Loving yourself is loving safe

2.7K 43 8
                                    

IVO CRUZ ~






Anong gagawin mo pag one day you found out na you only have 30 days remaining to live. To stay in this world?


Nagtatanong tanong ako sa dalawampung gay at bi na nakasalubong ko sa daanan. Labing pito sa kanila ang nagsabing ilalaan ang natitirang mga araw nila para makasama ang mga mahal nila sa buhay. Ang dalawa sa kanila ay sinabing, mag aasikaso ng mga dokumento para hindi mahirapan ang mga kapamilya nila in case na mawala sila. Praktikal. At ang isa, alam mo, sabi niya; araw araw siyang magpapasalamat kay god.


Napa isip ako.


Magpapasalamat kasi 30 days nalang ang binigay niya sayo? Diba, parang ang selfish nga niya? Kase binuhay ka niya tapos all of a sudden bigla ka nalang niyang kukunin? Pero in some point, tama siya. Pero may point din naman ako diba? Alam mo yung feeling na nag apply ka ng work tapos lahat ng need na requirements mo, napasa mo na. Nakapagpa medical kana, nakapag training tapos work schedule nalang ang kailangan mo para makapag work kana tapos bigla ka nalang sinabihan na tatawagan ka nalang? Tapos naghintay ka ng pagkatagal tagal. Yun pala, binasura kana. Pinaghintay ka sa wala, nagmukha ka pang tanga pagkatapos mong mag invest ng time, effort and money bigla ka nalang iiwan sa ere.


Yun bang sobrang saya mo na tapos biglang VIOLA! Joke lang ang lahat.


Ang dami ko na atang nasabi sa simpleng tanong kong ito. Hahaha.


Nakakalungkot kasing isipin na you only have zero peso in your account please reload and bla bla bla bla. Mali. Mali! Hindi yan. Nakakalungkot kase na what if, 30 days nalang ang natitira sayo. Isipin mo palang parang maiiyak kana. Ewan ko ba, bakit ito ang napili kong istorya.Pero nung nalaman ko yung kwento niya, i realized na tama siya. Mahalaga ang bawat araw, minuto, segundo sa buhay ng tao kaya dapat ginagamit natin ito sa tama at may katuturang bagay dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lamang ito.Oh, sige na. Iki kwento ko na.


🍏


"Hays! Ano ba tong story ko? Ang hirap!" Sabi ko at napasandal nalang ako sa upuan ko.Mukhang tanga kasi tong si rica. Siya nag isip ng title na ito. Magkasama kame sa isang writing workshop.


"Rica!" Sigaw ko sabay kaway sa babaeng nasa kabilang sidewalk ng kalsada. Kumaway din ito sakin at patakbong lumapit sa akin.


"Sorry late ako. Nagpunta pa kasi ako kela drew."


"Project muna bago lande bes." Sabay tawa ko sa kanya na siya naman pag irap sakin ng gaga.


"Tsee! Oh, sige na ivo. Jan kana! Gotta go. Text you later." At naghiwalay kame sa gitna ng kalye at nagkanya kanya na para magtanong tanong.


Nahihirapan ako. Hindi ako sanay sa ganito! Sa sobrang daming tao tapos may bonus pa, magtatanong pa ko. Hays! Pero i need to do this. Deadline na nito next week. Ayokong bumagsak or what.


"Kuya, wait. Hindi ako mamamalimos! I just want to asked you something." Sa 48 thousand na dumaan sa harap ko. Sa wakas, pang last ko ng taong tatanungin. Pang 20 na! Yehey.


Tiningnan niya lang ako at bigla akong dinaanan. Wow huh? Na seenzoned ako. Literal!


Nilampasan niya ko pero bago pa man siya makalayo, sumigaw ako. "Anong gagawin mo kung you only have 30 days to live?"


Napahinto siya at tumingin sa kinaroroonan ko at unti unting lumapit sakin.


Napalunok ako ng laway at napaatras. Parang gusto ko ng tumakbo kahit ang lapit niya na at ang seryoso ng mukha niya. Kahawig siya ni Ian Veneracion! Gusto kong kiligin pero huwag ngayon.


Sa isang Sulok ng Mundo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon