Last Chapter: Her True Desire

336 21 6
                                    

Last Chapter: Her True Desire

Naeun's POV

"Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko. Sana pagbigyan mo ko."

Mahal niya ko. Iyan lang naman ang gusto kong malaman. Hindi naman ako mahihirapang mahulog ulit sa kanya kasi...

mahal ko pa rin siya.

Yun ang isang bagay na hindi ko mapipigil.

"Hindi mo naman ako kailangang dalhin ulit sa amusement park o kaya ay samahan sa night market kasi isa lang naman talaga yung hiling ko...bumalik ka."

"Natupad na iyan. Wala na bang iba?"

"Huwag ka ng umalis." Sa pangalawang pagkakataong ito...sana hindi na niya ako iiwan.

Hawak pa rin ang kamay ko at lumuhod siya sa harapan ko.

"Pangako, hinding-hindi ako aalis. Mamahalin kita ng buong buo, tutuparin ko ang lahat ng ito. Can you give me another chance?"

"UMOO KA NA!"

O.o? Hindi ako yun ah. Sa'n galing yun?

"San galing yun?" tanong ko kay L.

Tumayo si L at hinanap din ang pinaggagalingan ng boses ng lalaki't babae. Nagtaka lang ako kasi bigla na lang itong ngumiti't tumawa. "Speakers."

"Huh?"

Lumapit siya sa akin at  may kinuha sa korona ko. "Mic." Kinuha niya ang itim na nakakabit sa suot niya at ipinakita ito sa akin.

Ibig sabihin?

"Alam nilang---"

"Camera." turo ni L sa bawat pader ng maze garden na kinatatayuan namin.

Napatawa na lang ako. Loko talaga sila ni Joon. So meaning nakabroadcast ito sa kanila ngayon?

"Ep ep! Ano ba iyan! L, lumuhod ka ulit! Hindi pa ka pa nga sinasagot ng prinsesa!"-boses ni Joon.

Tumawa na naman si L at sinunod ito. "Oo eto na!" lumuhod siya ulit sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sagot na Naeun! Ano ba iyan! Maawa ka sa gwapong nilalang sa harapan mo!" nakilala ko ang boses na ito...kay Ate Bomi.

"Can you give me another chance?"

"Yes." sagot ko.

====

3rd Person's POV

Tensyonado ang hangin na pumapasok sa loob ng opisina ng Hari. Pabalik-balik na naglakad ang Hari sa harapan nila L at Naeun.

Magkatabing nakaupo ang dalawa.

Sa harap naman ng dalawa, nakaupo sa may dulo ang anim na kapatid ni Naeun. Masama ang tingin nila kay L. Hindi naman mapakali si L sa sasabihin ng hari sa ginawa niya. Pero nasisiguro naman siya dahil nasa tabi niya lamang si Naeun.

"Prinsipe Myung Soo. Ikaw lamang ang humingi sa kamay ng anak ko. Ikaw lang din ang dumalo sa koronasyon niya bilang prinsipeng manliligaw ni Naeun which is ewan ko pa'no nangyari iyon." sinamaan ng tingin ng Hari si Bomi na alam niyang may kinalaman sa nangyari kahapon.

"Anyways. Nangdito ang papeles na kailangan mong pirmahan para maging legal ang relasyon ninyo ni Naeun sa harap ng ibang tao." ibinigay ng Hari ang isang puting papel sa mesa niya.

"Pipirmahan ko po?"

"Oo. Pero pagkatapos ng mga dapat mong malaman mula sa amin. Chorong."

Tinawag ng hari ang mga kapatid ni Naeun para magbigay ng mga salita ugnay sa relasyon ng dalawa at sa tradisyon ng palasyo.

"Hindi ako tutol o ano. Huwag mo lang saktan o iwan ang kapatid ko. Bomi."

"Ako? Ahh...huwag mo lang sanang sayangin yung tulong ko kahapon ha? It's another way to say na ingatan mo yung kapatid ko. Eunji."

"Bigay mo lang sa kanya ang lahat. Yoo."

"Huwag mo siyang paiyakin please. Namjoo."

"Hi Kuya? WAHH! MAY BROTHER IN LAW NA AKONG GWAPO! Joke lang! Ahm. Pareho lang din sa kanila ate, alagaan mo ang ate Na-Na namin. Tsaka, ano, huwag ka sanang pumangit tiyaka tumaba. Hayoung."

"Pareho lang din...kay NAMJOO. Hihi. Paiyakin mo lang si Ate, lagot ka sa amin. Babala lang namin black belt kami sa Taekwondo second degree. Nakapag-aral din kami ng aikido, hapkido, wushu at karate kaya mag-ingat po kayo."

Naweirdohan si Naeun sa mga pinagsasabi ng mga bunso. Connection? Tumaba?

"Alam mo L, kapag pinirmahan mo ito, uuwi rin kayo sa altar. Sigurado ka bang papakasalan mo si Naeun bukas at hindi mo siya papaiyakin?"

Nanlaki ang mata ni Naeun nang marinig niya ang salitang bukas mula kanyang ama. BUKAS??? Bukas mismo?

"Pa--" pinigilan ni L si Naeun sa pagsalita at hinawakan ang kamay nito nang mahigpit sa kaliwang

Kinuha agad ni L ang sign pen sa harapan niya at pinirmahan ang papeles na ikinagulat ni Naeun. Kisap-mata lang kasi nang magawa niya ito.

"Opo. Pangako po."

Ngumiti ang Hari at saglit na tinapik ang balik ni L bago lumabas sa opisina niya. Tumayo naman ang ibang mga prinsesa para sumunod sa hari.

"Pa'no ba iyan? Tayo na ba?" tanong ng prinsesa kay L.

"Kahapon pa naman naging tayo. Bukas daw asawa mo na ako" biro ni L.

<end of chapter>

***************************************************************************************************************

Epilogue

Hiling.

Ano nga ba ang hiling ng isang tao?

Swerte?

Pera?

Iphone?

Minsan, hiniling ni Naeun na mamuhay ng simple. Na makapaglakad ng malaya at makita ang labas ng palasyo. Ngunit hindi niya makukuha ito dahil isa siyang prinsesa.

Pinagbabawalan siyang gawin ang kahit anumang bagay na ikakapahamak niya.

Ngunit sa buong pagkakataon na ito, hindi pala yun ang talagang gusto niya.

Nang makilala niya si L, nagbago ang pagtingin niya sa lahat ng bagay.

Natuto siyang pahalagahan ang mga responsibilidad niya bilang prinsesa.

Nagampanan niya ang aspekto ng pagiging totoong prinsesa na hindi niya sana makakamit kung hindi niya nakilala si L.

Sa kwentong ito, matutunan natin kung paano mababago ng isang bagay ang buhay ng isang tao.

Kung paano mababago ng pag-ibig ang pananaw ng isang tao para harapin ang bawat umagang ginigising niya.

Kayo, ano nga ba ang mga hiling ninyo?

++++++

A/N:

Hehe. Ayan. Tapos na siya. Huhuhu! Umabot tayo ng sampung buwan TPD! And it's all worth it <3

Sorry kung masyadong maikli ang ending. ^0^V

Isa lang naman ang dahilan niyan kung bakit hindi pinahaba ng author ang ending *wink* *wink*

Gusto kong magpasalamat sa mga sumuporta sa TPD! Sa mga shippers ng Pinkfinite at MyungEun! Hello po! Sana nagustuhan niyo ang kwento!

Laking pasasalamat ko po sa inyo! Kahit hindi po pormal ang format ng story ko binasa niyo pa rin! <3

Thank you sa mga taong walang sawang nag-iingay bawat chapter ng kwentong ito. Specially kay Dongsaeng Yeollee <33 Thank you my lab!!!

Also to SheyGamit, PandaInspirit, JohnsonsBabyPowder! Thank you for voting :))

A BIG THANK YOU TO ALL!

Hwaiting TPD!

Hwaiting MyungEun! <3

-PandaSujuSoshi-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon