Chapter 29: His Majesty's Request

302 9 1
                                    

Chapter 29: His Majesty's Request

3rd Person's POV

"L! L!" tawag ng mga gwardya kay L nang mahandle na ng reinforcement ang mga nanloob sa palasyo.

Hinihingal pa rin si L sa pagkakatayo pagkatapos ang pakikipaglaban.

"Ok ka lang ba?" lapit ni Joon sa kaibigan ng mapansing nahihirapan pa rin itong huminga.

Hindi pinansin ni L ang mga tawag sa kanya ng kanyang team. Lumayo lang siya sa kanila at naglakad patungo sa likuran ng mga kahon. Doon niya nilapitan ang prinsesa na hindi sinuway ang bilin ni L.

"Pwede ka ng lumabas. Ligtas ka na." malumanay na lapit ni L sa prinsesa. Ngunit, tahimik lamang ang prinsesa Naeun. Tila nanginginig pa sa takot, nanghihina. Ilang sandali pa ay bumigay na ang prinsesa...nawalan ito ng malay.

Sinalo ni L ang ulo ng prinsesa. Natagpuan rin nila Joon ang kinaroroonan ng dalawa. Nakatayo lang sila sa may gilid.

"Sir, Med team po ng prinsesa." bagong dating ng mga emergency unit ng Prinsesa.

Nilapitan ng isang doktor ang prinsesa at chineck ang pulso nito sa may kamay.

"Maaari ko ba pong malaman kung ano ang nangyari sa prinsesa?"

"Na-nawalan siya ng malay ngayon lang."

"Kailangan natin dalhin ang prinsesa pabalik sa palasyo." sabi ng doktor at umaksyon namang buhatin ni L ang prinsesa ngunit pinigilan ito ng doktor.

"Ako na ang magbubuhat sa prinsesa."

"Mr. Kim, sugatan rin po kayo. Mas kailangan niyo ng atensyon. Kami na po ang bahala sa prinsesa. Doktor Yee, si Mr. Kim sugatan."

Kailangan nga ng atensyon ni L. Mas nasaktan siya kaysa prinsesa. May mga sugat siya sa kamay, mula sa pagsuntok; sugat at pasa sa paa mula sa sipa; at iba't iba pang  pamamaga mula sa pakikipaglaban kanina ng mag-isa.

Kinuha ng ibang staff si Naeun mula sa mga kamay ni L. May nakalaan ring medical team para kay L ngunit tumayo ito nang lumapit sila.

"Sir--"

"Hindi ko iyan kailangan." malamig niyang sagot. "A, tawagin niyo ang Security Force para maayos to. Kayo, mga tauhan sa palasyo, Mr. Son, tawagin niyo ang hari. Joon, tawagin mo ang mga kapatid ng prinsesa para malaman nila ang sitwasyon dito."

"Pero Sir yung mga sugat---"

"Tsaka mahigpit niyong bantayan ang prinsesa."

Nais pigilan ni Joon si L upang maigamot ito, "L. Ako na nga ang bahala dito. Magpahinga ka muna."

"Responsibilidad ko ito." pagmamatigas ng Head of security nila at naglakad patungo sa Headquarters ng palasyo.

Nilagay ni L ang mga naiwang kagamitan mula sa bakbakan kanina sa mesa ng headquarters. Sa lahat ng mga ebidensya ay isa lamang ang nakatawag ng pansin sa kanya. Kinuha niya ang isang patch na nasa tabi ng takip. Maigi niyang pinag-aaralan ang seal mula sa patch ng uniporme na naiwan ng isa sa mga nanloob sa palasyo.

"Pyongnam." imik ni L sa sarili. "Kaharian ni Taemin."

==

Sa hallway naman ng palasyo ay dagling tumatakbo ang hari at si Chorong na mula pa sa kabilang kaharian. Agad silang sumakay ng eroplano papunta sa silangan upang alamin ang kondisyon ni Naeun at ng palasyo.

Pumasok ang Hari sa kwarto ng Prinsesa. Doon, nakita niyang matamlay na nakahiga ang prinsesa sa kama. Nilapitan niya ito.

"Anong...kondisyon ni Naeun?" nag-aalalang tanong ng Hari sa doktor nito.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon