Chapter 38: Meaning Behind Words

994 9 0
                                    

A/N:

Hehe, kumakaripas na po ng update :)

Happy 4.6K reads my beloved TPD!

Salamat sa patuloy pa ring sumusuporta! LABLAB :**

#7TG

********************

Chapter 38: Meaning Behind Words

Naeun's POV

"Ah, Prinsesa. Hello po, prinsesa... Prinsesa!"

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Coray.

"Huh?"

"Hindi niyo po ginagalaw ang pagkain ninyo. Kanina pa po kayo dito."

Oo nga pala. Nangdito ako sa hapag-kainan upang kumain ng almusal. Pero hindi ako gutom. Wala rin akong ganang kumain.

"W-wala akong ganang kumain." diretso kong sabi nang inihain sa akin ang paborito kong mga pagkain.

Tinignan ko si Manang sa mata, "Ayoko pong kumain." Tumayo ako at naglakad palabas ng dining room.

"Prinsesa, kahit konti lang po, kumain po kayo!" narinig kong sabi nila Coray sa loob.

 Pa'no naman ako makakain sa mga nangyayari ngayon? Kaya ko pa nga bang sumaya pagkatapos ng mga bagay na ito?

 Naglakad ako pabalik ng kwarto ko. Tinignan ko ang paligid ko. Magulo...hindi ko na kasi pinansin ang mga gamit ko kung nasa sahig na. Yung kama ko, hindi ko pa naayos.

Umupo ako sa sahig malapit sa kama ko. Napaisip lang ako kagaya ng nakasanayan kong gawin nitong mga nakaraang araw. Tinatanong ko sa isipan ko kung okay lang ba si L. Saan kaya siya pumunta...kung nakarating ba siya dun ng ligtas.

Kung...

K-kung naaalala pa ba niya ako...

*sigh*

Kinuha ko yung cellphone ko sa gilid ng sidetable. Binuksan ko ito. Puno ito ng mga tawag at text mula sa mga kapatid ko, tinatanong kung anong nangyari sa akin. Siguro may nakapagsabi dito sa palasyo sa mga ginagawa ko ngayon.

Pinindot ko yung home button pero dinala ako nito sa gallery ko. Tumambad sa akin ang picture ko kay L nung birthday ko; nung naglakad kami ng kami lang dalawa.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon