak.

"Kaya mo yan beks." At pinahid niya ng palad niya ang tubig sa gilid ng mata niya. "Wala na yung pinakamabait, pinakamatalino at pinakagwapong counselor ng clinic namin." Nagsimula naring umagos ang luha ni gio.

"Beks, gusto ko mag-volunteer."

"Sigurado kaba?"

"Oo, pero bago yun samahan mo muna ako sa bahay ni lancer." At hinila ko na siya.

Itinuro sakin ni gio kung saan nakatira si lancer. Pumasok kaagad kami sa loob nito at hinanap ang cabinet na nakita ko sa panaginip ko at ng makita ko ito ay bumungad sakin ang notebook na iniabot sakin ni lancer sa panaginip ko. "Tama! Ito nga yun."

"Ivo?! Ano yan?! Ba't ka nangingielam jan?" Pagsaway sakin ni gio.

"Gio, binigay niya to saken." Angat ko ng notebook na hawak ko.

"Huh? Paano?" Pagtataka niya.

"Nagpaalam siya sa panaginip ko at inabot niya sakin ito. Itong makakatulong sakin para mapag aralan ko ng maayus ang sakit na umagaw saken kay lancer na sana ay naiwasan niya agad." Nagsimula na namang umagos pababa ang luha ko. "At simula sa araw na ito, magsisilbi akong inspirasyon para makatulong sa iba."

The end ~

Sa isang Sulok ng Mundo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon