Chapter 20: Softness Left

347 14 2
                                    

Chapter 20: Softness left

Naeun's POV

"Dinala kita dito para balaan ka. May binabalak si Madam. Nag-install siya nung tulog lahat ng tao sa palasyo. CCTV. Tatlo sa quarters mo, pito sa iba't ibang sulok ng silangan na bahagi ng palasyo maliban lamang sa daan dito."

"H-Ha?" Hindi ako makasagot kay L.

"Huwag mo sanang masamain ang mga ginagawa ko. Ginawa ko to para hindi ka bumagsak...para hindi ka masaktan...para hindi ka umiyak."

Lumapit siya sa akin. "Nangdito ako para protektahan ka."

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Wala na akong magawa kundi ang pumikit.

~~~

"ANAK NG PATO!!!!!!!!!!!!!~"

Nananaginip lang PALA.  Akala ko kung ano na. Hindi pa ako handa sa mga ganung bagay.

Para akong sira-ulong bagong gising takas sa mental ngayon. Hawak hawak ko yung labi ko. PANAGINIP LANG DIBA? Hindi naman nangyari diba?

"Hay~ Ano ka ba Naeun. Para kang takas sa mental. Hello? Pa'no naman mangyayari yun?" oh eto na kinakausap ko ang sarili ko. Aisshhh...

Bakit ko siya napaniginipan? Siguro dahil sa mga nasabi niya kahapon. Naninigbago lang siguro ako. Isa pa, galing kay L yun. Si Unggoy ang nagsabi nun; tila BAGO TALAGA ANG MAKARINIG NG GANUN SA KANYA. Emphasize talaga iyan.

Dahil ba hindi ako nakasagot sa kanya? Natahimik lang ako? O dahil niligtas niya ako sa mga tao't bagay na gustong sirain ako? -_-

Pero...bakit nag-iba ang mga sinasabi niya sa panaginip?!

"Nanaginip ka prinsesa."

O.O "Coray! Kanina ka pa diyan?" Po, ano na lang kaya ang sasabihin ni Coray. Baka ipapatanggal na talaga ako bilang prinsesa. Prinsesa ba namang parang sirang-ulo >_<"

"Opo. Nilinis ko lang ho ang sahig . Medyo nakakadulas na po kasi." sagot ni Coray at tumayo.

Wala akong problema kung gusto niyang linisin ang buong mala-hektaryang palasyo. Ang point ko lang eh kung ano na lang ang kanyang sasabihin sa mga narinig niya. "So...narinig mo kong--"

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon