Chapter 36: A Sad End

252 9 2
                                    

MB:

L po sa gilid nang makaharap ang hari-------------------->

*************************************

Chapter 36: A Sad End

L's POV

"I'm very upset about this L. Very."

Right now, I'm facing doom. Hinaharap ko ngayon yung mga resulta ng mga desisyon ko.

Yung desisyong pwede sirain ako.

Hindi lang ako kundi pati na rin yung mga taong tumulong sa akin.

"Sire---"

"L, sabihin mo nga sa akin kung ano yung trabaho mo."

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang hari na nasa harapan ko. Kami lamang dalawa sa loob ng hall. At alam ko kung bakit niya ako pinapatawag.

"Head of Security po."

"Exactly! At ano ba ang purpose ng isang H.O.S?"

Alam ko kung saan ito papunta, gusto ko mang magpaliwanag...ngunit wala ako sa posisyon para gawin iyun. "Bantayan ang prinsesa."

"Yun nga! Bantayan at protektahan mo ang prinsesa! I told you to keep an eye over Naeun, sa mga kilos niya, sa bawat galaw niya. And yet, there you came and took her outside the palace?!" galit na sabi ng hari.

Naiintindihan ko naman siya. Gusto niya lamang protektahan si Naeun sa mga kapahamakan na pwedeng mangyari sa kanya. At para matupad iyon...kinuha niya ako.

"I can't believe this! Dinala mo na nga si Naeun sa labas ng palasyo ng walang pahintulot tapos gabi pa kayo umuwi?! IS THAT KNOWLEGEABLE, L?"

Kung ako ang tatanungin...sasabihin kong oo. Tama lang yung ginawa ko. Pinasyal ko lang si Naeun at ipinakita sa kanya ang labas ng palasyo. I don't see anything wrong about that.

Ligtas naman siya. Nakauwi naman sa dito. Hindi ko naman siya pinabayaan.

Isa pa, may dahilan naman ako para gawin iyun.

"Bakit mo kailangang gawin iyun?" umpisa ng sermon ng hari. "Matalino ka L. Alam mo ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi ko nga lang maintindihan kung bakit mo kailangang dalhin ang prinsesa sa palasyo."

She dreamt of it.

Isa lang yun sa mga hinihiling niya. Noon pa. Simple lang yung hiling niya. Bakit ba kailangang ipagkait iyun sa kanya?

"Trabaho mo yung bantayan ang prinsesa. To keep her away from harm and danger. To keep her safe. Pero yung ginawa mo? The exact opposite of what you should be doing!"

Ama siya. Alam ko kung bakit ganun siya kaprotective kay Naeun.

Pero, kaya rin ni Naeun na alagaan yung sarili niya. She can handle herself well. I just don't get the reason of not letting her see the world...legible.

"At sino ka ba para dalhin siya sa labas ng palasyo? Will you take responsibility if anything happens to her? I hired you because I thought you have exceeded my expectations as a royal guard." tinignan niya ako ng masinsinan. "Mali pala ako. I thought you'll succeed. Pero--"

"I failed." sambat ko sa hari. Inaamin ko rin..."Palpak ako sa trabaho ko. Kaya..." Kinuha ko yung tinago kong papel sa likuran ko at ibinigay ito sa hari. Agad niya naming binasa ito.

It might have been so soon.

"I'm resigning po."

Halatang gulat ang hari na hindi siya makapagsalita.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon