Chapter 16: These Shunga Girls

388 11 3
                                    

Chapter 16: These Shunga Girls

Naeun's POV

"Hi...ATE!!!"

O.O

"A-anong ginagawa niyo r-rito?" Wow lang.

Para akong nakakita ng mga multo sa harapan ko. Tinatanong niyo kung sino...

"BAWAL BA??!"

Mga multo sila. Aw, jowk lang. SILA--AS IN PLURAL FORM, SILA. Walang iba kundi ang mga kapatid kong mga loka-loka...i-exclude niyo na si Ate Bomi at si Ate Rrong. 

Si Young, Joo, Ate Eunji at ofcourse ang mga manang kong ate.

"Hindi ko sinasabing bawal, tinatanong ko lang kung paano nakarating kayo dito? Lalo na kayong dalawa." turo ko nina Hayoung at Namjoo, "Akala ko busy kayo sa paaralan niyo? Eh paano kayo nakapunta dito?"

"Eh sinabi ni papa na pista dito eh di pumunta kami, sayang ang grasya!" with matching alleluja itong si Namjoo. 

"Dinala ko na si Hayoung at Namjoo dito kasi sabi ni papa. Hindi ko na sana sasamahin pero nagpumilit. Pasensya na Naeun, hindi kita napaalam." sabi ni Ate Rrong.

"Ganun ba?" sabi ko sa sarili at tinignan sila isa-isa. Nakabihis rin sila ng magagarang damit. Tch, nakahanda ang mga ito.

Hindi sa hindi ko gustong makasama ang mga kapatid ko. Kaya lang, hindi ako nasabihan na darating sila ngayon. Eh di sana nakapaghanda ako ng matutulugan nila, pampalipas oras o iba pa diyan. Di bale na. Siguradong hindi magtatapos ang gabing ito na walang kalokohan.

Lalo na ngayon, kumpleto kaming team B. Team Eunji-Naeun-Hayoung at Namjoo.

"Siya nga pala Na-na, sino yung kausap mo?" tanong ni Ate Bomi. 

Patay.

Maniniwala kaya silang Head of Security ko si L?

"Ah..." anong sasabihin ko? Ngayong nag-aantay ngayon sila sa sagot ko? "S-sino?"

"Oo, yung lalaking nakatuxedo? Yung kausap mo bago kami dumating." dagdag ni Ate Eunji.

Diyos ko po. Baka kung anong masabi ng mga kapatid ko! Lalo na krung-krung ang mga utak nito!

"Paumanhin po mga prinsesa, pinapatawag na po kayo ng hari sa mesa." paalam ng isang katulong.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon