Nakapagtrabaho ako bilang isang service staff sa isang restaurant dito sa Morato at nangupahan. Sa pagtatrabaho ko doon sa nasabing restaurant ay nakilala ko si gino na natapunan ko pa ng dala dala kong baso ng juice. Hiyang hiya ako sa nangyare at sobrang kinakabahan kaya naman agad kong kinuha ang towel sa bulsa ko at pinunas ko sa damit niyang natapunan ko.
"Okay lang." Pagpupumigil niya sa kamay ko habang pinupunasan ko ang kanyang polo.
"Pasensya na kayo sir. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." Abot abot langit kong paghinge ng dispensya.
Ngumiti siya at sinabihan akong huwag na daw akong mag alala.
Sa ngiting yun ay napagtanto ko kung bakit masarap mabuhay.
Ilang araw ko ding hinintay ang kanyang pagbabalik pero hindi ko na siya nakita ulit kaya hindi na ko umasa pa.
Lumipas ang isang linggo, sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Umuulan ng gabing iyon, pauwi na ko ng bahay ay sumilong muna ako dahil sa paglakas ng buhos ng ulan. Nagulat ako sa lalaking sumunod na sumilong, basang basa na siya, natulala ako sa nakikita ko. Iniisip na baka hindi ito totoo. Kaya naman ay kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.
"Uyy! Ikaw pala." Nakangiting bati niya.
Hindi ako nakasagot agad. Ewan ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sabay lakas ng kabog nito.
"Okay ka lang?" Pinatong pa niya ang kamay niya sa balikat ko.
Nailang ako kaya umatras ako ng konte kaya nahulog ang kamay niya.
"Ahm .. Sorry."
"Hindi. Hindi! Okay lang."
"Gino!" Sabay lahad niya ng palad niya.
Inabot ko ito. "Gideon."
"Ahm .. Taga rito ka lang din?"
"Ah, oo. Nangungupahan ako jan sa kabilang kanto." Turo ko pa sa kanya ng way na dapat kong daanan pauwi.
"Ah, talaga. Pwede ba kong makitulog? Di kase kase kami nagkaintindihan ng papa ko kaya ayaw kong umuwi dun."
Nabigla ako sa sinabi niya at pinag aralan yung mukha niya. Hindi kasi ako masyadong nagtitiwala. It's better to be safe than sorry! Ika nga nila. Pero base naman sa appearance ni gino, branded ang damit, ang jeans, shoes pati itsura mukhang imported.
"Oh, sige. Pero uunahan na kita, hindi kagandahan yung place ko."
Umaliwalas naman yung mukha ni gino halatang nabunutan ng tinik kaya napangiti nalang din ako.
"Babayaran nalang kita sa sahod ko. Nga pala nagta trabaho ako dun bilang accounting staff." Turo niya sa mataas na building na tingin ko ay mga isang kilometro ang layo.
Nang tumila ang ulan ay tumuloy na kami sa place ko. Pagbukas ko palang ng pinto ay nailang na ko sa bisita ko, ngayon ko lang narealize na napakakalat ko pala.
"Hehe. Pasensya kana ha." Pagngiti ko nalang sa kanya.
"Okay lang, ikaw lang siguro mag isa dito tapos nagtatrabaho kapa, naiintindihan ko. Syempre lalaki ka eh." Parang bigla naman akong nahiya dun.
Naglinis muna ko ng slight at nagluto ng makakain ng hapunan at pinaupo siya sa kama ko kase maliit lang naman yung room ko kaya pagpasok mo, kama agad; napansin ko si gino dun nakatulog na pala siya kaya naman nung natapos akong magluto ay ginising ko na siya para kumaen, tumayo naman siya at naupo sa dining area.
"Pasensya kana gid, napagod kase ko. Kanina pa kase ko nagtatanong tanong sa mga kaibigan ko pero ikaw lang yung nagpatuloy sakin sa bahay. Salamat ha." Natouch naman ako.
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.