IVO:
Simula ng araw na yun ay hindi na ko ulit pumunta sa clinic, through text at minsan kumakaen nalang kame sa labas ni gio to catch up.
Masaya ako kase hindi siya tuluyang tinanggal ni lancer.
Ang StaySafe Clinic na yun ay buhay na din ng bago kong kaibigan na si gio at hindi ako matatahimik kung natanggal siya dun dahil sakin. Dahil sa kalandian ko.
In a short period of time na nakilala ko si gio, na inspired ako sa tatag niya. Sa kabila pala ng mga tawa niya, may masakit siyang pinagdaanan. Mahirap mawalan ng taong mahal mo. Pero kinaya niya at ngayon, pinagpapatuloy niya para sa parents niya at para sa mga taong kailangan ng tulong at pang unawa niya and I salute gio for that!
Nawala ako sa pagmumuni muni ng may bumatok sa ulo ko mula sa likod. Napahawak ako dito at napasabi ng "aray! Hayop." pagtingin ko, si gio ang nakita ko. Speaking of the baklang devil. Ako na talaga battered bestfriend. Gosh. Ang sakit. Pinaghahampas ko nga. Walangya eh! Nang mapagod ako ay muli akong naupo at tumabi siya saken. "i miss him" out of nowhere. I say.
"He missed you too." gio response. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"How'd you know." i am curious.
"He always look at the benches where you were used to sat, waiting for."
"Really?" feeling ko, korteng puso na ang mata ko. Napapahid pa ko sa gilid ng mata kong may nangingilid na luha kase na touch ako.
"Ang arte mo bakla." ang bait ni gio noh?
"Tsee." at inirapan ko nga siya.
"Would you like to see him?"
"Ayoko. Magagalit yun!"
"Hindi naman tayo magpapakita. Sisilipin lang naten siya. Sisilipin MO lang siya correction!"
Hinila ko na siya at bago pa magbago ang isip niya.
"Aray ko naman beks!" Reklamo niya.
We go to the clinic and his office. Bahagyang tinulak ni gio ang pinto at sumilip naman ako dun. Naramdaman ko nalang ang patak ng luha sa pisngi ko. Miss na miss ko na siya. I want to run towards him and hug him tight. Ito na yata yung sinasabi nilang pag ibig. Ang sakit.
He was talking to the person at his front. He laughs. Ang pogi niya talaga. Napangiti din ako habang panay punas sa basang basa kong pisngi.
"Hoy bakla! Anyare sayo?" panira ng moment si gio.
"Wala! Tsaka huwag mo nga kong tinatawag na bakla. Mamaya may makarinig sayo jan eh. Ang pogi ko para maging bakla!" i answered.
Lancer stood up and shit!
Our eyes met.
I panicked! Hinila ko kaagad si gio palayo sa office niya.
Shit. Shit! SHIT!!
Patay na naman si gio nito. Ano ba naman yan?! Nai stress na ko.
"Relax girl!" napatingin ako kay gio ng masama and he just smile at me.
I was thinking, about 30 seconds and i hug gio and tell him. "Im sorry."
"Why?" Narinig ko ang pag aalala sa boses niya.
"Nakita niya ko bes. Baka this time, matanggal kana. Im sorry." napaiyak na ko.
"It's okay." napatingin kame sa pinanggalingan ng boses. Kilala ko ang boses na yun at hindi nga ko nagkamali. Si lancer nga!
"Excuse me." si gio and he walked out.
"Gio!" pero hindi niya ko pinansin. Iwanan ba ko? Nakakaloka. Nangangatog ang tuhod ko. Shit.
Naupo ako sa dulong upuan sa waiting area ng clinic..
Naupo din siya pero may upuan sa pagitan namen.
Tahimik lang kame. Walang kumikibo. Nagpapakiramdaman.
"Ahmm. Ka - kamusta?" siya ang bumasag ng katahimikan.
"I -- im good."
"Sorry if .. If i didn't treat you right ivo." napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at nakita kong nagpunas siya ng pisngi. "Im just .. Afraid." napaiyak na siya.
Nagtaka ako. "Afraid?"
"Naattach na ko sayo at natatakot ako kase napamahal kana saken, nadagdagan na naman ako ng dahilan para mabuhay pero kase, nararamdaman ko na. Nanghihina na ang katawan ko."
"What do you mean?" napatayo na ko.
"Im infected ivo." humagulgol na siya sa pag iyak.
Parang biglang huminto ang mundo ko at naupo sa harap niya. My tears are started to run down. I hug him tight. "Lancer ..."
"Im dying!"
Itutuloy ...
A/N: Hi guys! Sorry late update. 😂💕
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomanceIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.