Pinunasan ko agad yung luhang pumatak sa pisngi ko at pilit pinatatag yung sarili ko kahit parang matutumba na ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Hindi. Hindi gideon! Hindi ako papayag. Mahal na mahal kita eh!" Patuloy ang pag agos ng luha niya.
"Magiging daddy kana. You should be happy! Kailangan mo ng mas maging matured. Huwag mo kong alalahanin. Kaya ko! Kilala mo ko, wala akong hindi kinakaya diba?" Tapos ay ngumiti pa ko. Ang sakit sakit na. Ngayon palang, parang hindi ko na kaya!
Ako pa mismo ang nag impake ng mga gamit niya para pumunta kela kaye at panagutan ang magiging anak nila. Hinatid ko pa siya mismo sa harap ng bahay nila kaye, pero bago pa man dumating si kaye ay umalis na ko. Sa di kalayuan ay tinatanaw ko si gino habang naghihintay, nakita ko ang babaeng lumapit sa kanya. Marahil ito si kaye. Maganda si kaye at mukhang mabait. Napangiti nalang ako, kahit papaano hindi ako pinagpalit ni gino sa kung sino lang. Kanina pa ko punas ng punas gamit ang palad ko sa basang basa kong pisngi dahil sa di maubos ubos kong luha.
"Okay ka lang?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses sabay abot nito ng panyo sakin. Inabot ko naman ito, napansin ko pa ang pangalang naburda na panyo. Adam.
Pinunas ko ito sa magkabilang pisngi ko, gusto ko pa sana suminga pero nahiya ako kaya binalik ko na. "Thanks adam."
Pagkauwi ko ay inihagis ko ang katawan ko sa kama at iniyak ko lahat lahat ng sama ng loob ko, parang mamatay na ata ako sa sakit ng nararamdaman ko. Pero alam kong tama ang desisyon ko! Alam ko na dapat huwag akong masyadong malungkot dahil mukha namang mahal ni kaye si gino.
Isang araw, isang linggo, isang buwan hindi ko parin maibalik ang dating ako. Yung ako na palangiti, yung ako na parang walang problema, yung ako na masaya. Ngayon kasi palagi akong tulala, may malalim na iniisip at minsan hindi makausap. Kailan ko ba maibabalik yung AKO na nawala nung pinakawalan ko si gino? Na alam ko, na ako lang ang makakasagot pero hindi ko masagot sagot.
Isinubsub ko ang sarili ko sa trabaho. Gusto ko kasi uuwi nalang ako para matulog pero madalas, nahuhuli ko ang sarili kong umiiyak at binabanggit ang pangalan ni gino.
Alas onse na ng gabing iyon ng napabalikwas ako ng gising dahil ay kumakatok sa pinto. "Saglit lang." Sabi ko.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Akala ko ay namamalikmata lang ako kaya kinusot kusot ko pa ang mata ko. "Gi .. Gino?"
Sinunggaban niya agad ako ng halik sa aking labi. "Sobrang na-miss kita gideon!" Tapos ay halik niya ulit sa akin.
Sumaya ako ng mga oras na yun at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "Sobrang na-miss din kita gino. Kamusta na kayo ni kaye?"
Natigilan siya pero gusto ko lang malaman yung kalagayan niya sa bahay nila.
"Okay lang naman kami dun. Sa august, manganganak na siya." Sagot niya.
Nakaramdam ako ng kirot pero sa kabila nun ay nakaramdam din ako ng saya para kay gino dahil mukhang excited siyang makita ang magiging anak niya.
"Ninong ka huh?" Dagdag pa niya.
Napangiti nalang ako.
Sa kabila ng pagsasama nila ni kaye ay lihim kaming nagkikita ulit. Oo, pumayag ako. Hindi ko pala kayang mawala sakin si gino. Oo, muli akong nakihati. Sa atensyon, panahon at pagkakataon.
Masisisi mo ba ko? Pero nagmamahal lang ako. Pilit kong iniisip na tama ang mali na ginagawa ko pero pagsumaya kaba sa MALING DESISYON, MALI parin ba yun?
Tinanggap ko na sa sarili ko na ITO lang ako sa buhay ni gino. Isang KAHATI.
No one deserves to become the 'other man.'
Pero minsan mapagbiro ang tadhana, minsan ito ang iyong tadhana.
We made our own destiny but we can't control our lives.
Naging okay naman ang aming lihim na pagsasama. Nakuntento naman ako at hindi na nagreklamo pa.
"Nanganak na si kaye. Babae!" Balita niya sakin pagkapasok niya ng bahay. Mangiyak ngiyak siya, hindi maitago ang sayang nararamdaman niya at naging masaya naman ako para sa kanya.
Minsan ay dinadala niya sa bahay ang baby girl niya at masaya kaming parang isa ring pamilya. Hanggang sa lumipas na nga ang taon, nakita ko narin ang paglaki ng anak ni gino at tinatawag akong tito. Masaya narin naman ako lalo na pag nakikita kong masaya si gino.
7 years.
7 years na pala ang nagdaan pero hindi ko namalayan dahil naging abala ako sa paglaki ni gidgette. Pangalan ng anak ni gino, nung una ay gusto kong itanong kay gino kung bakit gidgette pero nahiya ako. Ano ba tong naiisip ko? Feeling ko kase may koneksyon ako. Oo, ang assuming ko.
"Gideon?" Napatingin ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko. Boses ng isang babae. Paglingon ko, nakita ko si kaye. Hindi ako pwedeng magkamali, si kaye to.
Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Parang biglang nataranta yung braincells ko. Nakaramdam ako ng takot baka bigla nalang akong sabunutan nito. Nandito pa naman kami sa loob ng mall, nakakahiya kung biglang may eksena.
Hinawakan niya ko sa kamay. "Don't worry. Alam ko. Naiintindihan ko."
I feel relieved that time pero syempre, naiilang parin ako.
Dumiretso kami sa isang restaurant at kumaen. Magkaharap kami. Siya ang bumasag ng katahimikan.
"Alam mo nung una nagalit ako kay gino kase akala ko niloloko niya ko. Pero kumpara sa ibang babae, matinik ako. Matalino. Kaya inalam ko muna ang totoo at ipinaintindi ito sakin ng kaibigan niyang si adam. Sorry huh?" Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya pero parang natutuyuan ako ng lalamunan at walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"Matagal na pala kayong nagsasama ni gino bago pa man niya ko makilala at di kalaunan ay nabuntis. Sorry talaga gideon, hindi ko alam." Pinunasan niya agad ang luhang pumatak sa pisngi niya.
"Nag usap na kami ni gino. Since malaki naman na si gidgette at kahit saang aspeto ng pagiging ama ay hindi siya nagkulang gusto ko sana, this time yung gusto naman niya yung sundin niya." Dagdag niya.
"Mahal na mahal ka ni gino. Kaya pala ayaw niya kong pasakalan kasi ikaw ang mahal niya. Nung una nagalit ako sayo pero nung mag usap kami ni gino, alam ko, ramdam ko na mahal na mahal ka niya. Ganun din kase ako sa kanya. Kaya pala gidgette yung pinangalan niya sa anak namin, sayo niya pala sinunod." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Alam ko ng nagsasama kayo ni gino sa kabila ng pagsasama namin. At ngayon, napagdesisyunan kong hindi mo na kailangan pang makihati dahil ipauubaya ko na siya sayo gideon. Sapat na yung panahong binigay mo sakin at sobrang nagpapasalamat ako doon. Sana ay alagaan mo ng mabuti si gino huh?"
"Maraming maraming salamat kaye. Buong buhay ko hindi ko to inasahan. Maraming salamat talaga."
"Maraming salamat sayo gideon."
🍏
"Ang singsing na ito ay simbolo ng walang hanggang pagmamahal ko sayo gideon. Sorry sa lahat ng pagkukulang, pagkakamali at salamat sa walang sawang pag-stay sa tabi ko. Sana ay samahan mo pa ko sa hanggang sa ating walang hanggan. Will you marry me?" Nakaluhod at umiiyak at may hawak na singsing na sabi ni gino.
Hindi ako makapagsalita. Nakatayo lang ako sa harap niya at nakatingin sa kanyang namumulang mga mata at kumikislap na tubig sa gilid nito. "Yes gino. I will marry you." At niyakap ko siya. Mahigpit. This time, oras naman namin and I'll make sure na hinding hindi ko ito sasayangin.
The end ~
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomansaIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.