Part 2
"HINDI mo ba talaga kami lulubayan? Jusko. Pagod na pagod na ko sayong kumag ka." Ang aga aga binibwisit ako. Nasalubong ko siya habang papunta ako kela Toffee. "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga ng Manila. Diba, hiniwalayan kana ni Toffee. Tapos na kayo! TAPOS NA! Gusto mo bang sampalin pa kita?"
Nagulat ako ng lumuhod ito sa harap ko at kumapit sa tuhod ko at nagmakaawang ibalik ko na sa kanya si Toffee. Halos maghalo na ang uhog at luha ng batang ito na sa tingin ko'y disi-syete pa lamang sa taglay na ka-cute-an. "Mahal na mahal ko kasi siya eh." Dagdag pa nito.
Tinulungan ko itong makatayo at inabot ang panyo. "Alam mo jacob, bata kapa. Marami kapang makikilala. Marami pang taong darating sayo. Kaya lang napalapit sayo si Toffee nung nasa Manila kayo at dahil gusto sana niyang takasan ang kalungkutan niya nung namatay yung Papa niya and I want to thank you for helping him to move on. Sa ngayon ang dapat iniisip mo ay ang pag aaral mo. Pwede mo naman siyang makita anytime and this time, hindi na kita pagbabawalan."
"Talaga Kuya Adam?"
"Oo naman." Ngumiti pa ko.
Nagkasundo naman kami ni Jacob, na off limit siya of course sa any partner activities kung hindi, pasasabugin ko talaga mukha niya. Im damn serious!
Pero minsan, pagmagkasama ang dalawa napapraning talaga ako kahit alam ko naman sa sarili kong mapagkakatiwalaan si Jacob at ang Toffee ko.
"Tama ba tong ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili ko hindi kase ako makatulog dahil magkasama ang dalawa.
Dumiretso ako ng boarding house nila Toffee.
Pagdating ko doon ay kakatok sana ako ngunit nakita kong bukas ito kaya dumiretso na ko sa kwarto ni Toffee. Nakita kong naghahalikan ang dalawa. Natakpan ko agad ng palad ko ang bibig ko dahil naiyak agad ako.
Nagkagulo ang utak ko sa kung ano bang dapat kong gawin. Nakita ko ang kutsilyo, handa na kong patayin silang dalawa dahil parang pinatay naman na nila ako sa ginawa nila.
Madiin ang paghawak ko sa kutsilyo ng may kumapit sa pulso ko. Si Jomer, kaboardmate niya. Umiling ito na para bamg nagsasabing huwag kong sundin ang demonyo sa isipan ko.
Hinila ako nito palabas ng bahay, palayo sa lugar na ito.
Dumating kami sa plaza at naupo sa isang concrete bench doon. Doon naiyak na ko ng sobra. Niyakap niya ko at hinagod ang likod ko.
"Huwag kang gagawa ng bagay na makasisira ng buhay mo. Pag napatay mo ba sila, magiging masaya ka? Hindi. Kahit saang anggulo, talo ka jhay. Talo ka!"
"Ang sakit sakit kasi Jomer eh. Ang salit sakit! Parang pinupunit yung puso ko sa nakita ko kaya hindi ko napigilan."
"Mabuti nalang dumating ako, kundi baka..."
Hindi na ko nakapag isip. Para pigilan siya sa bagay na masasabi niya ay nalapat ko na ang labi ko sa labi niya. Shocks!
Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagsimulang tumakbo.
Tang ina.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nawala lahat ng galit ko at napalitan ng hiya sa nagawa ko kay Jomer.
Straight kasi si Jomer at tumakbo ako kasi alam kong sasapakin niya ko dahil sa ginawa ko.
DUMATING si Toffee sa bahay pero casual ko lang siyang kinausap na para bang walang nangyare at tipong isa na lamang siya sa aking mga kakilala.
Nagtaka siya sa kilos kong yun.
Hinawakan niya ko sa braso. "May problema ba tayo?"
"Tapatin mo nga ko, mahal mo ba si Jacob?"
"Ah, eh. Hindi!"
Hindi ako natuwa sa sagot niya dahil nag isip pa siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya ng paglakas lakas.
"Masyado kang obvious. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog, malulunod ka."
"Ano bang sinasabi mo?!" Galit na sigaw niya sakin.
"Nakita ko kayong naghahalikan sa kwarto mo." Halatang nagulat siya sa tinuran ko. "Kung mahal mo siya, panindigan mo. Wala kang itlog!"
Lalanding sana ang suntok niya sa pisngi ko kaya napapikit ako pero hindi ito nangyare. Pagmulat ko, nakita kong hawak na ni Jomer ang kamay ni Toffee.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jomer.
"Kaya pala ang lakas ng loob mo! Ano? May relasyon din kayo?" Sinuntok siya ni Jomer kaya napapwesto ako sa gitna nila para awatin sila.
Tbc. 🍏
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.