Chapter 17: The Situation

339 12 0
                                    

Chapter 17: The Situation

3rd Person's POV





"Anong nangyayari dito?" tanong ni Chorong na nakatayo sa labas ng pintuan.

Nagulat ang limang magkakapatid na sina Naeun, Bomi, Eunji, Hayoung at Namjoo na nagloloading pa rin ang utak kung anong sasabihin nila sa pagtatalo na nangyari. "Umm...exercise?" nasambit na walang pag-iisip ni Eunji at nag-stretching na lang. "Diba?"

"Ay Oo! 1 2 3 4!" sabay ng apat at gumaya din.

"Ganun ba? O pumunta kayo sa kabilang kwarto para makapag-almusal na tayo." Chorong.

Nang makaalis na ang nakakatanda nilang kapatid ay nakahinga rin ng malalim si Naeun. "Kayo talaga! Ilagay niyo na nga iyan diyan tapos sumunod na kayo! Hay!" sumunod rin si Naeun sa kapatid sa labas.

"Gwapo talaga no? Sayang lang hindi prinsipe!" pagsuway ng apat na natitira sa loob at binuksan ulit ang portfolio ni L.

"HOY! HINDI PA BA KAYO SUSUNOD?!!" galit na tawag ni Naeun mula sa labas ng kwarto.

"Ay tambo! Susunod na nga! Paalis na eh!"

--

Nagsalo-salo ang anim na prinsesa sa kabilang kwarto. Nakahanda ang almusal sa kwarto ni Chorong. Tahimik na kumain ang anim ngunit naging 'makulit' ang tingin ng bawat isa sa kapatid na si Naeun.

Simpleng naweweirduhan si Naeun sa mga binibitawang tingin ng mga magkakapatid. Ang hindi nila alam ay nakikita rin ni Chorong ang pagkukulit ng lima.

"Ate, kilala mo ba yung head of security ni Ate Naeun?" biglang tanong ni Hayoung upang maputol ang napakatahimik na almusal. Sa halip na makarinig ng sagot ay sapak ang naabot ng bunso sa apat na kapatid. "Aray!!! Masama bang magtanong?!"

(Ano bang problema ang hinahanap ng mga ito?) sambit ni Naeun sa sarili at napayuko na lamang sa gilid.

"Tumatanong pa kasi eh!" reklamo ni Namjoo kaya napatahimik si bunso. "So, ano ate, kilala mo?" *pak!* sabay ulit sapak ng apat. "Ouch! Nagtatanong lang po!"

(Hanuuu raw??? X.X) Naeun.

"Kilala ko si Mr. Kim. Isa ako sa mga nagscreening sa kanya para makapasok sa security team."

"Ahhhhh..." sabay na sambit ng apat.

Pagkatapos ng kainan, nagtungo ang magkakapatid sa labas upang magpahangin. Ngunit, mula sa paggising nila, hindi pa rin tinatantanan nila ni Eunji at Bomi ang kapatid na si Naeun. Kanina pa ito napapansin ni Chorong, ngunit hindi rin niya magawan ng timing na kausapin ang kapatid.

Sa kasalukuyan ay naglalakad lamang sila sa hardin ng palasyo.

"Magandang umaga po mahal na prinsesa Naeun, mga prinsesa ng Shin." nakasalubong ng magkakapatid ang security team ng prinsesa Naeun.

"Magandang umaga rin." bati ni Naeun. Sumabay rin ang lima.

"Excuse me! Excuse me!" sambit ni Hayoung habang sumulong sa grupo ng mga gwardya, hinahanap ang kaisa-isang lalaking nais niyang makita.

"Hayoung." tawag ni Chorong na gulat sa aksyon ng bunsong kapatid.

"Asan sa inyo si Mr. Kim? Hmmm...si Sir L?" sabay ikot ni Hayoung at iniisa-isa ang bawat gwardya. "Ikaw!!!" turo niya kay Joon.

Nagulat naman si Joon sa binitawang salita ng bunsong Prinsesa. "Ako?"



(Langhiyang kapatid na ito =_=) tahimik na sambit ni Naeun sa sarili.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon