Chapter 26: Soon

326 9 1
                                    

Chapter 26: Soon
Naeun's POV

Dami namang bumisita sa akin ngayon. Kahit hindi ko birthday, merong dumarating.

Dumiretso ako sa kwarto ko kasi nangdun raw ang bisita ko. Pagpasok ko, kilala ko na ang pamilyar na anyo ng nakatalikod na babae.

"Yoo." tawag ko sa kanya. Lumingon rin siya. Hindi ako nagkamali, nangdito ang kapatid kong hindi nagpakita ng matagal. Sa'n kaya ito galing? Umabot na siguro ito sa pluto sa kakabyahe xD

"Na-na!" niyakap niya ako.

Shin Yoo Kyung. Ang kapatid kong mabait. (This time, mabait talaga ito.) Siya ang junior ni Ate Chorong. Tahimik at seryoso. Iyan siguro ang dahilan kung bakit madalang lang siya nakakabisita dito o kaya ay dumalo kung merong salu-salo.

Matanda ako kaysa kay Yoo. Buwan lang ang agwat namin. Weird kasi kung maririnig ko sa kanya ang "ATE NAEUN". Kaya nagkasundo kami na baliktad na lang. Siya na lang ang tatawagin kong ate.

Labas masok lamang si Yoo sa bansa. Kung ano-anong meeting, conference o business trips na lang ata ang dinadaluhan nito. Mabuti nga siya eh, malayang nakakapagpasyal sa ibang lugar. Di katulad ko...(nakakulong sa palasyo).

"Kamusta ka na?"

Sa awa ng Diyos, "Buhay pa rin."

Buhay pa rin kahit buong araw nakahandusay lamang sa computer at minomonitor ang nangyayari sa bayan, nagsasign ng papeles at umiiwas sa H.O.S. mong buntot ng buntot sa'yo -_-"

"Ang ibig kong sabihin, kamusta ka sa bago mong H.O.S. Sabi nila ni Bomi, strikto raw?"

Strikto? Babaw naman ng pagkadescribe. Di pwedeng unggoy-masungit? "Mm."

"Hindi na ako nakakatanggap ng tawag mula kay Papa ah. Siguro nagtanda ka na." sabi ni Yoo habang binubuksan ang isang malaking kahon sa tabi ng kama ko.

Nagtanda. AKO. Sarap pakinggan. Sana makita iyan ni Papa. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang tangi kong wish na makalabas sa palasyo na walang bantay...na wala sila Joon...nang wala si L. Nakakabad-trip kaya yung kulang na lang pati C.R. samahan ka nila kasi ayaw nilang mawala ka sa paningin nila.

"Huy. Nakikinig ka ba?" tanong ni ate Yoo na kanina pa siguro nagsasalita...(na walang kausap xD)

"Ha?"

"Sabi ko, baka nagkakasundo kayo ng bago mong H.O.S. Hindi ka na nagrerebelde. Mabait siguro siya no? Maalalahanin. Ah, pasensyoso siguro kasi hindi naman nagsumbong si Ate Eunji na inaaway mo. Haha."

Naks Yoo. Kung alam mo lang. Hirap pa lang magpanggap na walang nangyari o wala kang alam kung sa totoo ay  kabaliktaran lahat ng ito sinasabi niya -_-"

"He.he.he. Mabait..." kung mabait nga di sana ako mapaparanoid sa security na ibinibigay nila sa akin.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon