Chapter 21: Paghahanda

384 12 0
                                    

A/N:

Happy 2.3K reads TPD :D Sana tuloy-tuloy na ito :))

Dahil special ang araw na ito, at kaka-20 chaps rin ng story, may bibigyan akong surpresa ;) (ALAMIN NIYO MAMAYA!)

Iibahin ko muna ang istilo ng chapter ko. Iba't ibang scenes lang po to na pinagsunod sunod ko. Sana di kayo mawala :))

Tsaka may bonus mamaya. ;)

_________________

Chapter 21: Paghahanda

3rd Person's POV

"Coray, yung table setting. Pakihanda na para makapagsimula na ang prinsesa." utos ni Manang.

Busy ang lahat ng kasambahay ng palasyo para tulungan ang prinsesa. Ito ang hiling ng prinsesa para makapagreview sa mga itinuro ni Madam Francheska.

"Tapos na po."

==

Habang abala ang lahat, naghahanda rin ang prinsesa sa loob ng kanyang kwarto. Tahimik na nag-aaral si Naeun para sa mga dapat niyang paghandaan.

Si L naman ay nasa headquarters. Nagpulong sila ng kanyang team para sa security ng prinsesa para bukas.

"Joon, position 2 kayo ng team A bukas. Team B, sa harap kayo ng palasyo. Yung iba naman, mag-iikot ikot kayo bukas."

"Eh, sir, 'san po kayo pwepwesto?" tanong ng isa.

"Mark ikaw na lang sa pwesto ni Joon bukas. Joon intact ka sa lugar ng prinsesa. Rom, rotation kayo ni Joon para makapagshift din kami sa pagmonitor. Maliwanag?" seryosong pagpapaliwanag ni L sa kanyang grupo.

"Opo!"

"Uulitin ko lang, wala tayo bukas para bantayin ang prinsesa sa kalokohan. Bukas, nangdun tayo para protektahan siya. Naiintindihan?"

"Opo!"

"Balik na kayo." L.

==

"Left artery...aorta...para naman akong magdodoktor nito."

Nasa library ngayon ang prinsesa, nag-aaral at nagbabasa ng mga libro. Inisip ng prinsesa na sana noon pa siya nag-aral nito para naman hindi siya magkakandarapa sa pagmememorize.

Nagsimula na rin siyang sumagot ng mga sample questionnaires. Tahimik at seryoso.

Ito ang malaking pagkakaiba sa prinsesa ngayon.

==

"Camera 11 Joon, pakiayos ng wiring. Over."

Nasa loob ng cctv room si L at inaayos ang mga camera.

"Camera 2 ulit. Pakikanan ng konti." Tama na sana nang biglang napatay ang camera 20 sa loob ng ballroom. Maling napindot ni L ang recordings kaya ang kuha ay yung nagkainisan sila ng prinsesa.

Naglalaro ngayon sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Ang unang beses na pinakilala siya ng prinsesa na walang halong biro, inis o ano pa.

"Baliw ka L. Baliw." sabi niya sa sarili at binuting ayusin ulit ang mga camera.

==

Tsaa.

Kalagitnaan ng tanghali, nag-eensayo si Naeun kung paano magbuhos ng tsaa.

(Hindi kami friends ng takuri.) pabirong isip ni Naeun.

Naglalakad ngayon si L nang mapansin niya ang prinsesa sa loob na dahan-dahang hinahawakan ang handle.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon