Chapter I

1.7K 42 0
                                    

Ako si Shaquil Delaviga 20 years old.May bestfriend akong si Shaeena May, kita nyo pariho kami ng simula ng pangalan puro "Sha"nagkataon lang na ganyan ang aming mga pangalan.
Classmate ko sya mula gradeshool hanggang college.

Bata palang kami crush ko na sya ang cute kasi nya.Subrang bait nya at palaban. noong bata pa kami lagi nya akong pinagtatanggul sa mga batang umaaway saakin,inaasar kasi nila akong chubby Oo mataba ako nung bata ako,dahil doon naging matalik ko syang kaibigan,kung anong trip nya trip ko din,sya yung tipong tao na kahit malungkot nangingibabaw parin ang kanyang pagkamasayahin,Malambing na kaibigan,Matulongin sa kapwa kaya nga crush ko sya eh.

Nong Highschool kami hindi na crush ang feelings ko para sa kanya umabot ito sa tinatawag nilang love.Maraming babae ang nagkakagusto saakin pero wla akong pinapansin dahil kay Shaeena lang ako nagka crush.

Lagi kaming magkasama.
Kung anong hilig nya hilig ko rin.
Ang mga pagkain na favorotes nya na hindi ko gustong kainin ay naging favorites ko narin.

Pagbibili sya ng damit nagpapasama sya saakin para daw makita ko kung bagay ba sa kanya o hindi at ganundin ako sa kanya,

Wala kaming nililihim sa isat isa lahat ng secreto ng bawat isa naikuwento namin sa isat isa.
Pag may problema ang isa sa amin nagtutulongan kami.

Lahat ng secreto ko alam nya mula sa pamily ko alam niya isa lang ang hindi ko nasabi sa kanya ito ay ang TOTOONG NARARAMDAMAN KO SA KANYA. gusto ko aminin sa kanya pero natatakot ako na baka mag bago ang lahat,baka iwasan niya ako bigla at ayaw ko mangyari yun sa aming dalawa.

Marami din naman lalaki ang nagkakagusto sa kanya pero wala din syang pinapansin sa kanila.
Minsan pa nga naiisip ko na baka gusto nya din ako, baka tulad ko hindi nya rin maamin ang nararamdaman nya saakin.baka natatakot din sya na Magbago ang lahat saamin.

4rth year High school kami noong magkahiwalay kami ng section nasa first section sya at nasa second section nman ako.
Subrang lungkot ko non dahil nagkahiwalay kami,nagsisisi ako na hindi umabot ang grades ko para maging first section ako tulad nya.pero sabi nya wag daw akong malungkot dahil magkikita at magkakasama naman daw kami sa labas eh,
Kahit ayaw kong magkahiwalay kami ng section kilangan kong tanggapin.

Hanggang sa naging bussy kami dahil kilangan namin seryosohin yung pag aaral namin kasi nga graduating kami,lalo na sya na pangarap nyang mapasama sa top 5,nawalan sya nang time saakin minsan lang kami nagkakasabay sa pagkain kasi minsan late sya kong lumabas at minsan ako din yung late ng labas.

Isang araw wala akong pasuk sa last subject ko sa umaga.
Hinintay ko Matapus ang calass nya para sabay kami ng lunch,
5 minutes nalang matatapus na sila kaya agad akong tumakbo sa cafeteria nag order ako ng pagkain para saamin,pupunta din yun dito para mag lunch.
Para pag dating nya dito hindi na nya kailangan mag order kasi naka order na ako,nakaupo ako sa mesa habang hinihintay siya.

"BESTFRIEND FIRST LOVE" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon