Chapter 34: Broken Rule

271 10 2
                                    

A/N:

This chapter is dedicated to my ever beloved (naging silent) dongsaeng. Mag-ingay ka naman minsan ulet gaya dati. Baka matapos na itong story ko XD

Joke lang.

Speaking of which...Chapter 34! Here we go!

==========================

Chapter 34: Broken Rule

L's POV

Wala na akong oras para gawin ito sa kanya. Nauubusan na ako ng panahon para makasama siya. Huling pagkakataon ko na siguro ito...kahit maraming panganib at parusa ang daratnan ko. Ewan ko, bahala na.

Kinuha ko yung jacket ko. Hindi ako naka-uniform ngayon, kundi yung dapat sinusuot ng mga karaniwang tao. Iniwan ko sa may mesa ang cellphone ko, ang tanging dala ko lang siguro ay yung personal kong gamit na cellphone. Kinuha ko yung bracelet na nahulog ni Naeun nung sinagip ko siya. Balak kong isauli sa kanya ito mamaya.

Six pa ng umaga. Tulog pa rin ang buong palasyo. Naisip ko, ito ang tamang panahon para gawin yung plinano ko.

Well...hindi ko talaga ito plinano pero...sige na lang.

Hindi ako yung kontrabida dito. Baka mapagkamalan ako dahil sa mga gagawin kong ito. (Malalaman niyo rin mamaya.)

Ang dapat kong gawin muna ngayon ay ang makaakyat sa balcony. Maghihigit sampung minuto na akong nakayapit sa may pader. Sinasagawa ko ang lahat ng walang ingay, walang tunog. At sa wakas ay nakatapak na ako sa may sliding door ng kwarto.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Maingat akong naglakad at lumapit sa kinaroroonan niya. Tinapik ko yung balikat niya at agad naman siyang nagising at lumingon sa akin.

Wala ng urungan ito.

Itatakas ko ang prinsesa.

"Sumama ka sa akin. Kahit sandali lang."

_______________________________

Naeun's POV

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Nagulat ako kaya agad akong bumangon. Madilim pa rin sa kwarto, kaya alam kong hindi pa sumisikat ang araw. Pero naaninag ko ang anyo niya...ang anyo ni L na nakaluhod sa tabi ng kama ko.

HUWATT???!!!!

Kalalaking tao pumapasok sa kwarto ng babae?! Hindi ba sila tinuruan ng sexual education?! Hello?! Mabuti na lang at hindi ako nakashorts o ano at baka anong gawin sa akin nito TT.TT

Sisigaw na sana ako ng sabihin niyang...

"Sumama ka sa akin. Kahit sandali lang."

Boom. Ewan ko anong sumanib sa akin at dinala ako ng mga sarili kong paa diretso sa dressing room ko. Agad akong nagbihis ng casual na kasuotan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit agad akong sumunod sa kanya.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pagbalik ko dun sa kinaroroonan niya.

"Basta, sumunod ka lang sa akin."

Lumabas kami pareho ng kwarto ko. Hindi kami dumaan sa main hallway, kundi sa mga pasikot-sikot na daan. Alam ko kung bakit. Baka hindi pa ito nalalaman ng ibang gwardya kaya dito kami pumunta.

"L--" tawag ko sa kanya nang huminto kami sa backgate ng palasyo. Nilabas niya yung security card at pinindot ang password sa may LCD. Dun ko lang lahat naintindihan ang lahat.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon