Chapter 44: Unexpected Guest

261 11 2
                                    

Chapter 44: Unexpected Guest

L's POV

"Kim Myung Soo." sagot ko.

Ngunit walang umimik sa kanilang dalawa.

"Ahh. Baka L ang nakasulat." biro ko sa kanila.

"P-papano--S-ssir L? Ay! Prinsipe po pala!" sabay yuko ni Coray.

Gusto kong tumawa. Ito kasing si Mark naging statwa sa gilid.

Sabi ko na nga ba. Parang nakakita ng multo tong dalawang ito. Lumingon ako kay Joon na 100% kabaliktaran sa dalawa...parang walang imik.

"Oh. Nandito na ko."

"Eh ano ngayon?" pagmamatigas nito.

"Edi babalik na ko." biro ko at tumalikod sa kanila.

"Uy! Di naman mabiro, alikana!"

Tinulak ako ni Joon sa loob baka daw kasi magmukha kaming kidnapper sa labas.

"N-nakapunta ho kayo Sir L---"

"Hindi ako pumunta dito para makita si Naeun." seryoso kong sabi.

"Tss..." narinig kong sambit ni Joon sa gilid.

Nasa likuran kami ng venue. Puno ang palace garden ng mga tao. Meron pang mga taga-bayan sa labas ng barricade. Namataan ko ang hari na nakaupo kasama ang mga kapatid ni Naeun sa baba ng entablado. Habang...habang siya naman, nasa itaas ng entablado. 

Kinakausap ngayon ni Joon sina Coray at Mark. Hinayaan ko munang siya ang mag-briefing sa kanila. (wink). Iba ang selebrasyon ngayon sa palasyo kaysa sa pista. Maraming ilaw, maraming camera, at may mga servers na rin. Sila ang naghahatid ng mga inumin at dessert sa mga table ng mga bisita. Marunong na palang mag-organize ang prinsesa ng totoong party. Tch.

"Huh? Sir L?!" namataan ako ng mga katulong, at pinaalam naman nila ito agad kay Manang. Kumakaway sila sa akin ngayon. Gusto sanang lumapit nila pero sinenyasan ko silang huwag.

"Shh." sabay lapit ng daliri ko sa bibig at napangisi. Tumango sila at nagtawanan. Paglingon sa likuran ko, wala na sila ni Mark. Nakasamang tingin lamang sa akin ang "isdang" nasa harapan ko. "Ano?"

"Laki ng utang mo sa'kin. Pasalamat ka sa akin."

"Tch." napatawa ako. "Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo balang araw."

"Sabi mo iyan."

Malaki nga ang utang ko kay Joon. Halos kasi...siya ang may dahilan dito. Anong magagawa ko? Walong oras ang kailangan kong ibiyahe para makarating ako dito. Ang layo kaya nun.

"Ayos na ba ang lahat?"

"Oh." sagot ni Joon habang hindi tumitingin sa akin.

"Baka pumalpak ah."

"ANO?! HOY, ARE YOU UNDERESTIMATING AN AMAZING MAN LIKE ME??? HA? ME? ROYAL GUARD JOON? CURRENT HEAD OF SECURITY NI PRINSESA SHIN NA EUN? AY! Kung ganon lang din...

UMALIS KA NA! BUMALIK KA SA PALASYO MO! TUTULO NA LANG ANG LAWAY MO KUNG IKAKASAL SI NAEUN SA IBANG PRINSIPE!"

"Ano bang problema mo? Sabi ko 'baka'. Kung ano pang pinagsasabi mo." langhiya talaga to. -____-" Ano daw? Ibang prinsipe?

"Anong sinabi mo kanina? Pakiulit nga. Anong ibang prinsipe? Akala ko ba blinock mo na lahat ng mga sulat para dun?!"

Hindi ako sinagot ni Joon. Ngumiti lang ito ng nakakaloko.

"Bilang tradisyon, sa koronasyon ng isang prinsesa, kailangan niyang mamili ng prinsipeng mapapangasawa niya. Which is tingin ko hindi ko na kailangang i-explain to kay Prinsesa Naeun, hindi ba?" Narinig kong sabi ng MC.

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon