Chapter 15: Crazy Day

388 11 3
                                    

A/N:

Yes hello! Update ulit ako :D May nalaman kasi akong...well sabihin na nating hindi ko inasahan. Pacomment comment lang siya, may bagong account...di nagpakilala. *Phuu!!!*

Anyways, this chapter is dedicated to my ever loving, PATIENT and SUPPORTIVE dongsaeng: Yeollie ;) Love2x <3

****************************

Chapter 15: Crazy Day

Naeun's POV

*totororoooooootttttttttt*

-.-

-.0

-.-"

Nagtataka siguro kayo kung anong sound effects yun...NEW YEAR ngayon!!!

Di joke lang. Palace Horns yun, ibig sabihin, gusto akong kausapin ng hari.

"Ugh!" angal ko at bumangon sa kama. Alam niyo kasi hindi ako yung tipong gigisingin at babangon kaagad. Kinakailangan pa akong hilaain ng apat na pung baka paalis ng kama. Kaya sa kung sinong gustong gumising sa akin diyan, bigyang daan niyo ko. Kundi makakatikim kayo ng super sipa ko.

Di nako nagdalawang isip pa. Naligo na ako at nag-ayos. Siyempre, kahit ama ko lang ang haharapin ko, hari pa rin yun. Alangan namang magpajama lang akong humarap sa kanya? Ayoko nga baka mapagkamalan akong takas sa mental dito -_-"

Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso na ako sa hapag-kainan kung kailan ako madalas pinapatawag ni Papa kapag umaga. Nakita ko siyang nakaupo at nagbabasa ng dyaryo.

"Hari..." tawag ko kay Papa.

Inangat niya ang ulo niya at tumayo, "Isa lang ang sasabihin ko sa'yo Naeun...Huwag mo kong ipahiya ngayon."

Aray.

Bakit ko naman ipapahiya si Papa? Ako? Na Eun Shin? Magpapahiya? Kahit kinakailangan kong magsabit ng dekorasyon sa tuktok ng Mt. Everest, gagawin ko yun. Talaga namang si Papa, wala pa ring tiwala sa akin.

Sa bagay natural ang mga bagay na ganun. Alam ko kasi kung anong tinutukoy ni Papa...ang pista. Last year kasi, ang dami kong nakalimutan sa preparasyon. Akala ko sisikat ang araw yun pala ay umulan. Pangalawa, kulang yung pagkain sa Palace Open Banquet. Tatlo, nagkabrownout sa venue namin. XD

Aaminin ko rin, hindi ko chineck lahat ng iyun xD Nakakatamad kaya! -.-"

"Opo..." mahina kong sagot kay Papa. Ngunit laking gulat ko nang naglakad siya palayo sa kinatatayuan ko. "Hari, yun lang po ba ang sasabihin niyo?" Effort ko? Naligo pa ako ng walang heater dahil sa pagmamadali. Nagbihis pa ako ng magagarang damit tapos yun lang?

"Bakit Naeun, ilan ba ang isa?" sabi niya at naglakad ulit.

Oo nga pala. Sabi niya isa lang ang sasabihin niya -.-" Sayang naman tong damit ko >< Ano pa nga ang magagawa ko?

"Prinsesa! Prinsesa! Halina na po kayo, bibihisan ka na po namin."

Tawag ng mga katulong. Sumunod naman ako. Sa kwarto, namangha ako sa nakita ko. Dalawang magagarang damit.

"Sa- sa akin po ito?"

Para kasing hindi. Hindi naman kasi ganito kagara ang pinapasuot sa akin ni Papa.

"Prinsesa! Magandang umaga!" biglang sumalubong sa akin ang boses ng isang bading, si Tira, stylist ni Ate Yoo.

"Bakit po kayo nangdito?" tanong ko sa kanya. Hello? STYLIST NGA NI ATE DIBA? Bakit nasa akin siya ngayon? o.O

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon