Chapter 1: Ang Prinsesa

968 22 10
                                    

A/N: ang pagpronounce po ay NA-EUN, two syllables po iyan.

And ang prinsesa po sa gilid------------>>>>>>>>

 

-----

 

INTRO:

Ang Prinsesa ng Silangan ay si Shin Na Eun, isang makulit na prinsesa. Siya ang pang-apat sa pitong magkakapatid. Siya 19 years old pa lamang.

Hindi pa talaga siyang tinanghal bilang opisyal na prinsesa. Dahil sa kanyang murang edad at pagiging isip-bata.

Tunghayan ang kwento ng prinsesa sa kanyang daan para mahanap ang kanyang totoong ninanais sa susunod na mga kaganapan.

-----

Chapter 1: Ang Prinsesa

Prinsesa Naeun's 

"Ang prinsesa! Ang prinsesa tumatakas!"

Ay tokwa~

Nagulat ako dun ah! =_="

"GUARDS! HANAPIN ANG PRINSESA!" sigawan nila sa loob.

Mm! Sapul na naman!

Bakit mo kasi di magawa mahal na prinsesa?! Simple lang naman ang plano ah?

Pupunta sa garden, aakyat at tadan! Makikita ko na ang labas ng palasyo! Kaso, naunahan ako ng mga friendly kong gwardya.

"Prinsesa!"

"Ay prinsesa!" muntikan na akong mahulog dito. Aistt!

"Sorry po. Ano po ba ang ginagawa niyo diyan sa taas?" Tinatanong niyo kung sino? Si Coray, isa sa mga personal maid ko na kasing-edad ko lang.

"Dito? Magswiswiming, magswiswimming. Ano pa ba? Edi makatanaw lang sa labas ng palasyo." pilosopo kong sagot habang tinuro sa kanya ang position ko---nakatayo sa ibabaw ng puno. Tinaas ko ang kaliwang paa ko sa isa pang sanga ng kahoy para maiangat ang sarili ko.

"Prinsesa! Bumaba na nga kayo! Baka abutan pa tayo ng mga guards niyo! Bakit ba kasi kayo tataka--"

"Mawalang galang po Prinsesa, bumaba na po kayo at baka kayo ay mahulog pa diyan!" dumating si Manang Rose na takot na takot ang mukha.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon