Chapter 20

16 0 0
                                    

Humphrey's Pov:

Hindi ako makapaniwala na nandito si Ricel sa unit ko. Akala ko si mommy ang dumating . Alam ko si mommy na naman ang may plano nito. Since nandito na siya ay hindi na ako nagrereklamo. Uunahin ko muna ang kumakalam kung tiyan.

Gutom na gutom na kasi ako kaya wala na akong nagawa. Ngayon ay nasa kusina siya at nagluluto. Hindi ko napigilan na hindi siya pagmasdan sa ginagawa niya. Nabigla ako ng nilinis niya muna ang lababo at ang mga baso na hindi pa nalilinisan.

Sinuway ko siya sa kanyang ginagawa. Dahil may tagalinis naman tuwing sabado akong pinapunta. Pero nagpumilit siya. Hindi ko mawala ang tingin ko sa kanya. Mabilis siyang maglinis.

Multi tasking ang ginawa niya at ako naman ay agad na umiwas ng tingin ng napapansin niyang tinitigan ko siya. Hanggang sa maluto ang kanyang niluto. Ang bango-bango nito at natatakam ako.

Hinanda na niya ito sa harapan ko at inayos ang mga ito. Nahihiya naman akong nagpasalamat sa kanya. Nang ngumiti siya ay halos hindi ako makahinga. Nandito na naman ang kung anong humuhukay sa dibdib ko.

Agad na kinain ko ang kanyang niluto. Hindi dahil sa gutom na gutom ako sa kanya. Para akong ilang araw na walang kain. Hindi dahil napakasarap ng pagkain naniluto niya. Nilagang baka na may saging. Sarap na sarap akong kumakain. Halos maubos ko ang inihain niya sa akin.

Never in my life na kumain ako ng ganoon ka ganado . Kahit sa paborito kung restaurant ay hindi ako ganito kaganado kumain. May body figure akong pinapangalagaan dahil sa contious ako sa pagkain ko. Pero dahil sa luto niya ay nawala ang body contious ko. Nang matapos ako ay ako na ang naghugas ng kinainan ko. Nakakaiya naman.

Matapos kung maghugas ay agad akong pumunta sa sala. Nakita ko siyang naglilinis sa mga estante ng cabinet ko yong buhok niya ay nakatali na . Hindi ko na muna siya tinawag. Pinagmamasdan ko muna siya.

Siya lang ang unang babae except kay Ann at mommy na nakapasok sa unit ko. Kahit yong mga fling ko ay hindi nakakatapak dito. Exclusive lang ito sa akin. Kaya wala akong pinapunta ni isa dito.

" Hi sir! Tapos na kayo?". Tanong nito ng makita ako na nakatitig sa kanya.

" Ah yes". Sagot nito.

" Ah sige pagkatapos ko dito huhugasan ko ang pinagkainan mo sir." Sabi nito.

" Naku wag na . Tapos ko nang hugasan ". Sabi ko.

" Ah okey". Sagot niya.

Tapos ay bumalik sa ginawa niya. Ako naman ay umupo sa upuan at pinagmasdan siya. Naka office attire pala ito. Sumexy na nga ito.Hindi na ito yong begging girl na kilala ko noon. Hindi ko napansin na tapos na pala siya sa ginagawa niya.

" Hi ! Natapos din." Sabi nito at lantang umupo sa upuan na nasa kiliran ko.

" Im sorry napagod ka pa." Sabi ko.

" Naku! Wala yan. Okey na din yon dahil nakapag exercise ako." Sagot niya.

" Ah so hindi ka na nakapagexercise ? ". Tanong ko dito.

" After na nandito na ako hindi na ako nakapagexercise . Wala na kasi akong time." Sagot niya.

" May malapit na gym dito. Open sila evry sat and sunday". Sabi ko dito.

" Talaga?". Sagot nito.

" Yeah walking distance lang naman dito. If you dont mind since mag neighboor tayo. Don din ako naggygym ay sasamahan kita." Hindi ko alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko.

" Wow talaga?". Mangha na sagot niya.

" Yeah". Sagot ko.

" Oh thanks sir. Ayaw ko ding mag gym kung wala akong kilala natatakot ako." Sagot nito.

My Oh So Hot Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon