Man of my dreams

1.7K 31 2
                                    

Part 3

"Alvin?"

"Kuya..." tiningnan ko si Stella ng masama. Ito na naman yung eksenadora kong kapatid. Imbyerna. Kitang nagmo-moment yun tao eh, papansin. "Magpahinga kana! Kailangan mong magpalakas dahil hahanapin pa natin si Alvin bukas."

Parang natauhan naman ako sa sinabi niya kaya ginulo ko ang buhok niya. "Nagkakautak kana sis." At ngumiti pa ko.

"Tsee!" At natulog na siya ulit na sinubukan ko na ding matulog.

Alas otso na ng umaga ng magising ko. Hinanap ko agad sila Mama na nakita ko sila sa kusina na nakaayos na. Sabay sabay silang ngumiti sa akin.

"Kumaen ka muna at pagkatapos ay mag ayos kana, inaayos na ang kotse ni papa mo."

Naiiyak na niyakap ko si Mama. "Salamat po Ma."

"Napaka arte mo kuya." Kabwisit talaga tong kapatid ko. Pinitik ko nga ang noo at nag asikaso na.

Dumiretso kami ng pulisyang humawak ng case na itinuro ang tirahan nila Alvin.

Nakarating kami sa Siquijor at tinuro ng isa sa mga kamag anak ni Alvin kung saan siya nakalibing. Bumibigat ang aking paghakbang at nagbabagsakan na ang aking luha. Utang ko ang buhay ko kay Alvin.

Pagdating ko puntod niya ay di ko na napigilan, nagsimula na naman akong maiyak. "Alvin! Patawarin mo ko. Pasensya kana rin kung nakalimutan kita pero hindi ko yun ginusto. Sa kabila ng paglimot ng isipan ko sayo, alam kong hindi ka nawaglit sa aking puso. Patawarin mo ko." Napatingin ako sa lalaking ngayo'y katabi ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Si Alvin! Niyakap ko ito at halos mapahiga kami sa sahig. "Alvin! Salamat at hindi mo ko iniwan." Napahagulgol na ko sa dibdib niya.

Tinulungan ako ng kamag anak nilang bumangon. "Hijo, hindi si Alvin yan. Si Aldrin yan, kakambal ni Alvin."

"Infearness. Ampogi!"

"Tumigil ka nga Stella." Pagsaway ni Mama.

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya at aalis na sana ako ng hawakan ako nito sa braso. "Napapanaginipan mo rin ba si Kuya?"

Napatigil ako sa sinabi niyang yun. "Ikaw rin?"

"Oo at hinabilin ka niya sakin. Sabi niya, sabihin ko sayong, huwag ka ng matakot. Andito lang ako, hindi kita iiwan." Tuluyan na namang bumagsak ang luha ko. Yun mismo ang mga salitang binitawan ni Alvin.

Hindi ko alam pero bigla akong dinala ng mga paa ko para yakapin si Aldrin at humagulgol sa balikat niya. "Im sorry! Kasalanan ko ang lahat. Ang bata pa ni Alvin, sana ako nalang. Ako nalang yung namatay." Napaluhod na ko sa sakit na nararamdaman ko. "Patawarin mo ko Aldrin. Kung hindi sana ako niligtas ng kuya mo, buhay pa sana siya ngayon."

Tinulungan nila akong makatayo ng maayus sapagkat nahihirapan na kong buhatin ang sarili ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko! Kasalanan ko. Ako ang dahilan ng maaga niyang pagkawala.

Niyakap ako ni Mama at nag iiyakan narin sila nila Papa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, ilang taon na ang lumipas pero hindi niya parin ako iniiwan.

Hindi ko parin mapatawad ang sarili ko.

Parang habambuhay ko na yatang iiyakan ang nangyaring yun.

Parang hinding hindi ako makaka-move on nito.

Lulan ako ng kotse pauwi pero wala parin ako sa sarili. Nakatingin lang ako sa bintana habang patuloy padin sa pagbagsak ang hindi maubos ubos kong luha. Minsan ay napapangiti ako tuwing naaalala ko ang mukha ni Alvin sa isipan ko.

Gustuhin ko man matulog ay hindi ko rin magawa.

Nakarating na kami sa tutuluyan namin, nasa gitna ito ng gubat na di kalayuan sa kalsada at dumiretso ako sa isa sa mga kwarto at nagkulong doon.

Nakaramdam ako ng pagyakap ng malamig na hangin .

Napaubob na ko sa kama at nakarinig ng boses nila Mama pero sinabi kong gusto ko munang mapag isa.

"Aldrin?" Nakatayo siya sa malawak na kabundukan. Napalingon ito sa akin at ngumiti. Lumabas ang dalawang dimple nito sa magkabilang pisngi. Hindi ito si Aldrin, kundi si Alvin.

"Ano bang gusto mo?" Nagsimula na namang pumatak ang luha ko. "Susunduin mo naba ko?"

Nilahad niya ang kanyang kamay at aabutin ko na sana nang may humila sa akin palayo sa kanya.

Bigla akong bumalik sa katinuan, pagmulat ko ay nasa gilid na ko ng kalsada napatingin ako sa nakayapos sa akin. Si Aldrin! Shit.

Tbc. 🍏
#545 In Romance
10/30/17

Sa isang Sulok ng Mundo ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon