Chapter 25: Open Forum

287 10 2
                                    

Chapter 25: Open Forum

L's POV

*tingningning* (Mr. Im Calling)

O.o??? Akala ko day-off ko? Anong meron?

"Hello?"

(L, sorry to disturb you ah pero I think you need to know something. Uhm it's no joke...ah...)

"Mr. Im, can you get your points straight?"

====

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Mula sa kabilang bayan, madaling araw akong nagdrive papunta sa palasyo.

Pagdating ko, dire-diretso akong naglakad paloob. Naabutan ko ang mga gwardya ko na kumakain ng almusal.

"Sir." gulat nilang bati.

"Asan si Joon?"

"Na-nasa kwarto pa po."

Natagpuan ko si Joon na natutulog sa kama. Tinapik ko siya para magising pero ayaw eh.

"Joon."

"JOON!" sabay kapit sa t-shirt niya.

"UY! A-ANONG PROBLEMA?! NA-NANGDITO KA?!" bumangon siya kaagad sa kama.

-_____-" Ewan ko lang punong-puno na ako.

Hinila ko siya palabas ng kwarto. Hindi ko namalayan kung anong kwarto itong pinasok ko, basta't dinala ko si Joon doon.

Kahapon kasi, maginhawa akong nagpapahinga nang may biglang may tumawag sa akin. Ang tawag ay mula kay Mr. Im, ang head of security ni Prinsesa Bomi. Dun na ako naalarma, kung bakit ako tinawagan ng H.O.S. ng ibang prinsesa. Sabi niya, nasa hotel si Joon, kasama ang prinsesa Bomi. Sinubukan kong kumalma...pero hindi rin.

Alam niyo yung pakiramdam na parang sasabog ka na sa kaba at inis? Umalis ako ng Yung-do (bayan kung sa'n ako nagpapahinga) ng nakapambahay lang? Alas-dos pa ng madaling araw nung nagsimula akong magbyahe. Nagbihis lang ako sa isang gasoline station yung halfway na ako sa palasyo.

"Teka L, sandali lang. Anong meron?"

"Anong meron?! Joon, malalagot tayo sa ginawa mo! Bw*sit!" umuusok na ako sa galit...inis.

"Anong ginawa ko?"

"Bakit hindi mo kasama si Naeun? Dapat nasa tabi ka lagi ni Naeun lalo na wala ako! May mga bisita pa kayo sa palasyo, pa'no kung may mangyari sa prinsesa?"

Dapat lang talaga na magkasama sila ng prinsesa. Kung ako nga, nahihirapan akong sundan palagi ang prinsesa, pa'no pa kaya kung iiwan ko si Naeun kay Joon?

"L, bata. Mga bata ang kasama ni Naeun, pa'no sasaktan nila ang prinsesa?"

Aishh. "Eh bakit ka umalis ng palasyo?"

Hindi lang sa hindi niya binantayan ang prinsesa. INIWAN PA NIYA SA LOOB NG PALASYO. Hindi natin maaalis ang mga posibilidad ng pwedeng mangyari sa mga minutong walang bantay ang prinsesa.

"Kasi---"

"Mas malala toh Joon ha, sino ang kasama mo kahapon?"

"Si Prinsesa Bomi."

*door opens*

Nataranta kaming dalawa nang biglang bumukas ang mga ilaw. Hindi namin inaasahan...pumasok ang kaisa-isang taong hindi dapat makarinig ng aming pag-uusap...

Si Naeun.

_____________________

Naeun's POV

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon