Man of my dreams

2.2K 35 4
                                    

Part 4

Bigla akong bumalik sa katinuan, pagmulat ko ay nasa gilid na ko ng kalsada napatingin ako sa nakayapos sa akin. Si Aldrin! Napatayo ako bigla. Shit.

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Galit na usal niya.

"Di ko alam. Nung hinatak mo ako tsaka lang ako nagising."

"Ano?!!!! Hays." Halatang dismayado siya. "Niligtas ligtas ka ng kuya ko tapos ito lang yung gagawin mo." Halos magsisigaw na siya at tumingin ng masama sa akin.

"Di ko nga alam! Tsaka lang ako natauhan nung natumba na tayo. Ikaw? Anong ginagawa mo di..." di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil obvious naman na nagja-jogging siya.

"Ingatan mo yung buhay mo, wag mong sayangin yung buhay na isinakripisyo sayo ng kuya ko! Wala kang kwenta." Biglang nagpantig ang tenga ko kaya walang kaabog abog na sinuntok ko siya.

Para kaming mga batang nagsusuntukan sa kalye mabuti na lamang at walang masyadong dumadaan sasakyan dito dahil sa liblib na ito.

"Lorenzo!" Sigaw ni Mama.

Bigla naman inawat kame ni Papa. "Ano ba kayo?! Para kayong mga bata!"

Hindi na ko nagsalita. Napaiyak nalang ako sa sobrang sama ng loob! Hindi ko naman intensyon magpasagasa pero masyadong masakit yung mga salitang binitawan ni Aldrin. Aalis na sana ako ng bigla akong napahinto sa narinig ko.

"Yan kasing anak niyo! Gusto atang magpakamatay."

Nabakas ko sa mukha nila Papa ang galit at pag aalala at nagulat nalang ako sa sumunod na nangyare. Sinampal ako ni Papa.

"Lauro!" Sigaw ni Mama sabay kapit kay Papa. Niyakap naman ako ni Stella at gulat na gulat si Aldrin sa kanyang nakita.

Tumakbo ako pabalik ng tinutuluyan namin. Nag impake na ko ng gamit ko, gusto kong umalis. Pero napatigil ako, wala nga pala akong ibang mapupuntahan kaya napaupo nalang ako sa kama at iniyak ang lahat.

Ano ba tong nangyayare sa buhay ko?

Nakaramdam ako ng pagyakap. Ito na naman! "Alvin ano ba?! Tama na. Pagod na pagod na ko eh! Apektado na lahat. Studies ko at ang pamilya ko. Wala ng natitira sakin."

"Andito pa ko." Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa narinig ko at nakaamoy ako ng mabaho. Yung amoy ng parang hayop na naaagnas. Nagulat ako ng biglang may kung anong nakakapit sa pulso ko at natihaya ako sa kama.

"Hindi ikaw si Alvin! Umalis ka." Pagsigaw ko ngunit parang walang nakakarinig sa akin.

Buong lakas kong nilalabanan kung ano man itong nasa ibabaw kong hindi ko nakikita.

Tumakbo ako kela Mama at sinabing may kung ano sa kwarto ko.

Nagulantang sila ni Papa at nag alala si Stella at nakita ko din doon si Aldrin. Nang makita nila akong namumutla at halos maligo sa pawis.

"Engkanto. May engkanto dito!"

Bigla akong kinilabutan sa narinig ko. Mula sa bulsa niya may winasiwas siya. Isang tubig. Nang gawin niya yung ay parang biglang gumaan ang pakiramdam namin sa bahay.

"All this time, isa pala yung engkanto?"

"Hindi. Yung tanging nandito sa bahay na to."

Agad agad ay nag alsabalutan kami nila mama at umalis sa bahay na ito.

Dumiretso muna kasi sa sementeryo. "Alvin, uuwi na ko. Hinding hindi kita makakalimutan tsaka salamat!" Napaiyak na ko at napayakap kay Mama.

 "Salamat Aldrin. Hinding hindi ko sasayangin yung buhay na binigay sakin ng kuya mo." At sumakay na ko ng kotse.

Dumaan kami ng simbahan at ipinagdasal ni Alvin bago kami umuwi.

Simula noon ay every year na akong pumunta kay Alvin at sa paglipas ng panahon ay sa di inaasahan ay na-develop ako kay Aldrin at ngayon ay handa na kaming suungin ang panibagong kabanata ng aming buhay. Ang buhay may asawa. Oo, dito na ko tumira kasama ni Aldrin at nagsasama narin kame at nagbabalak mag adopt.

Wala na kong mahihiling pa.

Dati ay ako lang ang nag iingat ng buhay na binigay ni Alvin ngayon ay kaagapay ko na ang kakambal niya sa pag iingat nito. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko.

Salamat kay alvin.

Siya ang naging daan ng mas maganda kong buhay sa kasalukuyan.

The end. 💕

Sa isang Sulok ng Mundo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon