LANCER:
"Magpatest ka." bungad sakin ni darren ng magkita kame sa isang park, umupo siya sa tabi ko.
"Ano? Anong magpatest?!" napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Lancer, im sorry. Hindi ko alam." umiiyak si darren at yumakap sa bewang ko. "Patawarin mo ko."
"Ano bang sinasabe mo?" naguguluhan na ko.
"I cheated on you and im so sorry lancer, nagpositive ako sa HIV test. Im sorry."
Biglang nanlambot ang tuhod ko at nawala sa sarili. Bigla akong natumba at napaupo sa kalsada. Nagpatuloy ako sa pag iyak.
Gusto kong magalit at saktan siya pero naisip ko, para saan pa. Andito na to, kailangan kong maging malakas para maiangat ko ang nanghihina na naming relasyon.
Tumayo ako at niyakap si darren. "Kaya natin to. Partner mo ko, hindi kita iiwan."
Niyakap ako ng mahigpit ni darren. "Im so sorry lancer. Kasalanan ko! Patawarin mo ko."
Sa bahay kame umuwe ng gabing iyon, iyak siya ng iyak at sinisisi ang sarili niya dahil sa nangyare.
Paggising ko ay wala na si darren sa tabi ko. Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala siya.
Agad akong pumunta sa tinitirhan niya pero wala din siya pati ang mga gamit niya.
Ilang beses ko siyang kinontak pero walang sumasagot.
Lumipas ang buwan, pero hindi ko parin siya nahahanap.
Nabalitaan ko nalang na namatay siya at nasa probinsya.
Nagsimula akong panghinaan ng loob. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.
Agad akong tumungo sa nasabing probinsya.
Nakita ko agad ang maliwanag na tahanan. Pinilit kong maglakad kahit para wala na kong lakas dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Namamaga na din ang mata ko gawa ng kaiiyak simula ng malaman ko ito.
"Lancer? Hijo?" tumingin ako sa babaeng bumanggit ng pangalan ko. Niyakap ako nito. "Patawarin mo ang anak ko, walang araw na hindi humihingi ng kapatawan ang anak ko sa litrato mo. Hindi niya sinasadya, natukso lamang siya."
Napahagulgol na ko sa kaiiyak sa dibdib ng mama ni darren. "Matagal ko na pong pinatawad ang anak niyo. Mahal na mahal ko po si darren!"
Hanggang sa huling lamay ni darren ay nasa tabi niya ko, nandoon ako hanggang sa huling hantungan niya. Walang patid ang aking pag iyak. Parang hindi ko na kaya.
Nakaramdam na ko ng pagod mabuhay. Si darren lang ang meron ako dahil mag isa nalang ako sa buhay. Pero paano na ko ngayon? Wala na siya. Nahihirapan akong ituloy ang aking buhay.
Nakaupo ako sa kama ni darren. "Hijo." inabot sakin ng mama niya ang isang makapal na akala ko'y libro.
Binuksan ko ito at tinignan ang mga pahina. Mga sulat kamay si darren ko.
How is HIV transmitted?
A person who has HIV carries the virus in certain body fluids, including blood, semen, vaginal secretions and breast milk. Madalas, ang HIV ay naipapasa dahil sa walang proteksyong pakikipagtalik. (Either vaginal or anal)
Naipapasa rin ito sa papamagitan ng paggamit ng karayom o anumang skin piercing instruments na nagamit ng taong infected.
Naipapasa din ito sa anak kung infected na nanay during pregnancy and breastfeeding.
BINABASA MO ANG
Sa isang Sulok ng Mundo ✔
RomansaIba't ibang kwentong tiyak na mamahalin mo. Mga kwento ng pag ibig na tiyak na magbibigay inspirasyon sayo. Mga pag ibig na walang kapantay. Walang kapantay sa pagbibigay aral, lakas at pag asa. Basahin natin ang kanilang iba't ibang istorya.