Chapter 22: Test

317 12 4
                                    

A/N:

Weet!! Hello readers :) Happy 2.5 K reads!

Bilang thank you ko, there would be faster updates this week. More scenes to be unveiled, kaya abangan ninyo ang susunod na mangyayari kina L at Naeun :)

Chapter 22, here we go!

+++++++

Chapter 22: Test

Naeun's POV

Gumising ako nang maaga upang makapaghanda sa araw na ito. Araw na kinakakutan ko. Araw na konti lang ang pinaghandaan ko.

May iniwang envelope sa kama ko. Sulat galing sa Hari. Sabi niya, pagbutihin ko raw ang test ko.

Kahit sulat lang ang natanggap ko, ok lang. Naiintindihan ko naman si Papa...siguro bumiyahe yun kaya hindi nakapunta.

Ngumiti ako at nagsimula nang maghanda.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang pinatahi kong dress. Sinimulan na rin akong ayusan ng makeup team na pinadala ni Ate Yookyung.

Pinikit ko lang ang mga mata ko nung ayusan ako. Ayoko munang makita ang prinsesa; ang prinsesang nakakulong sa loob ng palasyo.

Makulit. Mapagbiro.

The exact opposite of every princess you must knew.

"Kaya ko toh." tumayo na ako at naglakad papunta sa throne room.

Kaliwa't kanan ang mga guards ko. Pero wala si L. Asan kaya yun?

Si Joon ang nanguna. Inescort nila ako sa loob.

Dun, nakita ko si Madam Francheska, isang assessment duchess at ilang matataas na tao.

"Kakayanin ko toh."

___________________

3rd Person's POV

"Pangalan?"

"Shin Na Eun, Tagapagmana ng Silangan."

I: The Princess' DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon