Loving yourself is loving safe: GIO ~
"Lumaban ka. Kaya mo yan!" umiiyak na niyugyog ko ang bestfriend kong si joshua na nakahiga sa kama niya dito sa ospital.
"Pagod na ko bro." pilit ang ngiti niya saken habang patuloy sa pagpatak ang luha niya.
Huli na ng malaman naming infected pala siya, bumagsak na ang immune system niya. Ang payat payat na ni josh, nahihirapan na din siyang kumaen at araw araw akong pinapatay pagnakikita kong nahihirapan siya.
"Josh, josh naman! Walang ganyanan." nakapikit na nakangiti si josh. "Bakit nakukuha mo pang ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman mo?"
"Iniisip kase kita at sa isip ko, nakangiti ka saken."
Napangiti ako at sinapok siya ng mahina sa braso.
"Yan! Ganyan. Gusto ko palaging kang nakangiti gio."
"Josh, labanan mo huh? Andito lang ako para sayo at niyakap ko siya. Mahal na mahal kita!" nabigla ako sa nasabi ko pero okay narin to. At least nasabi ko.
"Mahal mo ko? Nakoo. Bat ngayon mo lang sinabi kung kailan mamamatay na ko? Haha."
"Josh naman! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan."
"Ang tanga ko. Nasa harap ko lang pala yung taong matagal ko ng hinahanap hindi ko man lang nakita. Patawarin mo ko gio. Hindi ako nag ingat! Pero alam mo ba, matagal na din kitang mah --
"Josh! Josh. Joshuaaaaa." nagsimulang pumasok ang parents ni joshua galing sa labas ng room. Nagpanic na ko dahil nag flatline na. "Doc! Docccc!!" sigaw ko palabas ng room niya.
"Doc please."
"We'll do everything we can."
Dasal ako ng dasal ng mga oras na yun.
Sinimulang i-survive si joshua pero wala na. Wala na! Tuluyan niya na kaming iniwan.
Halos magpakamatay na ko nung nawala si josh pero my parents told me to keep moving.
Kaya dinala nila ako sa testing clinic na ito at sinulat ang pangalan ko para maging volunteer. In that way, i have a chance to help other people para maagapan kaagad ang maaaring sakit na meron sila, na hindi ko nagawa nung buhay pa si joshua.
Simula nun ay unti unti akong nakakarecover sa pagkawala ni josh. Unti unting nagkaroon ulit ng direksyon ang buhay ko. Dahil sa StaySafe Clinic na ito.
Itutuloy ...
A/N: Thanks for adding this story to your library. I appreaciate! Labyu guys. 💕
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.