Chapter 24: Alone

317 10 1
                                    

Chapter 24: Alone

Naeun's POV

"L--" tawag ko.

O.O Anong sasabihin ko? Ako lang naman siguro ang kaisa-isang babaeng tumatawag ng pangalan na walang sasabihin.

Lumingon si L.

"Uh...uhm...w-wala." andito na oh. Pero hindi lumalabas. Mahirap bang mag-thank you?

Hay naku! Naeun Shin! Mapagkamalan kang demonya sa pinagagawa mo -________-

==(next day)==

"Prinsesa, nandito na po sila." 

Bagong araw. Masaya akong simulan ito. Pangalawang araw pa lang simula nung pumasa ako sa evaluation. Pero bago ako magseseryoso sa pagiging prinsesa ko, itotodo ko muna itong mga libre kong araw.

Inimitahan ko ang mga bata sa bayan para pumunta sa bayan. Wait, hindi pa talaga sila bata...baby pa :D Mga batang nasa edad months to 5 ata.

"Pwinsesa! Weee!" takbo ng mga maliliit na bata papunta sa akin.

"Haii!!! Uhm, Coray, tulong naman oh; dalhin natin sila sa loob."

Nung mapasok na namin sila sa loob, pinalaro ko muna sila. May mga baby pa na kasama ng kanilang mga bantay.

"Prinsesa, tignan mo yung pizza ko oh!" sabi ng isang batang lalaki habang pinapakita sa akin.

"Very good!" nakakatuwa itong mga batang ito. Since wala kasi akong magawa, naisipan kong magbigay ng konting salu-salo para sa mga batang ito. At para maiba, naghanda ako ng pizza-making activity...oo para mamaya ako kakain xD

Di. Joke lang.

"Prinsesa, kailan tayo kakain?"

"Haha, mamaya. Dito tayo, kwentuhan muna tayo." umupo ako sa sahig at kinandong ang isang cute na three-year old.

"Prinsesa!" tawag ng mga maids.

Spell O.A. Parang mamatay ako kung uupo ako sa sahig.

"Prinsesa, asan si Mr. Black?"

"Mr. Black?" O.o

"Yung palagi niyong kasama!"

"Oo nga! Where is he?"

*ahem* "Day-off niya ngayon. Wala siya. Pa'no niyo siya nakilala?"

"Sir L! Yun ata yung name niya!"              "L. L. Ah~ L..."

"Yung bumisit po kayo sa bayan? Nagbuy kayo ng food. Mommy ko po ang owner dun! Hihi!"

Ahh. Mabuti pa si L. Kahit hindi nagsasalita, kilala ng iba.

"Prinsipe niyo po ba siya?"

O.O "Hindi. Hindi siya prinsipe."

"Love niyo po ba siya? Kasi palagi niyo siyang kasama."

O.O Naku. End of the world na ba? "Hindi. Hindi ganun yun. Ahm. Story telling na lang tayo." (Para maputol na tong kalokohang ito. -___-)

"Ako! Ako prinsesa, may story ako!"

"Go!" sabay sabi ng mga bata at ni Naeun.

"Sinabi ni lola ito sa akin...

May prinsesa daw pero bad siya. Galit silang lahat sa kanya dahil hindi siya nagrule ng kingdom ng maayos. Isang araw, nagkakilala ang isang knight at prinsesa.

Gwapo ang knight pero ayaw ng prinsesa sa kanya. Isang gabi, nagkagulo ang kingdom kasi may mga bad people. Gusto nilang kunin ang princess."

"Huh!!!" sabi ng mga bata.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon