Chapter 35: L

288 9 3
                                    

Chapter 35: L

3rd Person's POV

Tahimik na magkatabi ang dalawa sa makulimlim na observatory. Magkaiba ang pinag-iisipan ng dalawa ngayon. Pareho ring umiiwas sa pagtingin.

Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas. Wala na silang pwedeng gawin pa kundi ang maghintay.

Naglalaro sa isipan ni Naeun kung anong susunod na mangyayari. Naguguluhan siya kung sasabihin niya kay L ang kanyang damdamin. Tama bang sabihin sa kanya na may nararamdaman ang isang prinsesa?

Si L din naman. Naghihintay siya ng tamang panahon para sabihin sa kanya ang nais niyang sabihin. Perfect timing kumbaga ngunit wala siyang lakas na loob para gawin ito.

"I got better?" tanong ni Naeun para mawala muna ang guni-guni sa isipan.

"Hm?"

"Mas naging prinsesa na ba ako ngayon?"

"Hindi." L answered firmly. 

Agad namang nainis si Naeun kaya sinapok niya ito sa may balikat.

"Ah!"

"So sinasabi mo, hindi pa ako prinsesa?"

"Tch. Ang ibig ko namang sabihin, marami ka pang kailangang pagdaanan bago maging tunay na prinsesa. Kagaya nito ngayon, habaan mo rin pasensya mo." pangaral ni L sa kanya.

(He's right) sabi ni Naeun sa kanyang sarili.

"Prinsesa ka na pala. You should know you're duties. Yung priorities mo. Dapat alam mo kung alin ang mas importante. Unahin mo yung alam mong mas mahalaga." malalim na bitaw ni L ng mga salita.

"Lalim..." pinagtataka ngayon ni Naeun kung ano ba talaga ang point ni L. All of a sudden kasi, ipinapaalala niya ang mga tungkulin niya bilang prinsesa.

____________________________

Naeun's POV

Ano ba itong pinagsasabi ni L...parang nagpapaalam. Tsk.

"Mag-ingat ka." huling sabi niya na nakahuli ng atensyon ko.

Bakit niya ako sinasabihan ng ganito?

Hindi ko maintindihan...parang...ewan ko. Malungkot?

"Siya nga pala, natapos ko na yung kaso kahapon." change niya ng topic.

Natapos na niya yung kaso tungkol sa nangyari sa palasyo nung nakaraang linggo. Yung niligtas niya ako...

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon